``````
Nakatingin ang isang matanda lalaki sa larawan ni Marigold, mahina siyang natawa dahil kamukha nga ito ni Lucinda. Binato niya sa mesa ang picture at tumingin sa kanyang tauhan.
βKamusta ang pagmanman mo kay Marigold, patuloy pa rin ba siyang nag-iimbestiga?β Tanong ng ginoo bago tumingin sa kanyang tauhan. Huminga muna ng malalim ang lalaki bago sumagot.
βHindi masyadong lumalabas ng mansyon ang anak ni Don Quintana, pero kahapon ay pumunta siya sa apartment ni Victoria, pagkatapos dumiretso siya sa bahay ni Edmund. Mukhang patuloy pa rin sila sa kanilang ginagawang pag-iimbestiga.β Paliwanag nito habang nakayuko, napangisi naman ang ginoo dahil mukhang hindi kayang hawakan sa leeg ni Don Quintana ang anak nito.
βHuwag kang tumigil sa pagmanman sa anak ni Don Quintana, alamin ko kung anong kahinaan niyang pwede natin ilaban sa kanya.β Malamig niyang utos dito, sunod-sunod namang tumango ang lalaki.
βOkay boss, ako na ang bahala sa kanya balitaan agad kita.β Muling tumawa ang ginoo dahil kung mawawala si Marigold, wala ng ibang tagapagmana sa Hacienda Quintana.
βGaya ng ginawa niyo kay Lucinda, oras na nalaman ang kanyang kahinaan pwede na ninyong dukutin at pahirapan. Lahat ng Quintana ay magbabayad sa kanilang ginawa, hindi pa ako tapos!!β Nakangisi niyang sabi habang ang mga mata nito ay puno ng galit. Hindi pa siya tapos maghiganti hangga't nakikita niyang nakakaangat pa sa buhay ang mga Quintana, lahat gagawin niya para tuluyan itong bumagsak.
βPaano po ang asawa ni Lucinda, anong gagawin namin sa lalaking yun? Nalaman kong sa kanya na nakapangalan ang lupang pinagkakainteresan mo.β Malakas na tumawa ang ginoo nang malaman niyang kay Edmund na ito nakapangalan.
Nang mapagod na siyang tumawa, bigla itong naging seryoso at malamig na tumingin sa kanyang tauhan.
βHuwag mong intindihin ang lalaking yan dahil madali lang yan mapatahimik. Isa lamang yan hampaslupa, unahin natin ang mga taong nasa itaas! Umaasa lang yan sa tulong ng iba kaya huwag mong intindihin!β
Paliwanag niya dito, ang kanyang target ngayon ay si Marigold mapapadali na lang yung plano niya dahil nasa baryo na pala nila ito.
βWala tayong ibang pagtutuunan ng pansin ngayon kundi ang anak ni Quintana. Ano kayang pakiramdam niya kapag ang anak naman ni yung target natin? Hanggang kailan siya maging kalmado? Mahalaga sa kanya pero dahil usapang lupa nagawa nitong bumaliktad, nakakatawang Quintana!!β
Ang malakas na tawa ng ginoo ay umaalingawngaw sa kanyang opisina. Dahil nakipaglaro si Don Quintana, sa larong hindi niya alam kung mananalo ba ito. Dahil pati siya ay pinaglaruan na rin ng taong akala niyaβy mapagkakatiwalaan.
Nagpaalam na ang kanyang tauhan, paglabas ng lalaki sa malaking bahay agad siyang sumakay ng kotse niya. Pinaharurot ito paalis nang nabuhay nito ang makina ng sasakyan.
Habang sa mansyon ni Don Quintana, maghapon na tulog ang dalaga dahil puyat ito. Nagising siya ay alas-sais na ng gabi, agad itong pumunta sa secret room niya para umpisahan ang kanyang gagawing pag tagpi-tagpi para masagot ang katanungan nito.
Lahat ng date kung kailan ito nangyari ay inilagay niya, pati pagkamatay ng parents ni Lucinda ay pinakialaman na rin nito. Dahil buhay pa lang sila ay pinag-interesan na ng mga oldies ang lupang pinaghirapan nila.
βAng dami pala nilang pwedeng may alam, dahil halos lahat ng kasama ni ate Lucinda sa kumpanya, lupa nila ang pinagkakainteresan. Darn it!β Malutong niyang mura bago umupo, binuklat ni Marigold ang aklat-talaarawan ng ate Lucinda niya. Ipinagpatuloy nito ang pagbabasa kung anong mga nababanggit na pangalan ay sinusulat nito sa papel.
βItong Ponce, ama pala ito ng kanyang asawa pero bakit ayaw niyang makipag-business partner dito? Meron palang kumpanya sila Edmund, pero bakit mas pinili nitong maging utusan ng aking ama?β Tanong niya habang nagsusulat, muling inilipat ng dalaga sa next page.
Napataas ang kilay niya sa kanyang nabasa dahil nakasulat doon, nag-talo si Don Quintana at Lucinda dahil ayaw nitong pumayag na ibenta ang lupa ng kang magulang. At nalaman ni Lucinda na pinatigil ang imbestigasyon sa kanyang magulang.
Lalong nag hinala si Marigold sa kanyang ama, dahil bakit lagi itong may kinalaman sa pagpapahinto ng imbestigasyon.
βAno ba ang plano mo dad?β Mahina niyang tanong bago lumapit sa swivel chair at umupo doon.
Tinitigan niya ang kanyang mga idikit doon, marami pa ring mga katanungan pero kahit papaano ay meron na siyang ideya kung sino-sino ang dapat niyang papaimbestigahan.
Kinuha ni Marigold ang kanyang cellphone para tawagan si Attorney Saceda. Agad naman itong sumagot, dahil meron din siyang sasabihin sa kanyang kaibigan.
βHello Attorney Saceda, how are you?β Masiglang tanong ni Marigold, bago ipinagpatuloy ang pagbabasa sa aklat-talaarawan ng kanyang ate Lucinda.
βI'm okay, pwede ka ba bukas? Naayos ko na ang lahat ng kailangan mo at meron akong sasabihin sayo.β Seryoso niyang sagot kay Mariz, umayos naman ito sa pagkakaupo at sinara ang notebook.
βYes free naman ako lagi, saan ba tayo magkikita?β Pabalik na tanong nito.
"Sa bagong bukas na coffee shop sa bayan, alas-tres ng hapon.β Agad na sagot nito.
βSige, meron akong importanteng sasabihin sayo.β Aniya nagpaalam na si Attorney Saceda, tumayo na rin ito sa kinauupuan at inayos ang kanyang mga kalat bago lumabas ng secret room.
Sakto namang meron kumatok sa pinto, agad niyang binuksan si Butler Patricio seryoso ang mukha nito.
βGood evening SeΓ±orita Mariz, nakahanda na ang dinner at pinapasabi ni Don Quintana sabay kayong kumain.β Seryosong sabi nito bago tinalikuran ang dalaga, lumabas naman ito sa kanyang silid at sumunod kay Butler Patricio.
βButler Patricio, matagal ka ng naninilbihan sa amin hindi ba?β Tanong niya habang pababa sila ng hagdan.
βBakit hindi ka na magpahinga, total napag-aral muna lahat ng iyong anak.β Dagdag nitong sabi sa malamig na boses.
βMarami pa akong tungkulin at responsibilidad dito sa mansyon,β simpleng sagot nito napangisi naman si Marigold bago muling nagsalita.
βGaya ng alin Butler Patricio, ang kunsintihin at suportahan kung anong gawain ni dad? Yan ba ang tinutukoy mo Patricio? Huwag mong kakalimutan na bilog ang mundo.β Siningkitan niya ito ng mata bago daanan, hindi naman nakapagsalita ang ginoo dahil sa sinabi ni Marigold, nakatingin lamang siya sa dalagang papalayo sa kanya.
Pagdating ni Marigold sa dining area, nadatnan niya ang kanyang ama na naghihintay. Ngumiti siya at agad na umupo sa tabi ng ama.
βKamusta ang pakiramdam mo, okay na ba?β Tanong ni Don Quintana, dahil nalaman niyang maghapon itong nakakulong sa kwarto dahil masama ang pakiramdam nito.
βOkay na ako dad, siguro naninibago lang ako dito.β Sagot niya bago kumuha ng kanin at ulam nito, wala siyang ganang kumain kaya isang sandok lamang ang kanyang kinuha.
βKailan ang balik mo sa Maynila? Maraming naghihintay sayo doon.β Napatingin ang dalaga sa kanyang ama.
βHindi na ako babalik doon dad, dahil balak kong mag-stay dito.β Sagot niya habang nakangiti, βI'd like to be in charge of the company here.β Dagdag niyang sabi sumingkit ang mata ni Don Quintana.
βKung ano man ang iyong binabalak Marigold, huwag mo ng ituloy yan mapapahamak ka lang!β Malamig na sabi ng ginoo, pero ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala.
βWala akong ginagawang masama dad, bakit gagawin ko rin ba sa akin kung anong ginawa mo kay Ate Lucinda?β Sarkastikong tanong ng dalaga, dahilan para lalong magalit ang ama nito.
βWala akong ginagawang masama Marigold, huwag mo akong pinagbibintangan sa kasalanang kahit kailan hindi ko ginawa!β Galit niyang sigaw sa dalaga.
βSiguro, pero sa mga ginagawa mo ay meron kang pinagtatakpan. Buo na ang desisyon ko dad, hindi na ako babalik ng Maynila!β Pinal na sagot ni Marigold, uminom na siya ng tubig at tumayo sa kanyang kinauupuan.
βKung talagang wala kang alam, ipakita mo sa aking inosente ka! Gumawa ka ng aksyon para ipagpatuloy ang pag-iimbestiga sa kaso ni ate Lucinda!β Aniya bago tuluyang lumabas ng dining area. Humigpit ang pagkakahawak ni Don Quintana sa kutsara dahil sa galit na kanyang nararamdaman. Malapit na siyang mapuno kay Marigold, pinipigilan niya ang kanyang galit dahil ayaw niya itong masaktan.
βHuwag kang gumawa ng dahilan para makagawa ako ng pagsisisihan ko sa bandang huli!β Mariin niyang bulong bago tumayo.
βPatricio, huwag kang tumigil sa pagmamanman kay Marigold!β Utos niya sa butler bago padabog na lumakad palabas ng dining room.
to be continued...