𝙆𝙖𝙗𝙖𝙣𝙖𝙩𝙖 𝙄𝙄~𝑺𝒆𝒄𝒓𝒆𝒕 π‘Ήπ’π’π’Ž~

1566 Words
MARIGOLD’S POV ~~ Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, kaya bumangon na lamang sa pagkakahiga para ayusin ang kailangan kong tapusin. Isa-isa kong nilabas ang aking gamit sa maleta, nang makita ko na yung brown envelope agad kong kinuha. Nandito lahat ng kailangan ko, lahat ng mga alam kong meron interest sa lupa nila Ate Lucinda ay pinaghihinalaan ko na. Sinigurado kong naka-lock ang aking pinto bago kinapa yung lock ng aking secret room, agad namang bumukas nang ma-detect niya ang finger print ko. Hindi halatang merong pintuan dito dahil kakulay ng pinto yung dingding ng aking kwarto, walang ibang nakakaalam dito kundi ako lang at yung gumawa nito. Pagpasok ko sa loob ay kusang bumukas ang mga ilaw, I put my things on the table and then took out my big white board, on which I would stick the photos of the persons I suspected of being involved in Ate Lucinda's murder. Nilabas ko ang mga na-print kong pictures, at isa-isa itong idinikit magsisimula na akong kumilos habang hindi pa ako nahahalata ng aking ama. Si Mr. Razuca ang una kong pinaghihinalaan dito, habang nasa maynila ako ay pinag-aaralan ko ang kanyang mga kilos. Hindi pa rin siya tumigil sa pangungulit na ipapa-aprubahan ang kanilang proyekto. Pati ang aking ama ay kasama, dahil alam kong marami siyang alam pero hindi niya sinasabi sa akin. Si Ate Victorina at Edmund, pareho ang sinasabi nilang may alam na ito, kaya gusto kong malaman bakit hindi niya ito ibinunyag sa mga pulisya para magbayad na ang may kasalanan. Pagkatapos kong idikit ang kanilang mga litrato, I wrote down the information I had gleaned as well as their other connections, including their unlawful actions. Hindi pa ito sapat para matukoy kung sino sa kanila ang may maitim na balak. Inayos ko muna ang aking mga kalat at tinakpan ng itim na tila yung whiteboard bago tuluyang lumabas ng room. Humiga ako sa kama, gaya ng dati nahihirapan na naman akong makatulog. Kapag nakakatulog naman may nakakakilabot akong nightmare mga lalaking nagtatawanan at puno ng pagnanasa ang kanilang mga mata habang nakatingin sa akin. Napayakap ako sa aking sarili dahil tumatayo ang balahibo ko sa katawan. Pinilit kong matulog dahil kailangan ko ng lakas para bukas. Hindi pa man din ako nakakatulog ay ramdam kong parang tao sa balkonahe, nanatili akong nakapikit pinakikiramdaman if anong gagawin niya. Dahan-dahan ang kanyang paglakad para hindi makalikha ng anuman ingay, nang makalapit siya sa kama ko parang pamilyar ang lalaking β€˜to. Meron siyang ipinatong sa side table, tumingin pa sakin kaya nakita ko kung sino walang iba kundi si Edmund, agad akong nagmulat ng mata mahigpit na hinawakan ang kamay niya at hinila. Dahil sa aking ginawa ay na out of balance siya dahilan para matumba dito sa kama ko, mariin akong napapikit dahil alam kong madaganan niya ako. Nang hindi ko maramdamang nadaganan niya ako, dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Laking gulat ko ng sobrang lapit ng mukha niya sa akin, nakapatong ang dalawang braso niya sa kama, habang nakapatong siya sa akin agad ko siyang itinulak dahilan para malaglag siya sa kama. Bago pa siya makabangon ay agad ko siyang nilapitan at kinuha ang baseball bat sa gilid ng aking kama. I held it up to his face and stared at him intently. "What are you doing here, and what are you planning?!" I asked angrily, placing the end of the baseball bat on his chest. Ang ipinagtataka ko bakit wala man lang nakakita sa kanyang tauhan ni dad. β€œWala akong masamang bala-” β€œReally, eh anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Halatang meron kang balak, dahil anong oras na at sa balkonahe ka pa dumaan!” Hindi ko inalis ang baseball bat sa kanyang dibdib, lalo pang idiniin. β€œIbinigay ko lang ang sulat ni Lucinda na para sayo,” Malamig niyang sagot, napatingin naman ako sa side table merong nakapatong doon na sobre. Lalayo na sana ako sa kanya, pero laking gulat ko nang hilain niya ang aking kamay. Dahilan para madapa ako sa kanya matipunong dibdib. β€œAnong sekreto niyong dalawa ng asawa ko, ano ang nakasulat meron bang kinalaman dyan kung sino'ng pumatay sa kanya?!” Mariin niyang tanong sa akin kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang galit. β€œAnong alam ko, bitawan mo nga ako! Wala ka na ba talagang respeto?!” Tanong ko sa kanya bago sinubukang hilahin ang kamay ko. Pero humigpit ang hawak niya sa kamay ko, hindi ako nagpatalo I pulled my hand with all of my strength to get away, but unexpectedly bigla akong umutot. Natahimik kaming dalawa, walang nagsasalita sa amin, ang tanging naririnig lang namin ay ang mga huni ng mga palaka sa labas. Dahil sa kahihiyang nagawa ko agad akong umalis sa kanyang ibabaw, I grinned at him, feeling ko namumula ang mukha ko sa inis at kahihiyan na naman. "This is your fault, I wish you had let go of my hand earlier! Get out of here, you're annoying!" Talagang hindi ko na mapigilan ang aking sarili, sino bang matutuwa sa nangyari? Ano pa bang mukha ang ihaharap ko sa kanya, bwisit! β€œPaanong ako ang may kasalanan, kung sinabi mo agad edi sana binitawan kita!” Masungit niyang sagot na lalong ikinairita ko, I grabbed a pillow and threw it at him without hesitating. Nasalo niya ito at binato pabalik sa kama bago tumayo, seryoso pa rin ang kanyang mukha. β€œBakit sa dinadami-dami ng pwedeng maging kamukha ni Lucinda, ikaw pa?!” Halos pabulong niyang tanong sa akin, habang ang mga mata nito ay halo-halong emosyon yung nakikita ko. β€œSabihin mo sa akin, anong alam mo sa kaso gusto ko ng matapos ang paghihirap kong ito. Pagod na ako sa lahat, hindi ko alam kung aasa pa ba akong mabibigay ko ang hustisya ng kanyang pagkamatay. Halos isang taon na akong umaasa, kaya sabihin muna kung meron kang alam!” Pagmamakaawa niyang sabi, bagsak ang kanyang magkabilang braso na naupo sa gilid ng aking kama. β€œMakikipagtulungan ka ba sa akin?” Seryoso kong tanong bago lumapit sa kinauupuan niya at tumayo sa kanyang harapan. β€œKakalabanin mo ang iyong ama?” Pabalik niya na tanong sa akin, mahina akong natawa bago sumagot. β€œWhy not, hustisya ang pinag-uusapan natin dito kahit ama ko pa siya. Kung nagkasala siya dapat niya itong pagbayaran, hindi ako gaya ng iniisip mong masamang tao gaya ng aking ama. Lahat naman ng tao ay ang unang pinupuna ay yung masama mong ugali, pero hindi nila makita kung anong ginawa mo na kabutihan para sa kanila. Now, answer my fvcking question, makikipag-tulungan ka ba sa akin? Pagkakataon mo na ito.” Ilang minuto siyang natahimik, seryoso ang mukha habang nakatingin sa akin. Ako ang unang umiwas dahil hindi ko kayang makipag-titigan sa kanya, parang hinihigop niya yung pagkatao ko. β€œPag-iisipan ko ang alok mo, wala akong tiwala kahit na sino lalo na sa inyong mga Quintana.” Malamig niyang sagot, nagkibit-balikat ako bago tumawa ng mahina. β€œAnak ka pa rin ni Don Quintana, kaya hindi mo ako malilinlang. Alam kong marami kang alam sa kaso, bakit hindi niyo nalang sabihin sa pulisya para matapos na ang paghihirap ng bawat isa, gusto mong makuha ang hustisya pero tinatago kung anong hawak na ebidensya!” Malamig niyang sabi bago tumayo sa gilid ng aking kama, tumingin siya sa mga mata ko bago muling nagsalita. β€œKamukha ka lang ng asawa ko pero hindi ibig sabihin ay mabibilog muna ang aking ulo!” Mariin niyang sabi bago ako daanan. β€œSabihin na nating meron na nga akong alam, pero hindi pa rin iyon sapat. Kaya nga sinasabi ko sa'yong magtulungan tayong dalawa para makamit ang hustisyang gusto natin para kay Ate Lucinda. Hindi ko na rin kailangang linisin kung anong tingin mo sa akin, dahil unang-una nakikipagtulungan lang ako sayo dahil kailangan, I also have dreams that I want to fulfil, so if the case is settled, I will leave this place.” Mahaba kong paliwanag sa kanya, wala akong balak mag-stay dito dahil hindi ito ang gusto ko. Humarap ako at seryoso siyang tinignan. β€œSa tingin mo ba ang aking ama lang yung may alam. You're wrong; there are a lot of them, and it's hard to determine who actually did the crime. Hindi lang kami ang kamang-anak ni Ate Lucinda, meron pang mas uhaw sa ari-arian ng iba!” Mariin ko na sabi sa kanya, lalong dumilim ang mukha niyang nakatingin sa akin. Dahilan para makaramdam ako ng kilabot, nagsitayuan ang balahibo ko sa aking batok. β€œBakit hindi mo ako subukan, i know everything, Mr. Ponce; at the very least, marami na akong hawak na pwedeng ilaban sa kanila. Tahimik akong tao, pero kapag ako ang ginalit nila. Baka wala na silang mukhang ihaharap , lalo na sa mga taong sinisiraan nila noong panahong hindi pa sila magkakasama sa negosyo!” Pagkukumbinsi ko sa kanya, wala na akong choice lahat ng nandito ay panig sa aking ama. Siya na lang ang inaasahan kong makakatulong sa akin. β€œPuntahan mo lang ako dito oras na nakapag-desisyon ka na, good night Mr. Ponce!” Tinalikuran ko na siya bago nagtungo sa aking kama, wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Paghiga ko sa kama ay nag talukbong ako ng kumot bago ipinakita ang aking mga mata. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD