EDMUND'S POV
~~~
Nakatingin ako sa larawan ng aking asawa, hindi pa rin makapaniwala na magkamukha talaga silang dalawa ni Marigold. May mga napansin din akong pareho silang kumilos, lalo na kapag nakikipag-usap. Siguro dahil sa pangungulila kay Lucinda ay nakikita ko siya sa kanyang pinsan.
“Tulungan mo kaming dalawa ni Marigold, siguro siya na nga yung hinihintay mong tutulong para mabigyan ng hustisya ang iyong pagkamatay.” Mahina kong sabi sa kanya, habo ilapag sa side table ng aking kama ang larawan niya. Napatingin ako sa papel kung saan isinulat ni Marigold yung cellphone number niya, siguro ito na ang tamang panahon para magtiwala muli sa ibang tao.
I grabbed my phone to send her a message, ilang minuto na akong nakatingin sa aking cellphone pero hindi ko alam kung anong sasabihin.
Huminga ako ng malalim bago nagsimulang mag-type, This is Edmund, kailan tayo magkikita, meron kasi akong ibibigay sayo na importanteng gamit ni Lucinda. At gusto kong pag-usapan natin kung anong planong gagawin. Pagka-send ko iyon ay tuluyan na akong bumangon sa aking kama at nagtungo papuntang banyo.
Nang matapos na ako sa aking morning routine, kinuha ko ang cellphone at tinignan if may replay siya pero wala siguro ay busy pa. Tuluyan na akong lumabas ng kwarto at lumakad patungong kusina para mag-kape bago pumunta sa hacienda. Marami pa kasi akong aasikasuhin doon lalo na ngayong magtatanim ng gulay sa kabila kaya kailangang kumayod para hindi mahalatang meron akong plano.
Habang nagkakape ako ay meron kumatok sa pinto kaya tinignan ko if sino, si pareng Pito isa sa aking kasamahan.
“Magandang umaga pare, pwede bang ikaw na lang ang mag-sabi kay Don Quintana kailangan natin ng gamot para sa mangga naubos na kasi nung nakaraang linggo. Nakalimutan naming sabihin sayo.” Nahihiya niyang sabi napakamot naman ako ng batok dahil siguradong magagalit si Don Quintana, ilang beses ko na silang sinabihan na kapag paubos na ang mga kailangan sa hacienda magsabi agad.
“Sa susunod sabihin mo agad sa akin, ako ng bahalang magpaliwanag kay Don Quintana.” Seryoso ko na sagot dahil wala naman na akong magagawa.
“Pasensya ka na talaga pare,” muli niyang paghingi ng pasensya sa akin tumango na lamang ako bilang sagot, nagpaalam na siya dahil anong na rin.
Inubos ko na ang aking kape bago tuluyang umalis ng bahay. Gamit ko ang bisikleta papunta sa mansyon ni Don Quintana, sana lang ay hindi mainit ang ulo nito. Nang makita ako ng security guard ay agad niyang binuksan ang gate.
“Magandang umaga po sir.” Bati niya sa akin, ngumiti naman ako sa kanya.
Pinarada ko sa gilid ang aking bisikleta bago lumakad palapit sa mansyon, napatingin ako sa likuran dahil meron tumutunog na bell. Si Marigold, nakasakay ito RCB 26" Electric Bike 500W Motor 36V. Sa suot niya’y mukhang nag-jogging ito, hindi na ako magugulat dahil halatang alaga siya sa katawan.
“Magandang umaga po Señorita Mariz.” Bati ko sa kanya, tinaasan niya ako ng kilay bago bumaba sa electric bike.
“Ang formal mo naman para hindi tayo nagtatalong dalawa,” pang-aasar niyang sagot sa akin bago naunang lumakad.
“Nabasa ko ang message mo kanina, sa ibang araw nalang tayo mag-kita dahil meron akong importanteng lakad ngayon.” Seryosong niyang sabi bago tuluyang pumasok sa loob.
Nanatili akong nakatayo sa labas, maya-maya pa ay lumabas si Butler Patricio.
“Anong kailangan mo Edmund?" Tanong niya sa akin habang nakatingin ng seryoso.
“Meron sana akong sasabihin kay Don Quintana, tungkol ito sa hacienda." Mahinahon kong sagot Agad kong sagot sa kanya.
“Wala si Don Quintana ngayon, meron siyang importanteng lakad. Meron bang problema sa hacienda?” Muli niyang tanong.
“Naubusan ng pang spray na gamit sa mga mangga. Titignan ko pa kung anong lagay nito ngayon.” Napatango ito bago nagsalita.
“Sige ako na ang bahala, tatawagan ko ang kakilala ni Don Quintana para madeliver bukas.” Malamig niyang sagot bago ako tinignan mula ulo hanggang Paa.
Hindi ko maintindihan bakit hindi ako matanggap ng matandang ito. Wala akong masamang ginagawa sa kanya, pero ang init ng dugo niya sakin.
“Anong problema sa hacienda Patricio?” Pareho kaming napatingin sa likuran niya nang marinig ang boses ni Marigold, nakataas yung kilay nito habang nakatingin kay Mr. Patricio.
“I'm going to town now, ano bang mga kailangan sa hacienda, ako ng bibili?” Seryoso niya na tanong kay Mr. Patricio.
“Miss Quintana, hindi mo responsibilidad ang problema sa Hacienda.”
“Dito na ako titira kaya magiging responsibilidad ko na, Patricio baka na kakalimutan mo kung ano’ng iyong posisyon dito sa bahay!” Mababakas sa kanyang mukha ang galit habang salubong yung kilay niyang nakatingin kay Mr. Patricio.
Nanatili lang akong tahimik at nakatingin sa kanya, para talaga siyang si Lucinda.
“Ako na ang bahala, Edmund samahan mo ako sa bayan para bilhin kung anong kailangan.” Baling niya sa aking tumango lamang ako bilang sagot.
“Edmund, ihanda mo yung sasakyang L300 Pick Up, iyon na lang ang gagamitin natin.” Utos niya sa akin, tinignan naman ako ng masama ni Mr. Patricio nagbabantang huwag kong sundin kung anong utos ng dalaga.
“Ano pang ginagawa mo rito Mr. Patricio, asikasuhin muna ang almusal ng mga trabahador sa hacienda! At sabihin mo rin kay Dad, hindi ako makakauwi ngayon dahil mag-stay muna ako sa hotel ng ilang araw.” Pagkasabi niya iyon ay tuluyan na siyang lumabas ng mansyon, sumunod ako sa kanya ramdam ko ang masamang tingin ni Mr. Patricio We both work here; why would I obey him kung sariling anak na mismo ni Don Quintana ang nag-utos sa akin.
“Pakibilisan dahil meron pa akong lakad!” Mataray niyang utos sa akin, kinuha ko ang susi ng L300 na nakasabit sa gilid at sumakay.
Nilabas ko na ito sa garahe, Lalabas na sana ako para pagbuksan siya pero agad niya akong sinenyasan na huwag.
Pagkasakay niya’y napabuntong hininga siya at hinilot sa kanyang sentido.
“Lahat nalang pinakikialaman niya!” Mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko, nanatili lang akong tahimik habang nagmamaneho.
“Ano ang ibibigay mo at plano?” Basag niya sa katahimikan bago tumingin sakin.
“Sabi mo hindi ka pwede ngayon dahil meron kang importanteng lakad.” Sagot ko habang nasa kalsada pa rin ang tingin.
“Mamayang gabi pwede kang pumunta sa hotel kung saan ako tutuloy, dahilan mo lahat ng pwedeng maging ebidensyang meron ka.” Seryoso niyang sabi dahilan para tignan ko siya, normal lang ba sa kanya na magpapunta ng lalaki sa unit niya?
Binalik ko ang aking atensyon sa pagmamaneho, dahil baka maaksidente kaming dalawa.
“Lumaki ako sa ibang bansa ano bang iniisip mo? Tungkol sa kaso ni ate Lucinda ang pag-uusapan natin!” Mataray niyang sabi habang nakataas ang isa nitong kilay.
“At isa pa, gusto mo bang makita nilang magkasama tayong dalawa?! Lalo na ngayon alam kong pinapa-manmanan ako ng aking ama kay Patricio. Kailangan kong mag-ingat dahil maraming mga matang nakatingin sa'kin.” Dagdag niyang paliwanag, bago nagpakawala ng hangin.
“Okay, saan hotel ka ba magpapalipas ng gabi?” Tanong ko sa kanya.
“Mag-message ako sayo mamaya, marami akong ipapaliwanag kaya kung maaari ay agahan mong pumunta.” Sagot niya, tumango naman ako bilang sagot.
Wala ng umimik sa aming dalawa hanggang makarating kami ng bayan, pinamili namin kung anong mga kailangan sa hacienda.
“Hindi na ako sasama pauwi, magkita nalang tayo mamaya.” Aniya habang kinukuha ang cellphone sa kanyang bag.
“Ikaw na ang bahala sa mga pinamili, kailangan ko ng umalis.” Paalam niya sa akin bago pinara ang traysikel na paparating.
Nakatingin lang ako sa kanya habang papalayo, napangisi dahil umaayon ang panahon sa akin.
Kung nagawang harangin ni Don Quintana ang pag-iimbestiga sa kaso ng aking asawa, gagamitin ko ang kanyang anak para makuha yung hustisya para kay Lucinda. Pagbabayaran niya ang kanyang ginawa, at kapag napatunayan kong meron itong kinalaman, sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan!
Kung kinakailangang paiibigin kita Marigold Quintana, gagawin ko lahat para makuha kung ano’ng aking gusto.
to be continued...