𝙆𝙖𝙗𝙖𝙣𝙖𝙩𝙖 𝙄𝙑

1737 Words
MARIGOLD’S POV ~~ Nang makaalis na ang babae, agad akong bumaba sa aking sasakyan at naglakad papuntang bahay nila Ate Lucinda. Malakas kong kinatok ang pinto, agad naman itong bumukas. Magkasalubong ang kilay niyang nakatingin sa'kin. β€œAnong ginagawa mo rito? Halos ginabin muna ang pinto ng bahay.” Masungit niyang tanong sa akin, hindi ko siya sinagot basta nalang akong pumasok sa loob. β€œBakit masama po bang pumunta dito? Meron akong kailangan tingnan sa mga dokumentong hawak ni ate Lucinda.” Pagsisinungaling kong sagot bago umupo sa sofa, agad siyang lumapit at hinawakan ang aking braso. β€œNag-iisip ka ba Marigold, sa ginagawa mong ito ay maaaring pag-usapan tayong dalawa.” Mariin niya na bulong dahilan para mapataas ang isa kong kilay. β€œKapag ako hindi pwedeng pumasok, pero si ate girl na kayakap mo pa sa labas hindi ka nababahala na merong makakita sa inyong dalawa?” Tanong ko sa kanya, mababakas sa mukha niya ang pagkagulat. β€œNakita ko kayong dalawa magkayakap,” nakangisi kong dagdag lumayo siya sakin at naupo sa harapan ko. β€œMali ka ng iniisip, hindi ganun ang nangyari. Siya ang yumakap sa akin nag—” β€œHindi mo kailangang mag-explain, gusto ko lang makita ang mga gamit ni ate Lucinda.” Pagpuputol ko sa kanyang sasabihin, medyo kumalma na ako ngayon kukunin ko na ang aking kailangan, dapat bukas pa ito pero dahil nagpadala na naman ako sa galit, shhheesss! Bakit ba ganito?! Ano bang pakialam ko kung meron siyang babaeng kayakap!! β€œHindi mo pwedeng pakialaman ang gamit ni Lucinda, dahil meron kaming ginagawang imbestigasyon ni Fabina.” Seryoso niyang sagot sa akin dahilan para bumalik ang aking galit na nararamdaman kanina. β€œAt bakit hindi? Sino ba ang kamag-anak dito ni Ate Lucinda, β€˜di ba ako? Hindi ang babae mo, bakit hindi ako pwedeng makialam? Kung ayaw mong makipagtulungan sa akin it's okay, hindi ko pinipilit kaya kong lutasin ang kaso na ako lang mag-isa!” Inis na inis kong sagot sa kanya bago tumayo, at lumakad papunta sa kwarto kung saan ang opisina ni ate Lucinda dito sa bahay nila. Hindi ko pa man nahahawakan ang door knob, meron ng humawak na sa aking braso. β€œAalis ka na dito o kakaladkarin kita palabas ng bahay?!” Puno ng pagbabanta na tanong niya sa akin. β€œGawin mo, tignan natin kung sino kayang mapapaalis sa baryong to!” Walang takot na sagot ko sa kanya bago inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin braso. Ramdam ko ang malamig niyang tingin sa akin bago tuluyang nakapasok sa loob. Merong mga nakadikit na kung ano sa whiteboard siguro ang kanilang nakuhang impormasyon. Hindi ko iyon pinansin wala naman akong makukuha dyan, hihilahin ko na sana pabukas yung drawer ng mesa ni ate Lucinda, pero naka-lock ito. Muli akong lumakas palapit sa pinto at binuksan ito, nakita ko siyang nakaupo sa sofa at seryosong nakatingin sa akin. β€œKailangan ko ng susi sa drawer ni ate Lucinda, nasaan?” Tanong niya nagkibit balikat lang siya, padabog kong sinara ang pinto wala akong choice kundi sirain β€˜to. Naghanap ako ng pwedeng pag bukas sa drawer, pero wala akong makita dahil sa init ay nasipa ko ang mesa bago muling umupo sa swivel chair. Ano kaya ang nandito? Posible naman hindi alam ng lalaking iyon kung nasaan ang susi nito. Binuksan ko nalang ang ibang drawer, nabubuksan naman maliban lang sa isang β€˜to lahat ng mga dokumento na naka-folder