Kahit inaantok pa si Marigold ay maaga siyang gumising, pagkatapos niyang maligo at mag-ayos sa kanyang sarili ay lumabas na ito ng kwarto.
Sakto namang nasa labas na si Lenlen, halata sa mukha niya ang takot at pag-aalala.
βSeΓ±orita, dumating na po si Don Quintana at gusto ka niyang makausap.β Halos pabulong na sabi nito, seryoso lang siyang tinignan ng dalaga bago daanan.
Habang pababa siya ng hagdan, nakita niya ang kanyang ama sa living room. Seryoso habang nakatingin sa labas, bukas yung malaking bintana kaya medyo malamig ang simoy ng hangin.
βMaupo ka mag-uusap tayong dalawa.β Utos ng ginoo pagbaba niya sa hagdan. Sumunod naman ang dalaga, seryoso siyang tumingin sa kanyang ama.
βWhat's wrong with you Marigold, iniwan mo ang kumpanya para lang sa kaso ng iyong ate Lucinda? Sinabi ko na sayo wala ka ring mapapala!β Mariin niyang sabi kay Marigold, sumandal naman ang dalaga sa kinauupuan nito bago sumagot.
βKaya mo namang patakbuhin yun na wala ako, and besides masyadong nagmamagaling ang mga kasama mo sa negosyo. At nagdesisyon ka na rin agad dad, pati lupa ni Ate Lucinda pinag-interesan mo? And tungkol sa kaso niya, lahat yun ay hinarang mo. Ano'ng iyong dahilan Dad?β Pabalik niyang tanong sa kanyang ama, hindi siya kumukurap nanatiling nakatitig ito sa mga mata ng ginoo.
βAt isa pa, wala talaga akong mapapala kung meron kang gagawin para hindi ko malaman. Nakapagtataka, dahil ang pamilya lang nila ate Lucinda yung hindi pa rin nabibigyan ng hustisya. Much better magsabi ka na sa akin ng totoo dad, dahil wala kang ibang kakampi dito kundi ako lang. Sa huli, yang mga taong pinagtatakpan mo ay sila rin ang hihila sayo pababa!β
Hindi agad nakapagsalita si Don Quintana, hindi na niya kilala ang babaeng nasa harapan. Naging mausisa na ito at laging pala sagot, hindi sumusunod sa kanyang gusto.
βHindi ako aalis dito hangga't wala akong nakukuhang hustisya para kay Ate Lucinda.β Pinal niyang sabi habang seryosong nakatingin sa kanyang ama.
βHuwag mong inuubos ang pasensya ko Marigold, may responsibilidad kang dapat gampanan sa kumpanya! Ilang beses ko bang sasabihin sayong wala akong alam, dahil wala na makuhang impormasyon ang mga tauhan ko! Nalaman ko na lang tumigil na ang pag-iimbestiga.β May pagbabanta na sagot nito sa dalaga, pero hindi manlang niya nakitaan ng takot sa mga mata nito.
βKahit ako ang sarili mong ama ay magagawa mo ng kalabanin?!!β Sigaw na tanong ng ginoo, nagulat si Marigold pero hindi niya ito pinahalata.
βKung yun ang tama, why not! Why don't you tell me the truth, dad? Did you have anything to do with Ate Lucinda's death? Ginawa mo ba ang bagay na yun para makuha ang lupang pinaghirapan ni Uncle Gil?β Muling tanong nito sa kanyang ama, pilit niyang pinapakalma ang sarili dahil kapag pati siya ay nagpadala sa galit siguradong magtatalo silang mag-ama.
βAre you insane? Ako pa talaga ang pinagbibintangan mo, kahit kailan hindi ko kayang gawin yang binibentang mo sa akin! Malaki ang naitulong sa akin ni Lucinda, kaya pinatigil ko ang pag-iimbestiga walang nangyayaring maganda, hindi matukoy kung sinong may-ari ng bahay paikit-ikot lang sila sa ilong kung saan nakita ang bangkay ni Lucida, anong gagawin ko? Uubusin ang perang nakalaan sa mga business natin?β Paliwanag sa kanya ng ginoo, napataas lang ng isang kilay si Marigold dahil kahit anong piga niyaβy ayaw umamin ng kanyang ama.
βDad, huwag mo akong i-tratong isang mang-mang, marami akong naririnig sa paligid tungkol sa ginawa mong pagpapatigil sa imbestigasyon. Dad ang pera madaling hanapin yan, pero yung pagpatay at hindi nabigyan ng hustisya para kay Ate Lucinda, habang buhay mo yan dadalhin. Paano mo nagagawang matulog ng mahimbing sa gabi, kung meron kang mahal sa buhay na hanggang ngayon ay hindi pa rin matahimik ang kaluluwa, dahil hindi pa rin nakakamit yung hustisya para sa kanya.β Tumayo siya sa kanyang kinauupuan dahil walang magandang mangyayari sa usapan nilang mag-ama, meron pa siyang pupuntahan isang importanteng tao.
βI am disappointed by your choice to stop it, because we are only one step away from knowing who it is, but what have you done? Kung hindi ka nakialam, matagal nang natapos ang kasong ito.β Dagdag nitong sabi bago tinalikuran ang kanyang ama, lumakad siya patungong kusina para tawagin si Lenlen, dahil isasama niya ito sa kanyang lakad.
βLenlen, letβs go sasama ka sa akin!β Tawag niya sa katulong, agad naman itong lumapit ngiting-ngiti pa ito.
βMadam, meron akong sasabihin sayo mamaya tungkol sa nakita ko kanina.β Mahina niyang sabi kay Mariz, hindi siya pinansin nito. Saktong paglabas nilang dalawa sa mansyon ay meron bagong dating na tauhan ng kanyang ama.
Napatingin ang dalawang lalaki kay Marigold, bago tuluyang pumasok sa loob ng mansyon.
βLenlen, maiwan ka na pala dito balitaan mo ako mamayang pag-uwi ko.β Malamig niyang sabi, napakamot ng batok ang dalaga dahil akala niyaβy makakalabas na naman siya.
βYung ipinapalagay ko sayong recording nadikit muna ba sa mesa ni dad?β Mahina niyang tanong kay Lenlen, umiling naman ito.
βGumawa ka ng paraan para madikit yan, kailangan ko ng ebidensya!β Mariin niyang utos.
βSige po ako na ang bahalang dumiskarte ngayon.β Sagot niya bago bumalik sa loob ng mansyon, tuluyan na ring sumakay ng sasakyan si Mariz gamit nito kulay maroon na The Porsche Taycan GTS. Isa ito sa paborito niyang sasakyan.
Habang ang kanyang ama at tauhan nitong dumating, nasa opisina ng ginoo dahil meron silang masamang balita.
Magsasalita na sana ang isang lalaki, pero hindi natuloy dahil merong kumatok sa pinto. Si Lenlen dala yung food tray nagpahanda kasi ng meryenda si Don Quintana.
Nilapag ni Lenlen ang dala nito at pasimpleng dinikit sa ilalim ng mesa yung binigay ng dalaga sa kanyang recording.
βHindi ka sumama kay Marigold?β Tanong ni Don Quintana sa kanya.
βNext time na lang daw po ako sasama, magkikita ata sila ng kanyang mga kaibigan.β Agad na sagot ni Lenlen matapos ayusin ang pagkain sa mesa.
βAnong alam mo Lenlen?β Muling tanong ng ginoo, napalunok siya ng sariling laway. βName your price, kahit magkano sabihin mo lang sa akin kung anoβng iyong nalalaman.β Dagdag nito sabi, humigit ang hawak niya sa food tray nakita naman iyon ng ginoo kaya mahina siyang natawa.
βKilala mo ako Lenlen, lahat ng nakakasagabal sa akin ay pina-patahimik ko!β May pagbabanta niyang sabi dahilan para makaramdam ng takot si Lenlen.
Mahinang natawa ang dalawang lalaki, kaya halos lumabas na yung puso niya sa sobrang bilis ng tibΓ³k nito.
βPwede ka ng umalis Lenlen, binalaan lang kita baka kasi nakakalimutan muna kung sino ang nasa harapan mo.β Pagpapalabas sa kanya ng ginoo, agad naman siyang lumabas ng opisina nito. Nanginginig ang tuhod niya habang pababa sa hagdan, natatakot na baka madamay sila ng pamilya niya sa gusot.
Marigold had just arrived at Victoria's flat, and they had something to discuss: ang kinalabasan ng pagsasaliksik sa kaso ni Lucinda. Luminga-linga siya sa sala, habang naghahanda pa si Victoria ng kanilang inumin.
βPasensya ka na magulo ang apartment ko ngayon, halos kauuwi ko lang kasi galing ospital.β Nakangiti niyang sabi habang nilalagay sa mesa ang kanilang meryenda.
βItβs okay, alam ko namang busy kang tao pero nag-laan ka pa rin ng time para makapag-usap tayong dalawa.β Agad nitong sagot bago kinuha ang kanyang juice.
βHere, nandito lahat ng iba mong gustong malaman hindi yan kumpleto, dahil sabi ng aking asawa ay pinatigil na ang kaso. Ang sabi isa ring negosyante ang may-ari ng bahay sa gitna ng kagubatan, hindi pa matukoy kung sino. Ang mas nakakakilabot, yung mga pulis na nag-iimbestiga hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita. Ang haka-haka ng iba ay pinatay na ng mga taong pumatay kay Lucinda, mukhang meron daw silang alam kung sino na ang may-ari ng bahay. Isa din iyon sa dahilan kung bakit nahinto ang pag-imbestiga, natatakot na baka sila ay magaya sa tatlong pulis na nawawala.β Mahabang kwento sa kanya ni Victoria, dahilan para makaramdam siya ng kilabot pero buo ang loob niyang tuklasin lahat ng kababalaghang nangyayari ngayon.
βKilala mo ba ang mga pulis na βto?β Tanong ni Marigold, tumango naman si Victoria.
βNandyan na sa loob ang kanilang information pati larawan. Pero Marigold, mag-iingat ka dahil baka pati ikaw ay madadamay, walang kinatatakutan ang may gawa nito handa siyang pumatay para sa kanyang pansariling nais.β Seryosong payo niya sa kanyang pinsan, nag-aalala ito dahil baka siya na ang isunod ng taong pumatay kay Lucinda.
βWala ka dapat ipag-alala ate Victoria, alam ko kung anoβng aking ginagawa. Bago pa sila may gawing masama sa akin, nailabas ko na ang katotohanan.β Sagot ng dalaga sa kanya, marami pa silang naging usapan na dalawa. Kamustahan at kwentuhan tungkol sa negosyo.
Nang magdidilim na ay nagpaalam na rin si Marigold dahil kailangan niya pang pag-aralan ang ibinigay ng kanyang pinsan. Saktong madadanan niya ang bahay ni Edmund, So she slowed down her car. Nang mapatingin ito, she saw Edmund and Fabina hugging, which caused her to brake. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.
βWhat the fvck!β Mura niya habang salubong ang kilay nitong nakatingin sa dalawa. Iginilid niya ang sasakyan, hinintay na umalis si Fabina hindi maintindihan ni Marigold ang kanyang nararamdaman.
βTotoo kayang may relasyon ang dalawang yan?!β Mahina niyang sabi habang mahigpit na nakahawak sa manibela.
to be continued...