Dahil sa hindi matanggap ni Edmund ang pagkawala ng kanyang asawa, halos araw-araw itong lasing hindi na pumupunta sa hacienda Quintana, napabayaan na niya ang sarili at gabi-gabing umiiyak.
βGood morning Mahal ko,β Pabulong niyang bati sa larawan ng kanyang asawa. Bago ito haplusin at mapaklang napangiti.
Sinusubukan niyang ayusin ang sarili pero sa huli, iinom hanggang sa ito ay malasing. Puro bote na ng alak ang laman ng kanilang bahay, kapag bagong gising ay alak agad yung kanyang iniinom. Malayong-malayo ang itsura noon ni Edmund, malinis at maalaga sa sarili ngayon ay ni hindi man lang maligo o ahitin ang balbas nitong mahaba na.
Napukaw ang kanyang atensyon sa pinto ng kanilang bahay, nakita niya doon si Don Quintana seryoso at madilim ang mukha habang nakatingin sa kanya.
βAnong balak mo sa buhay Edmund? Ganito na lang mag papakalasing, baka nakakalimutan mong meron kang responsibilidad sa hacienda!β Malamig na sabi ng ginoo sa kanya habang lumalakad papalapit sa kinaroroonan niya.
βAno sa tingin mo magugustuhan ni Lucinda na ganyan ang itsura mo ngayon? Magpakalalaki ka Edmund, kung magpapatuloy kang ganyan maghanap ka na ng ibang trabaho! Ang alagang mga hayop sa hacienda, ilang araw na silang hindi inaalagaan!β Muling sermon sa kanya, napabuntong-hininga naman siya bago sumagot kay Don Quintana.
βHayaan muna ako Don Quintana, wala ng saysay ang buhaββ
βNaririnig mo ba yang sinasabi mo Edmund? Wala ka ngang nagawa para kay Lucinda, hindi ko alam kung ano bang nakain niya at ikaw yung pinakasalan! Kahit kailan wala ka talagang kwenta, imbis na asikasuhin mo ang nangyari kay Lucinda, anong ginagawa mo nag papakalasing, hanggat nabubuhay ka sa mundong ibabaw merong say-say yang buhay mo! Hindi lang ikaw ang nasasaktan sa pagkawala ni Lucinda, umayos ka Edmund dahil hanggang ngayon wala pa ring balita kung sinong pumatay sa asawa mo!β
Putol nito sa sasabihin ni Edmund, kinuha niya ang isang bote at ibinato sa dingding na ikinagulat nito.
βPa-pasensya na Don Quintana,β nahihiya niyang sabi bago muling yumuko.
βHuwag mong dagdagan ang problema ko Edmund, dahil hanggang ngayon ay wala pa rin malay si Marigold. Hindi ko na nakikita ang lalaking pinakasalan ni Lucinda, Imbis na gumawa ng paraan para malibang, mas pinili mong maglasing at magmukmok dito, nakakahiya ka! β Pagkasabi iyon ng ginoo ay tinalikuran na niya si Edmund at lumakad palabas sa bahay nito.
Nanatili naman tahimik si Edmund habang nakatingin sa labas, umalis na ang sasakyan ng ginoo. Tila natauhan siya dahil sa mga sinabi sa kanya, mahinang natawa si Edmund bago tumayo at lumakad papuntang banyo.
Naligo siya dahil balak niyang bumisita sa hacienda, at kahit nahihirapan pa siya ay kailangan niyang bumangon. Marami pa siyang mga gawain na dapat gampanan, and what made him even more depressed was the fact that no one from his family had come to express their sympathy.
Nagulat ang kanyang mga kasamahan sa hacienda nang makita siyang paparating, kumaway sila tumango lamang si Edmund bago lumakad papunta sa mga alaga niyang hayop. Habang abala siyang nagpapakain ay lumapit ang isang kamag-anak si Lucinda.
βKamusta Edmund, meron akong narinig na chismis sa bayan tungkol kay Lucinda.β Seryosong sabi nito sa kanya dahilan para mabaling ang kanyang atensyon sa tiyuhin ni Lucinda.
βAno yun Tiyo?β Tanong niya bago ito hinarap, tumingin muna ang ginoo sa paligid dahil baka merong ibang makarinig.
βMay nabanggit ba si Lucinda sayo tungkol sa problema ng kompanya nila Don Quintana?β Tanong nito, nagsalubong ang kilay niya dahil wala namang na-kwento si Lucinda na merong problema sa kumpanya.
βMukhang wala kang alam, napag-usapan daw sa meeting ang lupa na ipinamana sa kanya at gusto ng mga business partner ni Don Quintana ay bilhin ito para gawing resort. Hindi pumayag si Lucinda sa kagustuhan ng mga oldies, nagalit sila dahil sa pagmamatigas niya. At sa tingin ko ay may kinalaman dyan sa pagkamatay ni Lucinda.β Seryoso nitong sabi kay Edmund na ngayon ay malalim ang iniisip.
βAnong ibig mong sabihin si Don Quintana ang nagpapatay sa asawa ko? Malabong gawin niya ang bagay na yan, dahil alam nating lahat na pinagkakatiwalaan niya si Lucinda.β Agad na sagot ni Edmund, alam niya kung gaano kahalaga ang kanyang asawa kay Don Quintana.
βWala akong sinasabing siya, ang mga kasamahan nito sa negosyo. Ang mga taong gaya nila ay hindi maalis yan, dahil negosyo yung pinag-uusapan! Hanggang ngayon wala pang balita, isang seryosong case yan Edmund pero maaaring mabasura kapag merong under the table! Kaya kahit anong mangyari huwag mong ibibigay ang lupang ipinaglalaban ni Lucinda! Gumawa ka ng paraan para malaman kung sinong nasa likod ng pagpatay sa asawa mo, isipin mong mabuti Edmund ang mga kasong nauna madaling nalutas pero ngayon, halos mag-dadalawang linggo na wala pa ring balita! Chismis yan sa bayan, dahil kilala bilang isang Quintana si Lucinda. Bigyan mo ng hustisya ang pagkamatay ng pamangkin ko, hindi matatahimik ang kaluluwa niya.β
Seryosong payo nito sa kanya, lalong sumakit ang ulo ni Edmund dahil sa mga nalaman niya ngayon. Iniwan na siya ng ginoo, ipinagpatuloy naman niya ang kanyang ginagawa. Hindi niya tuloy alam kung sinoβng pagkakatiwalaan ngayon, dahil lupa ang usapan. Ilang beses sinabi sa kanya ni Lucinda na kahit mag ulam siya ng asin ay hindi niya ibebenta ang lupang iniwan ng kanyang magulang.
Habang si Don Quintana ay nasa ospital, binabantayan ang kanyang anak at nananalangin na sana ay magising na siya. Wala pa kasing magandang balita, nawawalan na siya ng pag-asa. Napukaw ang atensyon sa pinto nang may kumatok, pumasok ang dalawa sa kanyang mga tauhan na umiikot sa ilog upang magbantay at makatanggap ng mga ulat ng pulisya.
βAnong balita?β Malamig niya na tanong bago tumayo sa kinauupuan.
βMeron nakita ang mga pulis, isang bahay na medyo malapit sa ilong. Mukhang doon ginawa ang pagpatay kay Madam Lucinda, hindi lang makapasok dahil naka-lock ang gate at merong nakalagay na no trespassing. Inaalam pa ng pulisya kung kaninong bahay ang nag-iisang nakatayo sa loob ng kagubatan.β Mahabang ulat nito napatango naman ang ginoo dahil kahit papaano ay meron ng magandang balita.
βAlamin niyo kung kaninong lupa ang kagubatan na yan!β Malamig niyang utos, umali na ang dalawa pumasok naman si Victoria na kanina pa sa labas.
βKailangang malaman ni Edmund ang balitang yan.β Seryoso na sabi ni Victoria habang nakatingin kay Marigold. Naalala na naman niya si Lucinda, dahil magkamukha silang dalawa ng dalaga.
βHindi na niya kailangang malaman dahil wala naman siyang ginawang maganda!β Malamig na sagot ng ginoo, at masamang tinignan si Victoria.
βIlilipat ko si Marigold sa Maynila, dahil iyon ang makakabuti ihanda mo yung paglipat niya!β Malamig nitong utos.
βKung yan ang magiging desisyon mo Uncle wala na akong magagawa. Aasikasuhin ko ngayon mismo para sa kanyang paglipat.β Sagot niya, huminga siya ng malalim bago muling nagsalita.
βUncle, alam muna ba ang balita dito sa bayan? Usap-usapan dito ang ginawang pagpatay kay Lucinda ay merong tayong kinalaman, dahil tungkol ito sa lupang pilit inaangkin ng mga oldies.β Seryoso niyang sabi dahil para dumilim ang mukha ni Don Quintana.
βAnong kasinungalingan yan? Bakit ko gagawin kay Lucinda ang bagay na yan? Para kong anak ang batang yan, ni minsan hindi ko naisip yang ibinibintang nila. Tungkol sa lupa sinabihan ko na silang huwag pakialaman ang pag-aari ng iba! Dahil wala na akong karapatan dyan, kung anong desisyon ni Lucinda dapat nilang irespeto!β Galit na galit niyang sigaw, walang katotohanan ang mga paratang nila sa kanya.
βIsa ka sa nakakaalam kung gaano siya kaimportante sa akin! Huwag mong sabihin na pinaniniwalaan mo ang chismis!β Dagdag nitong sabi umiling naman si Victoria bilang sagot.
"Nag-aalala lang ako Uncle, dahil baka isa ito sa makakasira sa inyo. Malapit na ang eleksyon, kailangan mong linisin yang pangalan mo. Kahit sabihin nating inosente ka, pero maling chismis ang naririnig ng madla." Kalmadong paliwanag ni Victoria sa kanyang tiyuhin.
βAsikasuhin mo na ang paglipat ni Marigold sa Maynila! Wala akong pakialam sa mga pinagsasabi nila, dahil kahit kailan hindi ko magagawa yan, malinis ang aking konsensya!!β Mariin niyang sabi bago lumabas ng room ni Marigold, malakas niyang isinara ang pinto dahilan para magulat si Victoria.
βMariz, gumising ka na pakiusap dahil baka kung anong magawa ng iyong ama dahil sa mga gawa-gawang kwento.β Bulong niya sa dalaga bago inayos ang kanyang sarili at lumabas na rin.
to be continued...