ay inilabas ko. Sinimulan kong basahin kung ano to tungkol sa hawak niyang business dito sa amin, na pag-aari ni dad napakunot ang aking noo nang mabasa na tungkol din ito sa lupa niya ibig sabihin ay matagal na nilang balak kunin. Hindi niya tinanggap ang proposal halatang kusot-kusot na pa ito at mukhang inayos lang ulit. Tinignan ko isa-isa ang lahat ng nandito puro tungkol sa business namin dito, kailangan kong kunin β€˜to, paano naman itong isang drawer? Something seems to be hidden here, I'm sure of it. Muli akong tumayo at lumabas ng opisina ni Ate Lucinda, β€œKailangan ko ng susi Mr. Ponce,” Muling pangungulit ko sa kanya, hindi matahimik ang aking kaluluwa hangga't β€˜di ko malalaman kung anong laman ng drawer. β€œHindi ko alam ang susi ng drawer, lahat na ng nandito ay ginamit na naming pang bukas dyan pero wala.” Malamig niyang sagot sa akin, huminga akong malalim bago pumunta ng kusina para kumuha ng kutsilyo. β€œKung ayaw mong ibigay ang susi, pwede namang sirain na lang!” Sabi ko habang pabalik sa opisina ni ate Lucinda, hawak ang kutsilyo. β€œHuwag mong sirain yung gamit ni Lucinda, yan nalang ang natitirang ala-ala niya sa akin!” Galit niyang sigaw, tumingin ako sa kanya bago pa tuluyang nakapasok. β€œMadali lang akong kausap, ibigay mo sa akin ang susi hindi ko ito sisirain!” Sagot ko, tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at lumakad palapit sa'kin. β€œUmalis kana dito! Huwag kang manggulo rito, lalo mo lang dinadagdagan ang problema ko!” Mariin niyang sabi bago tinuro ang pinto palabas ng kanilang bahay. β€œMagalit ka hangga't gusto mo, dahil balang araw ay magpapasalamat ka rin sa akin dahil binigay ko ang hustisyang kagustuhan ni ate Lucinda!” Sagot ko sa kanya, papasok na sana ako sa loob pero hinarang niya ang kanyang isang kamay sa pinto. β€œAno bang problema mo? Pareho tayong gustong makamit ang hustisya pero anong ginawa mo, pinipigilan ako?! Aalisin mo ang kamay na yan o isaksak ko to sayo?!” Pagbabanta ko sa kanya pero hindi man lang siya nasindak, talagang sinusubukan ako ng lalaking to. β€œHuwag mong subukan ang pasensya ko!” Galit kong sigaw sa kanya. β€œWhat, papatayin mo din ako gaya ng ginawa ng iyong ama sa asawa ko?” Nagsalubong ang aking kilay dahil sa sinabi niya. β€œNagulat ka, bakit hindi pa siya ang may gawa, pinahinto ang kaso at hinarang ang mga ebidensyang pwedeng laban sa kanila.” Dagdag niya na sabi habang galit siyang nakatingin sa'kin. β€œMay hawak ka bang ebidensya na siya ang pumatay? Bago ka magbitaw ng mga salita, tiyakin mong meron kang matibay na ebidensya laban sa aking ama. Dahil baka kung wala at sinabi lang ng babae mo, maaaring kayong dalawa pa ang bumaliktad!” Sagot ko sa kanya bago pinalo sa kanyang tagiliran ang hawak ng kutsilyo. Nang inalis niya ang kanyang kamay agad akong pumasok sa loob. Narinig ko siyang sumigaw niyang minumura ako, manigas kang lalaki ka! Sinira ko ang susian ng drawer para mabuksan ito. Pagbukas ko ay tumambad sa akin ang brown envelope, merong nakasulat na Lucinda’s files. Agad ko itong inilabas at pinatong sa mesa, meron pang natirang notebook nagsalubong ang aking kilay nang mabasang diary ni ate Lucinda. Nanginginig ang kamay kong kinuha at umupo sa swivel chair, binuklat ko ito puro masasayang araw nilang mag-asawa ang una kong nababasa. Na-curious ako sa part na merong red tag kaya iyon ang muli kong