```
Isang linggo na ang lumipas mula nang magising si Marigold, at sa wakas ay napagpasyahan na niyang bumalik sa Maynila upang harapin ang kanyang ama. Marami siyang tanong na nangangailangan ng mga sagot, at gusto niyang marinig ang mga iyon nang direkta mula sa ginoo..
Higit pa rito, siya at si Victoria ay nakibahagi sa isang talakayan at naabot ang isang pinagkasunduan na magtulungan. Dahil dito, kailangan niyang bumalik sa probinsya para simulan ang pagpapatupad ng kanilang plano.
Nang nakarating sila sa kanilang bahay, agad na bumaba ng sasakyan si Marigold at nagtungo papunta sa silid aklatan ng kanyang ama. Kumatok muna ito bago tuluyang pumasok, nagulat naman si Don Quintana dahil sa biglaang pagbukas ng pinto.
βDad, we need to talk!β Seryoso nitong sabi sa kanyang ama bago tuluyang pumasok at umupo sa katapat na upuan ng ginoo.
βWhatβs wrong, meron ka bang nararamdamang kakaiba?β May pag-aalala naman na tanong ni Don Quintana, umiling ang dalaga bago muling nag-salita.
βDad, what happened sa kaso ni Ate Lucinda? Sinoβng pumatay sa kanya, wala pa bang balita? Bakit hindi ka gumawa ng paraan, dad mahalaga sa atin si Ate Lucinda at alam mo rin kung gaano siya ka-importante sakin.β Seryoso at sunod-sunod na tanong ni Marigold, hindi naman agad nakapagsalita ang kanyang ama, ito na nga ba yung sinasabi niyang oras na magising at nalaman ng dalaga kung anong nangyari kay Lucinda, marami itong tanong na dapat niyang sagutin.
βAnong ginagawa mo dad, bakit parang hindi ka kumikilos ngayon? Hahayaan mo lang bang pakalat-kalat ang mga kriminal na pumatay kay Ate Lucinda? Paano kung isa na naman sa angkan natin ang patayin nila, dad gusto kong malaman ang kaso ni Ate.β Pagmamakaawa niya sa kanyang ama, napabuntong-hininga ang ginoo dahil ayaw na niyang madamay pa si Marigold.
βHindi muna kailangang malaman pa dahil gumagawa na ako ng paraan, labas ka na dito huwag ka ng makialam, meron kang problemang dapat ayusin!β Nagsalubong ang dalawang kilay ni Marigold dahil hindi niya nagustuhan yung naging sagot ng kanyang ama.
βWhy, bakit hindi ko pwedeng malaman? Dad, naririnig mo ba yang sinasabi mong huwag akong makialam? What the Fvck!β Hindi mapigilang sigaw ni Marigold, dahil sa sama ng loob niya.
βAte Lucinda holds a special place in my heart, at nararamdaman ko ang matinding pangangailangan na humingi ng hustisya para sa kanyang biglaang pagpanaw. Naniniwala ka ba na ang kanyang espiritu ay makakatagpo ng kapayapaan kung hahayaan nating ibasura nila ang kanyang kaso? Kung kaya mo itong isantabi, that's your choice, but I can't. Siya ang naging bato ko noong kailangan ko nang isang ama. Hindi ko hahayaang mabasura ang kaso, paano kung ako yung nasa posisyon niya ngayon. ganyan din ba ang gagawin mo?β
Determinadong sagot niya sa kanyang ama, habang nakatitig sa mga mata nito. Natahimik si Don Quintana dahil ibang ugali ang ipinapakita ng kanyang anak, kung anong desisyon niya noon ay sinusunod nito pero ngayon nagmamatigas na.
βIβm not kid anymore, na parating sumusunod sayo. Kung hindi mo sasabihin sa akin, ako mismo ang gagawa ng paraan para alamin yung nangyaring krimen!β Pinal na sabi ng dalaga bago tumayo sa kanyang kinauupuan at tinalikuran ang ama niya.
βMarigold!β Pasigaw na tawag niya,, huminto ito sa paglalakad at hindi tumingin kay Don Quintana.
βHindi mo ako mapipigilan dad, and I am aware of your business activities and those of your associates!β Malamig at may pagbabanta na sabi ng dalaga, tumingin siya sa kanyang ama. βIsa lang naman ang gusto kong mangyari, mabigyan ng hustisya si Ate Lucinda!β Dagdag nitong sabi habang masamang nakatingin sa ginoo.
βEnough, Marigold! Sa tingin mo ba wala akong ginawa, para mahanap ang pumatay kay Lucinda?! Lahat ginawa ko halos napabayaan ang kumpanya, habang binabantayan ka umaasang magigising! And now gising ka na problema pa rin ang ibinibigay mo! Sa tatlong buwan, sapat na yon para bigyan ko ng oras ang hahanap sa punyetang kriminal na yan!! Wala akong napala, dahil hindi matukoy kung sinong may-ari ng bahay! Pineperahan nalang ako ng mga taong inuutusan ko, wala namang nangyayari! What should I do? Hindi lang sa paghahanap umiikot yung mundo ko, maraming mawawala sa atin kung pinabayaan ang mga negosyo natin dito! Wala na akong natanggap na update sa kanila, dahil tumigil na silang mag-imbestiga!β
Mahabang paliwanag niya kay Marigold, hindi pa rin kumbinsido ang dalaga dahil she knows her father.
βKung hindi ka naniniwala sakin wala na akong magagawa pa!β Aniya bago tumayo sa kinauupuan at lumakad palapit patungong mesa.
Sinundan ito ng tingin ni Marigold, merong kinuhang brown envelope ang kanyang ama.
βHere, nandyan lahat ng katanungan mo at gaya ng aking sinabi hindi ko nalaman kung sinong may-ari ng bahay.β Muli niyang sabi bago i-abot ang brown envelope, tahimik naman kinuha ni Marigold wala siyang sinabi at tuluyan na siyang lumabas ng silid aklatan ng kanyang ama.
Padabog na umupo si Don Quintana sa swivel chair, bago kinuha yung kanyang cellphone para tawagan si Butler Patricio, agad naman itong sumagot.
βKamusta Don Quintana, balita na po dito sa hacienda ang paggising ni senyorita Mariz.β Masayang bungad nito, dahilan para lalong sumakit ang kanyang ulo.
βMas mabuti pang hindi pa sana siya nagising, dahil lalo akong nagkaroon ng problema. Huwag mo muna papuntahin ang mga tauhan dito sa maynila, masyadong mainit ngayon si Mariz dahil nalaman niya kung anong nangyari kay Lucinda.β Malamig niyang utos kay Patricio.
βMasusunod Don Quintana, meron akong balitang sasabihin sayo. Meron daw nakitang lalaki sa kagubatan at pumasok sa bahay, hinahanap na ngayon kung sino ito.β Seryoso niyang sabi humigpit ang hawak ni Don Quintana sa kanyang cellphone.
βAlamin ko kung sino alam muna ang kailangan mong gawin!β Mariin niyang utos, βSi Edmund, anong balita sa kanya at sa bago nitong babae?β Tanong niya dahil wala na siyang nalalaman mula sa lalaki.
βMaayos ang trabaho niya rito, malaki na rin yung benta sa mga prutas. Sa babae naman hindi na nagpupunta dito, pero nalalaman kong nagkikita sila sa bayan mukhang tuluyan na siyang naka-move-on kay Madam Lucinda. At isa pa meron siyang bakery na pinapagawa sa bayan, unti-unti na rin napapaganda mukha doon napunta ang kanilang ipon ni Madam.β Balita nito, sumingkit ang mga mata ng ginoo dahil sa nalaman.
βIpagpatuloy mo ang pagmamanman sa kanila, malapit na akong bumalik dyan.β Malamig na boses niyang utos bago patayin ang tawag, hindi niya alam kung anong gagawin kay Marigold ngayon.
```
MARIGOLDβs POV
β
For the past two weeks, I have been analysing the results of the investigation that was given to me. Before I do anything, I need you to know everything. Pero ang labo ng mga resulta lalo sumasakit itong ulo ko. Hindi rin ako makapag-concentrate dahil kailangan ko pang pumunta sa kumpanya, take care of things here, and stay for a few months in order to keep my father from discovering that I have a plan.
Ang sabi ni Ate Victoria, alam ni dad kung sinoβng may-ari ng bahay pero ang kanyang sagot sa akin ay wala siyang alam, parang may mali tila ba merong silang tinatago, sino ba sa dalawa ang nagsasabi ng totoo?
Napatingin ako sa pinto dahil merong kumatok, agad kong itinago ang mga kailangang itago. Pag bukas ay ang aking sekretarya, meron itong dala na dokumento ano na naman yan hindi na natapos itong pag-pipirma ko!
βMaβam Quintana, meron kang meeting mamayang alas-dos baka kasi makalimutan mo.β Nakangiti niyang sabi, malamig ko lang siyang tinignan bago kinuha ang dala niyang dokumento.
βCome back here later before two o'clock, is this what we'll discuss later?β Tanong ko habang isa-isa tinitignan, bagong project ulit walang sinasabi si dad sa akin tungkol dito.
βAno βto walang sinabi sa akin si dad?β Tanong ko tinignan naman niya bago ako sagutin.
βTungkol dyan maβam, resort daw yan sa isang probinsya na gusto nilang itayo. Meron silang nakitang lupa na pwedeng gawin resort dahil katabi nito ay isang sikat na pasyalan tuwing summer.β Paliwanag nito sa akin, kailan pa sila nagkaroon ng interes sa probinsya ang target namin ay dito lang sa maynila.
βKaninong lupa ang nabili nila?β Muli kong tanong dahil wala talaga akong alam sa nangyayari.
βMaβam ang narinig kong usapan nila, lupa yan ni Madam Lucinda na balak nilang kunin dahil wala naman daw karapatan ang asawa nito.β Nagulat ako sa aking nalaman, What kind of nonsense is going on in this company? It is a good thing I am awake. What if I am still not awake? Edi isang malaking gulo ito dahil pinakikialaman na nila ang lupang hindi naman sa kanila!
βSabihan mo silang ngayon na ang meeting, maghihintay ako sa conference room!β Malamig kong utos bago tumayo sa aking kinauupuan, una akong lumabas ng opisina at lumakad patungong conference room.
Pagdating ko ay nakaayos na ang lahat para mamayang alas-dos, kaya ba ako ang pinapunta dito ni dad dahil dito? At pabor sa kanya ang gagawin ng mga kasamahan nito sa negosyo, the fvck! Kung ganito rin lang ang mangyayari much better siya na lang itong mamahala!
Madilim ang mukha ko na umupo sa aking swivel chair, hinihintay silang dumating I can't ignore what they're doing. Pag-aari na ng iba ang pinakikialamanan nila.
A little later, people started to show up one by one, their faces expressing surprise and curiosity nang makita nilang ako ang nakaupo. Ang aking ama ba ang ini-expect nilang nandito ngayon.
Nang kumpleto na sila ay tumayo ako sa aking kinauupuan bago nagsalita. βI understand you're all wondering why I'm here today, and I'd like to explain. I did not approve the project you all requested since you are so obstinate about meddling with other people's property!β Seryoso kong pahayag sa kanila, nagkatinginan silang lahat.
βNapag-usapan na namin ito at ang iyong ama ay pumayag, so bakit hindi mo inaprobahan? Para sa ikabubuti iyon ng kumpanya, at bakit ikaw ang nandito ngayon nasaan si Mr. Quintana?β Seryoso na tanong ni Mr. Razuca ang ama ni Daley.
βPara sa ikabubuti ninyo, huwag niyong idamay ang kumpanya dito dahil kahit wala iyon ay malaki pa rin yung kinikita! Gaya ng sinabi ko, wala akong balak pirmahan ng project na iyon. Kapag pinakialaman ninyo ang lupang pag-aari ni Ate Lucinda, ako mismo yung makakalaban niyo! Hindi ko ugaling umangkin ng lupang pinaghirapan ng iba, ang kapal naman ng mukha mo para sabihin walang karapatan si Mr. Edmund, asawa siya ni Ate Lucinda kaya siya ang magdedesisyon sa lupang iyon!β
Mariin kong sagot kay Mr. Razuca, kinuha ko ang aking dala na dokumento at pinunit iyon sa harapan nila.
βHindi ako tatanggap ng kahit anong project mula sa inyong lahat!β Pinal kong sagot bago binalibag ang mesa at lumabas ng conference room.
Nanginginig ako sa galit dahil puro may hangin sa utak ang mga tao dito ngayon, isa na si dad anong nakain niyaβt pumayag ito! Desperado na rin ba siyang makuha ang pinaghirapan ng kapatid niya?!
Nang makabalik na ako sa aking opisina, kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Attorney Saceda, pinagkakatiwalaan kong kaibigan.
βAttorney, how are you?β Masigla kong bungad sa kanya.
βHuh, Mariz ikaw ba to ang huli kong balita naaksidente ka, kamusta ka?β Pabalik niyang tanong sa akin, mahina naman akong natawa.
βIβm okay now, meron sana akong favor na hihilingin. Nasa probinsya ka ba ngayon?β Nagbabakasakali lang ako dahil meron akong balak ipagawa sa kanya.
βNext month nandoon ako, bakit meron ka bang problema?β May pag-aalala niya na tanong.
βMagkita tayong dalawa kapag nandoon ka na, see you soon.β Sabi ko sa kanya, bago ibaba ang tawag dahil baka meron pang makarinig sakin. Kailangang bawat kilos ko ay nag-iingat ako dahil marami pa akong kailangang gawin.
to be continued...