𝙏𝙝𝙚 𝙋𝙖𝙨𝙩~𝑽

1707 Words
```` Edmund arrived at the precinct early to enquire about the outcome of the investigation into his wife's case. He expected good news, ngunit nadismaya siya dahil wala pa silang natuklasang anumang ebidensya. Lumipas ang ilang linggo at wala pa rin silang nakita, at unti-unti siyang nawawalan ng pag-asa na mabibigyan ng hustisya ang pagpatay kay Lucinda. “Bakit ang tagal ng paghahanap niyo, yung iba mabilis lang makahanap ng ebidensya?!” Seryoso niyang tanong sa isang pulis. “Maghintay na lamang kayo sir, dahil ang kaso ng iyong asawa mahirap hanapan ng ebidensya, dahil walang kahit anong bakas maliban sa mga nagkalat na pinamili niya sa kalsada.” Seryosong sagot nito kay Edmund, meron na silang magandang balita pero kabilin-bilinan ni Don Quintana na huwag sabihin kahit kanino, kasamang na si Edmund. Matamlay na lumabas ng presinto si Edmund, pagsakay niya sa kanyang sasakyan ay napasandal siya at huminga ng malalim. “Parang may mali,” aniya sa kanyang sarili, napailing siya bago buhayin ang makina ng kanyang sasakyan. Papaalis na sana siya ng meron dumating isang pamilyar na sasakyan. Pagbaba ng driver ay tauhan ni Don Quintana. Kaya naisipan niyang pumunta sa mansyon dahil baka meron na itong nakuhang balita. Wala na siyang ibang pag-asa kundi ang tiyuhin ng kanyang asawa, walang ibang makapangyarihan sa pamilya nila kundi si Don Quintana. Pagdating niya sa mansyon ay agad siyang bumaba sa kanyang sasakyan, at sinalubong siya ni Butler Patricio. “Magandang umaga Edmund, anong kailangan mo at pumarito ka?” Seryosong tanong nito dahil dapat sa ganitong oras na nasa hacienda na ito. “Nasa loob ba si Don Quintana, gusto ko sana siyang makausap?” Pabalik na tanong nito, napatango naman ang ginoo. “Wala si Don Quintana dito, isang linggo na siyang nasa maynila dahil doon dinala ang kanyang anak. Wala siyang sinabi kung kailan ang balik niya, at pinapasabi niyang ikaw muna ang bahala sa hacienda. Wala na siyang ibang aasahan ngayon kundi ikaw, sana gawin mo ng maayos ang iyong trabaho.” Seryoso niyang paliwanag kay Edmund, walang ibang nakakaalam sa pag-alis ni Don Quintana tanging mga tao lang dito sa mansyon. “Walang problema, ako ng bahala sa hacienda pasensya na sa abala. Meron lang kasi akong gustong itanong sa kanya.” Sagot ni Edmund, sumingkit naman ang mata ni Butler Patricio. “Kung tungkol sa kaso ni Madam Lucinda, wala pa siyang natatanggap na balita maging siya ay umaasang meron ng magandang progress sa paghahanap ng ebidensya, wala na tayong ibang aasahan ngayon kundi ang manalangin, magpakatatag ka Edmund huwag mawalan ng pag-asa dahil hindi natutulog ang nasa itaas.” Payo nito sa kanya bago ito nagpaalam dahil marami pa siyang kailangang gawin, umalis na rin si Edmund umuwing walang magandang balita. Nang hindi na makita ni Butler Patricio ang sasakyan ni Edmund, kinuha niya yung cellphone at tinawagan si Don Quintana. “Good morning Don Quintana, meron akong sasabihin sa iyong importante.” Magalang niyang sabi nang sagutin ng ginoo ang kanyang tawag. “Si Edmund, pumunta dito at hinahanap ka. Mukhang nakakahalata na siya, dahil nagbabakasakali itong meron kang alam kung anong balita sa kaso ni Madam Lucinda,” Dagdag nitong sabi habang seryosong nakatingin sa labas. “Hayaan mo siya, hindi ko na problema yan kung walang makukuhang magandang balita sa kaso ng kanyang asawa. Bigyan mo ng maraming trabaho, para meron naman siyang pakinabang!!” Malamig na sagot ng ginoo bago ibaba ang tawag. Tumingin siya sa kanyang anak na hanggang ngayon ay wala pa rin malay. “Anak, Marigold gumising ka na please huwag mo akong iiwan. Hindi ko na kakayanin kung pati ikaw ay mawala sa akin,” sabi nito sa kanyang anak habang hawak ang kamay nito. Agad niyang pinunasan ang luhang gustong kumawala, walang magandang mangyayari kapag iiyak lang siya tumayo ito sa kinauupuan niya bago lumakad palabas ng kwarto ng kanyang anak. Saktong paglabas nito ay nakasalubong niya si Louis, ang manliligaw ni Marigold puno ng pag-aalala yung mukha dahil ngayon lang nalaman ang nangyari sa dalaga. “Mr. Quintana, kamusta po si Marigold?” Tanong niya sa ginoo, umiling lang siya bilang sagot lalo namang kinabahan si Louis buong akala niya’y nagbabakasyon sa probinsya ang dalaga. “Hindi pa rin siya nagigising, at malabo ng gumising siya.” Sagot niya bago tinapik ang balikat ng binata, hindi naman nakapagsalita si Louis napasandal siya sa ding-ding. Mahal na mahal niya ang dalaga, at balak sana nito ay magpo-propose na siya. “Wala tayong ibang gagawin ngayon kundi ang magdasal,” sabi niya sa binata bago ito daanan, meron pa siyang kailangang tapusin na trabaho ang mga naiwan ni Marigold. Pumasok si Louis sa loob, nanibago siya dahil hindi niya inaasahang malubha ang sinapit ng dalaga. Nanghihina ang mga tuhod niyang lumapit sa dalaga, naiiyak siyang hinawakan yung kamay Marigold. “Mari, wake up please maraming naghihintay sa paggising ko.” Mahina niyang sabi habang nakatitig sa mukha ng dalaga na puro sugat, yung iba ay natanggal na yung dry skin hindi naman halata ang peklat dahil maputi si Marigold. “Hindi ako mawawalan ng pag-asa, alam kong magigising ka dahil marami ka pang gustong patunayan, kaya sana huwag mo ng patagalin maraming nasasayang na araw, at maraming projects ang naghihintay sayo.” Tukoy nito sa pagiging modelo ng dalaga na kasama siya, alam niyang matagal yun hinintay ni Marigold. Hinagkan nito yung kamay ng dalaga, magtatagal pa sana siya pero tumawag na ang kanyang manager. `` Habang sa hacienda Quintana, abala si Edmund na magpakain ng mga alaga niyang hayop. Kumuha pa siya ng mga damo para ibigay sa kambing at kalabaw. Habang nagpapakain siya ng kambing, meron siyang narinig na nag-uusap mula sa likod ng kulungan. “Narinig mo ba ang balita sa bayan? Nahanap na yung bahay na posibleng doon pinahirapan si Madam Lucinda,” sabi ng isang ginang habang nagsasalok ng tubig sa malaking drum. “Saan mo naman yan nasagap eh ang sabi ng iba ay wala pang magandang balita?” Tanong naman ng isang ginang, nanatiling tahimik si Edmund pinapakinggan kung anong pinag-uusapan ng dalawa dahil tungkol ito sa kaso ni Lucinda. “Sa bayan, alam mo bang mainit-init na chismis ang pagkamatay ni Madam Lucinda, halos mag-iisang buwan pero wala pa ring maayos na report. Kaya ang inaasahan nila ay ang alamin kung kanino yung bahay sa kagubatan, wala namang nakakaalam kung kaninong lupain yan maging ang ibang matatanda ay walang alam. Dahil noon pa wala silang nakikitang pumupunta, kaya nagulat ang iba dahil meron pala itong bahay.” Paliwanag ng ginang, umigting ang panga ni Edmund dahil sa kanyang nalaman. Meron na palang balita pero hindi sinasabi ng pulisya kaninang pumunta siya doon, karapatan niyang malaman dahil asawa niya ang namatay. “Eh bakit kanina tinanong si Edmund, ang sabi ay wala pang balita galing raw ito sa police station,” Nagtataka namang sabi ng isa pang ginang, tumingin naman sa paligid ang kausap nito bago muling nagsalita. “Kasi nga ang sabi-sabi, ayaw ipaalam ni Don Quintana kay Edmund kung anong balita dahil wala raw itong inaasahan mula sa lalaki, totoo naman mahirap lang siyang kumapit sa mayaman, buti nga tinanggap pa siya ni Don Quintana para kay Madam Lucinda. Tamo, wala man lang nagawa hindi niya nagawang iligtas ang asawa sa bingit ng kamatayan.” Rinig na rinig ni Edmund kung paano siya insultuhin ng ginang, walang imik na lumabas ng kulungan at lumakad palabas ng hacienda. Papunta siya ngayon sa mansyon, gusto niyang malaman kung totoo ang kanyang narinig o isa lamang itong haka-haka. “Don Quintana, lumabas ka dyan! Alam kong nagtatago ka lang, lumabas ka!” Galit niyang sigaw sa harapan ng mansyon, nagulat naman ang mga kasambahay nang makarinig ng ingay mula sa labas. “Lumabas ka Don Quintana!! Hanggang kailan mo ako gagawing mangmang! Karapatan kong malaman ang nangyayari sa kaso ni Lucinda, huwag mong ipagkait sa akin iyon!” Muling sigaw niya, lumabas si Butler Patricio seryoso ang mukha niyang nakatingin kay Edmund. “Anong nakain mo at ang kapal ng mukha mong sumugod dito? Asawa ka lang ni Madam ni Lucinda, pero wala kang magagawa kung si Don Quintana ang nagdesisyon, dahil unang-una ay wala ka namang naitutulong. At ito ang kailangan mong malaman Edmund, kung gusto mong makuha ang tiwala ni Don Quintana tumayo ka sa iyong sariling mga paa. Iyon ang gusto niyang mangyari, huwag mong ikulong ang iyong sarili sa nangyaring pagkawala ni Madam Lucinda! Gusto niyang ipamukha sayo na wala kang kwenta, kapag pinagpatuloy mo pa yang pagmumukmok at ipakitang mahina ka!” Mahaba nitong sabi, na lalong nakaramdam ng galit si Edmund lahat ginawa niyang pakikisama sa pamilya ni Lucinda para lang matanggap siya. Masakit ang mga binitawang salita ng ginoo, pero hindi niya ipinahalatang nasasaktan siya pareho lang silang naninilbihan sa Pamilya Quintana, ang pinagkaiba lang nila ay pinagkakatiwalaan ito habang siya'y hindi isang dahil hampas lupa ang tingin ng Don sa kanya. “Oo mahirap lang ako, pero hindi ibig sabihin nun ay ipagkakait niyo na sa akin lahat. Paano ako magiging maayos kung ang gusto kong malaman ay itinatago niyo sa akin. Gusto kong malaman kung sinong pumatay sa akin asawa, wala na akong ibang hinihiling kundi yan!” Mariin niyang sagot bago talikuran si Butler Patricio, nakakadalawang hakbang pa lang siya ay muling nagsalita ang ginoo. “Ang gusto ni Don Quintana, mag-focus ka sa iyong trabaho at hayaan siyang gumawa ng aksyon para mahanap ang pumaslang kay Madam Lucinda, sasabihin niya lahat sayo kapag maayos na, manahimik ka nalang at hayaan kung anong plano nito, dahil hindi lang ikaw ang nawalan ng mahal sa buhay.” Malamig nitong sabi, seryoso lang siyang tinignan ni Edmund bago ipinagpatuloy ang kanyang paglalakad. Wala na siyang aasahan dahil hawak na ni Don Quintana ang kaso ng kanyang asawa, pero hindi pa rin siya mawawalan ng pag-asa. “Kung wala akong makukuhang impormasyon sa inyo, ako mismo ang kikilos para malaman kung sinong nasa likod ng pagpatay kay Lucinda! Malalaman ko rin ang totoo!” Mahina niyang sabi habang naglalakad palabas ng gate, wala siyang ibang gagawin ngayon kundi kunin ang tiwala ni Don Quintana, hindi mawala sa isipan niya ang sinabi ng tiyuhin ni Lucinda. to be continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD