๐™†๐™–๐™—๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™–~๐‘ฝ

1540 Words
```` Muling tinawag ni Edmund ang kanyang asawa, habang haplos yung mukha ng dalaga. Hindi na nakatiis si Marigold, hinawakan niya ang kamay ni Edmund, nagulat naman ito. โ€œWhat the hell are you doing?โ€ Tanong niya kay Edmund habang hawak ang kamay nitong humaplos sa mukha niya. โ€œHindi ako si Ate Lucinda, at saka kung lasing ka huwag kang basta pumasok dito alam mo namang nandito ako dito?!โ€ Galit na sabi nito bago hinila palabas si Edmund, pinaupo niya sa sofa aalis na sana siya papuntang kusina para kumuha ng malamig na tubig. Ngunit hinawakan ni Edmund ang kanyang kamay, puno ng pangungulila yung mga mata nito kaya umiwas siya ng tingin. โ€œTulungan mo ako..โ€ Halos pabulong niyang sabi sa dalaga, napataas lang ng kilay si Marigold bago inalis ang kamay ni Edmund sa pagkakahawak sa kanya. โ€œBukas na natin pagusapan yan kapag hindi ka na lasing.โ€ Seryoso niyang sagot. โ€œTulungan mo ako, parang awa muna hindi ko na alam kung sinong pagkakatiwalaan ko. Si Fabina, halos isang taon na pero wala pa rin siyang magandang balita.โ€ Muling napatingin si Marigold sa bayaw niyang patuloy pa ring umiiyak. โ€œUna pa lang duda na ako sa kanya, kaya bago ko siya pinapasok dyan sa opisina ni Lucinda lahat ng pwedeng makuha niyang impormasyon ay itinago ko sa kwarto naming mag-asawa. Yang binuksan mong drawer hindi ko yan alam, ngayon ko lang nalaman na meron pang nakatago dyan. Siguro nga ikaw ang taong makakatulong sa akin, yung nakita mo kanina wala iyon. Niyakap niya ako dahil nagpaalam siyang babalik na sa maynila, meron daw siyang bagong kaso na hahawakan.โ€ Paliwanag niya kay Marigold, na ngayon ay nanatiling tahimik habang nakikinig. Ayaw niya mo ng mag-salita dahil wala sa katinuan si Edmund. โ€œBukas na nalang tayo mag-usap sa ngayon hindi pa pwede. Pumasok ka na sa kwarto niyo, marami pa akong kailangang pag-aralan!โ€ Utos niya kay Edmund bago tuluyang muling pumasok sa opisina ni Lucinda. Nakahinga siya ng maluwag nang makapasok na sa loob, nagtataka si Marigold dahil buong akala niyaโ€™y marami ng hawak na evidence ang asawa ng kanyang Ate Lucinda, mukhang ginamit lang si Edmund para makakuha ng impormasyon. Ipinagpatuloy na niya ang kanyang ginagawa kanina, umupo siya sa swivel chair at binuklat ang files ng kanyang ate Lucinda. Nawala ang kakulangan sa tulog na nararamdaman niya. Kailangan niyang maghanap ng mapapakinabangan sa pagpapalipas ng gabi rito, dahil kapag natuklasan ng kanyang ama na marami siyang dalang dokumento, maaari pa niyang ipaharang ang kanyang pag-iimbestiga. Nakaisip ng paraan si Marigold, kinuha niya ang kanyang cellphone mabuti nalang at hindi pa ito lowbat. Isa-isa niyang kinuhanan ng picture ang mga dokumento na kailangan para kahit papaano ay sa cellphone na lamang niya titignan. Dahil sa pagiging busy niya ay hindi na namamalayan ni Marigold mag-aalas singko na pala ng umaga. Bagsak siyang sumandal sa swivel chair, dahil ngayon lang niya naramdaman ang antok at pagod. Habang si Edmund naman ay masakit ang kanyang ulo na nagising. Sa sofa na ito nakatulog hindi na niya kanyang