binuklat. Augusto 15, 2001 -Araw ng kaarawan ko pero nasira dahil lang sa isang pagpupulong, gustong angkinin ang lupang pinaghirapan ng aking magulang. Pinaglabanan ko ito dahil wala silang karapatan doon, hindi nila pwedeng pakialaman lalo na’t buhay pa ang magulang ko. Ilang beses nila akong kinausap, malaki raw ang ibibigay nilang pera sa amin pero nagmatigas ako. Hindi ko makakalimutan ang mga taong ito. ~Mr. Contreras ~Mr. Razuca Ang mga taong masyadong uhaw sa pag-aari ng iba, sila pa yung galit dahil hindi ko gusto kung anong plano nila. May mga patak pa ng luha, mukhang umiiyak si ate Lucinda habang sinusulat ito. Matagal na ito noong 2001, anong taon na ngayon ibig sabihin maraming beses na niyang ipinaglaban. Hindi pa ako ang namamahala sa kompanya noon, nasa ibang bansa pa ako nito dahil doon ko piniling mag-aral. Muli ko ng inilipat sa ibang page, ito ang nagpadurog sa puso ko. Augusto 28, 2001 ~I felt happy to return home from work with my father and mother's pasalubong, pero ang salubong sa akin ng mga tao ay isang nakakakilabot na balita. My heart fell apart nang mabalitaan kong natagpuang wala nang buhay ang aking pinakamamahal na ina at ama sa malaking ilog, the same location where another victim had been found dito sa aming baryo. Na ngayon ay isa na sa mga biktima ang aking magulang. I have so many questions about why this happened to them. They were nice, and no one in our town was against them. It's hard to accept that they're both gone. Ang dalawang malamig na bangkay sa harapan ko ay wala ng pag-asang mabuhay kahit na gastusin ko ang perang iniwan nila. Hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako, ito yung araw na tumawag siya sa akin at halong sumigaw na habang umiiyak. Agad kong pinunasan ang aking luha, bago sinimulang basahin itong mga nandito sa brown envelope. Puro mga project proposal ni Mr. Contreras na hindi niya inaprubahan. Nagsalubong ang aking dalawang kilay nang mabasa itong kakakuha ko lang na bond paper. David Ponce, meron itong business proposal pero hindi tinanggap ni ate Lucinda, kung isang Ponce that means ama ng kanyang asawa? Itinabi ko ito kailangan kong pa-imbestigahan ang taong ito. Tumingin ako sa suot kong relo, alas-otso na pala hindi ko namamalayan ang oras. Nag-message ako kay Lenlen na gumawa ito ng paraan para hindi ako hanapin ni Dad, kunin ang sasakyan ko dito sa tapat nila ate Lucinda. Idlip muna ako saglit talagang mahapdi na ang aking mata, nag-alarm nalang ako. Inayos ko ang ibang kalat sa mesa bago yumuko, pag-pikit ko ng aking mata ay sakto namang narinig kong bumukas ang pinto. Anong binabalak ng lalaking to? Nanatili lamang akong nakapikit nagkunwaring tulog. I felt even more nervous as he stood next to me and brought his face close to mine. I could smell the alcohol he'd been drinking; what the f**k pumasok siya rito na nakainom ng alak?! Nagulat ako nang haplusin niya ang aking mukha, medyo binuksan ko yung isa kong mata para makita niya. Ang lungkot ng kanyang mukha, habang may mga luhang umaagos sa pisngi niya. β€œLu-lucinda…” halos pabulong niyang tawag sa pangalan ni ate Lucinda habang nakatingin sa'kin. Nanigas ako sa aking kinauupuan at nanatiling nagpapanggap na tulog. Ang sakit, para akong dinudurog nang makita siyang umiiyak habang tinatawag ako bilang si Ate Lucinda. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD