Tulala si Edmund hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang asawa. Gulat na gulat pa rin siya, dahil kagabi pa niya hinihintay ang pagdating ni Lucinda, nakailang tawag at text siya, hindi mapanatag ito pala ang nangyari sa kanyang asawa. Isang nakakakilabot na pangyayari.
Para na rin siyang pinatay gaya ng ginawa kay Lucinda, wala siyang ibang nararamdaman kundi galit at gustong maghiganti. Hawak niya ang results ng autopsy ng asawa. Binugbog at ginahasa pa ito dahil sa nakuhang sperm kay Lucinda. Lalong napuno ng galit ang kanyang puso, hindi lang sinaktan binaboy pa nila ang pinakamamahal niyang asawa.
Lumapit siya kay Lucinda, nanginginig ang kamay niyang inalis yung puting kumot na nakatakip sa mukha nito. Para siyang sinaksak ng ilang beses, nang makita ang mukha ng kanyang asawa.
“Lucinda, mahal ko!” Malakas niyang sigaw kasabay ng kanyang pag hagulgol. Rinig na rinig sa loob ng morgue ang kanyang malakas na pag-iyak.
Sobrang higpit ang pagka-kayakap kay Lucinda, hindi niya lubos akalain na ganito ang sasapitin ng kanyang asawa.
“Patawarin mo ako Mahal ko, hindi kita naipagtanggol sa mga taong gumawa nito sayo. Pinapangako ko magbabayad ang may gawa nito sayo, hindi ako titigil sa paghahanap. Bibigyan ko ng hustisya ang iyong pagkamatay, pangako yan Mahal ko. Patawarin mo ako hindi ko alam kung paano magsisimula, ang hirap tanggapin na wala ka na masaya lang tayong dalawa kahapon bago ka umalis, dapat pala hindi na kita pinayagan umalis sana kasama pa kita hanggang ngayon. Mahal na mahal kita Lucinda, huwag mo akong iwanan please!”
Kasabay ng pag-agos ng mga luha sa kanyang mukha, hinawakan ni Edmund ang walang buhay na katawan ni Lucinda, ang kanyang puso ay nadurog sa isang milyong piraso. Noon pa man ay pinapahalagahan niya ito, tinatrato siyang parang reyna, udyok ng matinding pagnanais na protektahan siya mula umpisa. Nangako siyang aalagaan at iingatan siya. Ngunit ngayon, sa pagharap niya sa malupit na katotohanan, napagtanto niya na ang mga pangakong iyon ay hindi matutupad magpakailanman, at si Lucinda ay nawala sa kanya, hindi na babalik.
Habang nakayakap sa nanginginig na kamay ang bugbog na mukha ni Lucinda, pilit niyang pinagmamasdan ang babaeng mahal niya sa ilalim ng mga pasa at pamamaga na sumisira sa kagandahan nito. Wala siyang ibang bukambibig kundi ang humingi ng tawad kay Lucinda. Isang pang hihinayang ang bumalot sa kanya, at galit ang kanyang puso, at hindi niya mapapatawad ang sarili dahil wala na ang babaeng pinakamamahal niya.
Walang takot na hinalikan ang kanyang asawa, bago muling niyakap hinayaan lang siya ni Victoria na nasa sulok umiiyak, gaya niya ay puno ng galit ang puso dahil sa sinapit ng kanyang pinsan. Inutusan niya ang tauhan ng asawa na tumulong sa pag-iimbestiga kung sinong lumapastangan kay Lucinda. Lahat sila ay mahihirapang tanggapin ang pagkawala niya, dahil walang ibang inaasahan kundi si Lucinda, isang matalino at madiskarte itong tao. Siya ang may hawak sa ibang negosyo ni Don Quintana, mas pinili nitong tumulong sa tiyuhin niya kesa asikasuhin ang maliit na hacienda na iniwan ng kanyang magulang.
“Edmund, kailangan ng i-cremate ang katawan ni Lucinda.” Umiiyak na sabi ni Victoria bago hinila si Edmund, wala pa itong balak bitawan ang kanyang asawa.
Dahil hindi niya kayang makita lumabas si Edmund, nagtungo siya sa sasakyan niya at doon umiyak ng umiyak.
“Lucinda…” halos pabulong niyang bulong tawag sa asawa, “Gisingin muna ako mahal ko, ayoko ng ganitong panaginip. Hindi ko kayang mawala ka sa akin, gisingin muna ako please.” Pumiyok niyang sabi habang nakayuko.
“Sa tingin mo ba matutuwa si Lucinda na ganyan ang itsura mo ngayon? Magpakatatag ka Edmund para makamit ang hustisya ng iyong asawa.” Seryosong sabi ni Victoria bago ibigay ang Mortuary Vase kung saan inilagay yung abo ng kanyang asawa.
“Ba-balitaan kita kung ano’ng nalaman nila. Kailangan ko pang pumunta sa ospital dahil mayroong nangyari sa anak ni Uncle.” Paalam niya, tanging tango lang ang sagot ni Edmund, wala siyang ideya kung anong nangyari sa anak ni Don Quintana, at isa pa hindi niya ito kilala.
Binuhay niya ang makina ng kanyang sasakyan at umalis na. Pagdating nila sa kanilang bahay, inilagay niya sa kwarto nilang mag-asawa yung vase. Sobrang tahimik, i-ginala niya ang paningin mapakla na napangiti si Edmund, dahil kahit saan siya tumingin ay naaalala niya ang kanyang asawa.
Kumuha siya ng alak at baso at umupo, naiyak na naman ito. Tatlong taon palang silang kasal ni Lucinda, at plano na sana nilang bumuo ng anak. Ngunit ngayon, parang isang bulang naglaho lahat ng kanilang plano sa buhay. Ang mga pangarap nilang dalawa, mag-isa na lang niyang tutuparin.
Straight niyang nilagok ang hawak na alak, walang ibang ginawa si Edmund kundi uminom at tawagan ang pangalan ng kanyang asawa.
“Asawa ko, paano na ako bakit iniwan mo akong mag-isa. Alam mo namang nasanay na akong nasa tabi kita, paggising sa umaga mukha mo agad ang aking nakikita. Pero ngayon wala na, sa ala-ala nalang kita makikita. Ang sakit Mahal ko, para na akong mababaliw dahil sa pagkawala mo!” Umiiyak niyang sabi bago muling ininom ang pangatlong boteng alak.
“Mahal na mahal kita Lucinda, wala akong ibang mamahalin kundi ikaw lang. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito, pasensya ka na kung nakikita mo akong nahihirapan sa ngayon. Sobrang nasasaktan ako sa pagkawala mo, mag-celebrate pa tayong dalawa di ba? Pupunta sa ibang bansa para mamasyal, at gawin ang ating honeymoon dahil gusto mo ng magkaanak tayong dalawa.”
Muli niyang sabi, lasing na siya pero pilit pa rin umiinom. Bubuksan pa sana niya yung isa pero hindi na nito kaya. Bagsak siya sa ibabaw ng mesa, kahit tulog na ay binabanggit pa rin nito ang pangalan ng kanyang asawa.
Habang sa ospital, nagkaroon na ng malay si Don Quintana. Umiiyak itong nakatingin sa kanyang anak, halos tumulo na ang sipon nito dahil sa matinding pag-iyak.
Hindi na alam ng ginoo kung saan siya kakapit, dahil hindi rin nito matanggap ang pagkawala ni Lucinda. Hanggang ngayon ay wala pa rin balita, kung sinong pumatay sa kanyang pamangkin.
Tapos si Marigold, walang kasiguraduhan kung magiging pa ito hindi habang buhay ay maghihintay silang gumising siya. Sinabi ni Victoria ang totoo na mga machine na lang ang bumubuhay kay Marigold.
“Uncle, magdasal po tayo may awa ang nasa itaas. Huwag kang panghinaan ng loob kailangan ka ngayon ni Mariz, malakas at matapang siya magtiwala tayo sa kanyang kakayahan.” Pagpapalakas niya ng loob kay Don Quintana, nanatili namang tahimik ang ginoo. Hindi na nito alam kung anong magagawa niya kapag nawala pa si Marigold.
Masyado siyang naging maluwag sa kanyang anak, At malaki ang tiwala dito alam niyang hindi nagmamaneho na lasing si Marigold. Nagpapasundo ito sa driver nila, kaya ito ang unang beses na bakit hindi nagawang tumawag sa kanya ang dalaga.
“Kung hindi pa magigising si Mariz, kailangan kong mag-isip, dahil ayokong nahihirapan ang aking anak. Doon din siya pupulutin, lalo ko lang sasaktan ang aking sarili. Masakit para sa akin, dahil siya na lang yung meron ako tapos ngayon kukunin pa siya. Marami pang pangarap ang anak ko, bakit siya pa dapat ako nalang.”
Naging emosyonal na naman si Don Quintana, kahinaan niya ang kanyang anak dahil nangako siya sa asawa na babantay at aalagaan niya ang kanilang nag-iisang anak. Pero ngayon nasa critical siyang lagay.
Pinapatahan naman ni Victoria ang tiyuhin niya, siguradong marami na namang magkakainteres sa yaman ng ginoo kapag nawala ang kaisa-isa nitong anak.
“Anong balita sa nangyari kay Lucinda? Nahanap na ba kung sinong pumatay?” Tanong niya dahil wala pa siyang natatanggap na tawag mula sa kanyang mga tauhan. Maging ang pulisya, binayaran niya ito para mabilis umaksyon.
“Wala pang balita Uncle, mukhang planado ang pagpatay kay Lucinda. Walang kahit anong bakas na naiwan, may nakwento po ba si Lucinda sa inyo na meron siyang kaaway? Ito ang ipinagtataka ko mabait na tao si Lucinda, siguro meron talagang masamang pakay yung nasa likod nito.” Paliwanag ni Victoria, nakikita niyang masaya naman ang kanyang pinsan kapag magkasama silang dalawa. Lalong walang nababanggit na kaaway.
“Kailangan mahuli agad ang may kasalanan, buhay yung kinuha niya kaya buhay din ang magiging kapalit! Huwag nila akong susubukan, dahil hindi ko sila aatrasan!” Galit na sabi ng ginoo bago tinignan ng seryoso si Victoria.
Maraming kaaway ang kanilang angkan kaya, hindi niya alam kung sino sa kanila ang pumatay kay Lucinda.
to be continued.