pumunta sa kanyang silid. Hawak niya ang ulo habang inaalala kung anong nangyari kagabi. Napamura siya sa kanyang isipan nang maalala kung anong ginawa niyang kahihiyan. Napatingin siya sa opisina ni Lucinda dahil merong kalabog na nanggagaling doon. Tumayo siya ng tuluyan sa sofa at pumunta doon, pagbukas nakita niya si Marigold tulog na sa swivel chair, nalaglag ang cellphone nito sa sahig. Maraming mga dokumento na nakapatong sa mesa, sa lagay na nakikita niyaโ€™y hindi pa ito nakapagpahinga. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto para hindi magising ang dalaga, nagtungo siya sa kusina para magluto ng agahan. Napabuntong-hininga si Edmund dahil sa nangyari kagabi, hindi niya alam kung meron pa itong mukhang ihaharap kay Marigold nagpadala siya sa alak at nasabi ang problemang matagal na niyang sinasarili. Nakailang buntong-hininga siya habang nagluluto ng almusal nilang dalawa ng dalaga, kahit nakikipagtulungan si Fabina sa kanya meron pa rin siyang sariling imbestigasyon na hindi sinasabi dito. Dahil kahit kailan ay hindi siya nagtiwala kay Fabina, kita niyang meron itong ibang motibo minsan ay nahahalata niyang nang aakit ito pero wala siyang pakialam sa dalaga. Habang abala siya sa kusina, nagising naman si Marigold dahil merong tumawag sa kanya, si Lenlen kaya agad niyang sinagot. โ€œHello seรฑorita, maagang umalis si Don Quintana kasama ang dalawang lalaking nakita natin kahapon.โ€ Balita sa kanya ni Lenlen. โ€œOkay pabalik na ako dyan sa mansyon, linisin mo ang kwarto ko at sabihing huwag akong istorbohin. Sabihin mo sa kanilang masama ang aking pakiramdam.โ€ Seryoso niyang utos, marami siyang aasikasuhin ngayon hindi niya alam kung ilang araw bago ito matapos. โ€œUtusan mo si Willie, hintayin ako sa kanto papasok sa hacienda." Dagdag na utos niya bago ibaba yung tawag, inayos ni Marigold ang kanyang mga dadalhin. Habang nag-aayos ay merong kumatok sa pinto, pagbukas nito si Edmund seryoso ang mukha. โ€œNagluto ako ng almusal, kumain ka muna bago umalis.โ€ Napataas ang isang kilay ni Marigold bago siya sumagot. "Naalala mo ba ang iyong ginawa kagabi?โ€ Tanong niya kay Edmund habang nilalagay sa folder ang mga hinalungkat kagabi. Tumango naman si Edmund bilang sagot. "Seryoso ako sa sinabi ko na walang nangyayari maganda sa pag iimbestiga ni Fabina.โ€ Aniya sa seryosong boses. โ€œSo anong plano mo? Aasa ka sa babaeng yun kahit wala naman palang patutunguhan? Para kang kumuha ng bato na pinukpok sa ulo mo.โ€ Natatawa na sagot ng dalaga. โ€œNakapagdesisyon naโ€™ko makikipag tulungan ako sayo.โ€ Napangisi si Marigold dahil sa wakas ay nagising na ang lalaki. โ€œPag-usapan natin yan sa ibang araw, ihanda mo lahat ng hawak mong ebidensya. Ito ang cellphone number ko.โ€ Inabot niya yung papel kung saan isinulat ang kanyang mobile number, agad naman kinuha ni Edmund. โ€œMarami akong makukuha dito sa mga files ni Ate Lucinda, mabuti nalang at hindi โ€˜to nakita ni Fabina. Sana magtagumpay tayong dalawa.โ€ Nakangiti niyang sabi bago inilahad ang kanyang kamay para makipag-shake hand. Inabot naman ito ni Edmund, nakatitig lang siya sa dalaga habang hawak ang kamay nito. โ€œHindi na ako pwedeng magtagal dito, baka may ibang makakita pa sa akin. Pwede bang makahiram ng pambahay na damit ni Ate Lucinda pati sumbrero at facemask?โ€ Tanong niya dahil baka makilala siya ng mga kapitbahay ni Edmund. โ€œMeron, sandali kukuha ako.โ€ Agad na paalam nito sa dalaga bago lumakad papunta ng kwarto nilang mag-asawa. Nang maibigay na niya ang damit ni Lucinda, agad namang nagpalit si Marigold pati tsinelas ay hinarap nito dahil heels ang suot nito. โ€œHindi na ako pwedeng magtagal, bye!โ€ Nagmamadali niyang paalam, dahil kailangang makauwi na siya sa mansyon habang wala pa ang kanyang ama. Nakangiting lang si Edmund sa dalaga na papalayo, habang ang mga kapitbahay nito ay pinag-uusapan na naman siya. Dahil mukhang ibang babae na naman ang inuwi niya. Nang hindi na niya makita ang dalaga ay agad niyang isara yung pinto. Nang makarating si Marigold sa mansyon, agad siyang sinalubong ni Lenlen at tinulungang dalhin ang bitbit nito. Hindi naman masyadong marami, dahil nakuhanan na niya ng pictures yung iba. Pagpasok nila ng silid niya, agad siyang humiga sa kama at tumingin kay Lenlen. โ€œAnong nangyari kahapon, umalis ba agad ang tauhan niya?โ€ โ€œMatagal silang nag-usap, pwede mong pakinggan dahil dinikit ko sa ilalim ng mesa ang recording.โ€ Agad na sagot ni Lenlen, hindi pa rin maalis ang kabang nararamdaman niya dahil sa binitawang salita ni Don Quintana. Nanginginig ang kamay niyang inabot ang recording, nahalata naman ni Marigold. โ€œMay problema ba Lenlen?โ€ Seryoso niyang tanong. โ€œSeรฑorita, binantaan na ako ni Don Quintana, mukhang nalaman niyang sinusuportahan kita sa gagawin mong plano. Natatakot ako dahil baka madamay ang akin magulang.โ€ Hindi na niya mapigilan ang kanyang luha, kahit magdamag na siyang umiyak ay sagana pa rin yung luha niya. โ€œPwede kang umalis, ayoko ring madamay ka. Siguro sapat na muna itong mga ebidensyang hawak ko. Marami pa naman akong pwedeng utusan, magpakalayo-layo ka muna Lenlen.โ€ Seryosong sagot ni Marigold, alam niyang mangyayari ito dahil tuso ang kanyang ama. โ€œBibigyan kita ng pera, iyon ang gagamitin mo para lumayo dito. Kung meron kang kailangan magsabi ka lang sa akin.โ€ Dagdag pa nitong sabi na lalong ikinaiyak ni Lenlen, limang taon na siyang pinag-silbihan ang dalaga. Kahit maldita ito ay meron pa ring ginintuang puso. โ€œBasta huwag mo akong ipagkanulo, baka nagkalimutan din tayong dalawa anak pa rin ako ng taong pinagbabantaan ka!โ€ Malamig niyang sabi kay Lenlen habang seryosong nakatingin dito. "Hindi ko gagawin ang bagay na yan, marami kang naitulong sa akin tatanawin ko iyong malaking utang na loob. Sana balang araw ay mabigyan mo ng hustisya ang pagkamatay ni Madam Lucinda, ikaw nalang yung inaasahan namin." Nakayuko niyang sagot kay Marigold, mabigat man sa kanyang loob na umalis, ngunit kinakailangan para sa kaligtasan nila ng pamilya niya. "Malapit na Lenlen, hawak ko na ang ibang ebidensya." Sagot niya habang nakatingin sa kisame. Sana nga nandito na lahat ng katanungan ko, tulungan mo ako ate Lucinda lulutasin ko ang kasong pilit ibinasura. to be continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD