MABILIS lumipas ang panahon, at unti-unti na rin natatanggap ni Edmund ang pagkamatay ng kanyang asawa. At hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin sila sa paghahanap kung sinong may-ari ng bahay. Iyon na lamang ang kanilang problema, kapag nalaman nila kung sino mapapadali ang lahat para sa kanila.
Nalaman na ni Edmund ang ginawa ni Don Quintana na pagharang sa mga imbestigasyon. Para hindi niya malaman, wala siyang ideya kung bakit kailangan pang gawin iyon ni Don Quintana, dahil unang-una ay karapatan niyang malaman kung sinong pumatay sa asawa.
Naging maayos naman ang pakikipagtulungan niya kay Fabina, unti-unti na siyang nagtitiwala sa dalaga.
βEdmund, tignan mo ito nakita ko sa mga binigay mong dokumento.β Seryoso na sabi ni Fabina kalalabas lang nito galing sa silid aklatan ng kanyang asawa. Lumapit ito sa kinauupuan niya habang hawak ang isang coupon bond.
βAno yan?β Tanong naman niya.
βIsang liham at sulat kamay ni Lucinda, para kay Marigold Quintana nag-iisang anak ito ng Don, basahin ba natin o ibigay sa kanya?β Tanong ng dalaga sa kanya, kinuha niya iyon dahil ang kapal na-curious tuloy siya kung anong laman ng sobre.
βHuwag natin pakialaman ito dahil hindi para sa atin ang sulat.β Malamig niyang sagot.
βClose pala silang dalawa, balita ko naaksidente ang anak ni Don Quintana.β Aniya bago umupo sa sofang kaharap ni Edmund.
βOo kaya nasa Maynila si Don Quintana, ang pagkakaalam ko ay close silang dalawa ni Lucinda, nagkahiwalay lang dahil kailangang asikasuhin ni Marigold ang kumpanya nila sa maynila. Pero hindi ko pa siya nakikita.β Kwento niya, napatango naman si Fabina.
βIsang beses ko palang siyang nakita, siguro hindi ka maniniwala sa aking sasabihin. Para silang pinagbiyak na buko, ang sabi nga ng iba ay kung hindi lang mag-pinsan sina Lucinda at Marigold, maaaring anak sa labas ni Don Quintana si Lucinda. Ang pinagkaiba lang nilang dalawa ay sa kutis at ugali,β Kwento naman nito kay Edmund na nanatiling tahimik lang, ang nasa isip nito ay kung anong laman ng sulat.
βPaano mo maibibigay yan kay Marigold?β Tanong ni Fabina dahil maging siya ay gustong buksan ang sobre, tila ba merong nag-uudyok na buksan na ito.
βHindi ko alam, bahala na itatago ko nalang siguro.β Walang kasiguraduhang sagot ni Edmund.
βOkay, paano ba yan aalis na ako, next time nalang ulit. Tatawagan kita kapag meron na akong balita.β Paalam ni Fabina dahil meron pa siyang pupuntahan na kaibigan, tumango naman si Edmund bilang sagot. Hinatid na niya ang dalaga sa pinto ng kanyang bahay, nakatingin lang siya kay Fabina habang palapit ito sa kotse. Kumaway pa sakanya ang dalaga bago tuluyang sumakay, nang makaalis na ito ay isasara na niya sana ang pinto nang merong Red Ford Mustang Mach-E na huminto sa harapan ng kanyang bahay.
Hindi siya pamilyar sa sasakyan at walang ideya kung kanino ito, nanatiling nakatayo sa pinto si Edmund hinihintay na bumaba ang may ari ng sasakyan.
Bumukas yung pinto ng kotse, at bumaba doon si Marigold na madilim ang mukha. Nagulat at hindi makagalaw si Edmund nang makita kung sino'ng bumaba sa sasakyan. Kamukhang-kamukha ito ng kanyang asawa, pasimpleng niyang kinurot ang sarili dahil baka nananaginip siya.
Matangkad, maputi at parang isang modelong lumakad ang babaeng papalapit sa kanyang bahay.
βAre you ate Lucinda's husband? I'm her cousin, Marigold Quintana.β Pagpapakilala ng dalaga nang makalapit kay Edmund, tumingala pa si Marigold para tinignan mula ulo hanggang Paa ang lalaking nasa harapan niya.
Akala niya ay nasa ospital pa ang anak ni Don Quintana, pero ngayon itong babaeng nasa harapan niya parang hindi naaksidente.
Matangkad ang lalaki, moreno at makikitang merong itsura hindi lang mahilig mag-ayos. Nairita naman si Edmund dahil sa ginawang pag-titig ng dalaga.
Hindi siya agad nakapagsalita dahil hanggang ngayon hindi pa rin ito makapaniwala, na kamukha ng kanyang asawa ang babaeng nasa harapan niya ngayon.Totoo nga ang sinabi ni Fabina sa kanya.
βHindi mo ba ako papasukin?β Mataray na tanong ni Marigold dahilan para matauhan siya. Binuksan niya ng tuluyan ang pinto at gumilid, amoy na amoy niya yung gamit na pabango ng dalaga na pamilyar sa kanya, ganun din kasi ang gamit na pabango ni Lucinda.
Tumingin sa paligid si Marigold, napako ang kanyang tingin sa larawan ng kanyang Ate Lucinda na nakasabit sa dingding. Lumapit siya doon at hinaplos ito.
βAlam muna ba kung sinong pumatay sa kanya?β Seryoso na tanong sa kanya ng dalaga bago siya tinignan nito.
βBakit sakin mo tinatanong, ang iyong ama ang nakakaalam. Kung nandito ka para imbestigahan ako, wala kang makukuha mula sa'kin!β Malamig na sagot niya sa dalaga, tinaasan siya ng kilay bago lumakad palapit sa kinatatayuan niya.
βAno pa bang makukuha ko sayo, mukha namang wala dahil pang babae ang iyong inaatupag.β Dumilim ang mukha niya dahil sa paratang ng dalaga sa kanya, ngumisi naman si Marigold hindi man lang ito nasindak.
βSa tingin mo ba mag-aaksaya ako ng panahong pumunta dito kung meron na akong alam. Isa lang ang gusto kong malaman, sinong pumatay kay Ate Lucinda?β Muli niyang tanong bago lumakad palapit sa sofa at umupo doon.
βSi Don Quintana ang tanungin mo dahil lahat ng resulta ng kaso ay alam niya! Pwede ka ng umalis ayoko ng gulo!β Pagpapaalis niya sa dalaga dahil siguradong chismis na naman ito.
Nagpakawala ng hangin si Marigold bago nagsalita.
βPumunta ako dito dahil meron akong importanteng kukunin sayo, kailangan ko ang titulo ng lupa ni Ate Lucindββ Hindi natuloy ni Marigold ang kanyang sasabihin dahil agad na nagsalita si Edmund.
βPareho talaga kayong mag-ama, pati lupa ng asawa ko ay balak niyong angkinin! Baka nakakalimutan ninyong kamag-anak niyo si Lucinda, pati pamana sa kanya nagawa niyong pagkainteresan. Ganyan na ba kayo kauhaw sa lupa ng iba?! β Sigaw ni Edmund sa dalaga, dahilan para umigting ang panga ni Marigold sa galit.
Tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit kay Edmund, malakas niya itong sinampal, hindi matanggap ang sinabi ng lalaki.
βHow could you speak to me in such a manner?! Who do you believe you are? Wala akong pakialam sa ari-arian ni Ate Lucinda; in hindsight, dapat hinayaan ko na lang na ituloy nila ang kanilang plano!! Para iba ang nakinabang hindi gaya mong masyadong mapanghusga sa kapwa! Nakakawalang gana kang tulungan!β Umuusok ang ilong niya dahil sa galit, nanlilisik yung kanyang mga mata habang nakatingin kay Edmund.
βHere, iyong-iyo na yang lupa! Tawagan mo ang numerong nandyan! Wala akong pakialam sa lupa ng iba, dahil hindi ko yan madadala sa hukay!β Pagkasabi iyon at bigay ni Marigold ang dala niyang envelope lumakas na siya ng bahay.
Hindi na siya nag-aksaya ng panahong tingnan ang lalaki dahil sa galit na kanyang nararamdaman.
Napatingin naman si Edmund sa binigay ng dalaga, transfer certificate of title ang nakalagay. Nagulat siya sa kanyang nakita, dali-daling lumabas si Edmund para habulin ang dalaga, ngunit paglabas niya sa bahay ay nakaalis na ito bigla siyang nakaramdam ng guilty dahil sa kanyang sinabi kanina.
Akala niya ay gaya ni Don Quintana ang dalaga, dahil minsan ay naririnig niyang pinag-uusapan ito ng mga kasamahan niya sa hacienda, masama ang ugali nito at dahil iisang anak sunod lahat ang luho.
Naalala niya ang sulat ni Lucinda sa dalaga, kaya agad siyang pumasok ulit para kunin ito. Itinago niya muna sa kwarto ang binigay ni Marigold bago muling lumabas ng bahay dala yung sulat para sa dalaga.
Galit na galit naman si Marigold na umuwi sa mansyon, binato niya kay Lenie ang hawak nitong sling bag at walang imik na umakyat sa hagdan.
βGusto kong magpahinga Len-len, ayokong tumanggap ng bisita!β Bilin niya dito bago tuluyang makaakyat sa ikalawang palapag.
Walang paalam si Marigold na umuwi dito sa probinsya, dahil hindi papayag ang Don kapag sinabi nitong uuwi siya.
Hindi pa man din nakahiga sa kama si Marigold ay sunod-sunod na katok sa pinto ng silid ang naririnig niya.
βSeΓ±orita, gusto kang makausap ng iyong ama sa telepono. Bumalik ka na raw sa Maynila, sa lalong madaling panahon.β Seryosong sabi ni Butler Patricio, bago muling kumatok sa pinto pero hindi pa rin ito bumubukas.
Galit na galit si Don Quintana dahil sa ginawang pagtakas ng kanyang anak, hindi na niya kayang pigilan ang dalaga masyado ng matigas yung ulo nito. Marami ng nagbago kay Marigold simula nung nagising siya.
Wala βtong ibang iniisip kundi ang kaso ni Lucinda, na ikinabahala ng kanyang ama dahil baka madamay pa ito. At magaya sa pinsan niya.
Pipikit pa lamang si Marigold, merong na namang kumatok sa pinto ng kanyang silid. Nanggagalaiti siya sa galit na bumangon at padabog itong lumakad palapit sa pinto at binuksan.
Nakangiting Len-len ang bumungad sa kanya na lalong ikinainis niya.
"What Lenie, sinabi ko na sayo kanina ayoko ng istorbo, pagod ako sa byahe at gusto kong magpahinga!" Galit niyang sigaw sa dalaga.
"SeΓ±orita, meron kasing naghahanap sa inyo sa labas si Sir Edmund, meron daw siyang ibibigay na importante." Lalong uminit ang ulo niya nang marinig kung sinong naghahanap sa kanya.
"Wala akong panahon sa kanya, palayasin mo dahil ayoko siyang makita! Ang kapal ng mukha niya!" Pagkasabi niya iyon ay malakas niyang sinara ang pinto.
Naguguluhan naman si Lenie dahil bakit mainit ang ulo nito kay Edmund, pagbaba sa hagdan ni Len-len ay agad niya ulit nilapitan ang naghihintay sa labas.
"Sir, highblood po si seΓ±orita ngayon ayaw ka raw niyang makita, ang kapal daw ng mukha mo." Deretso na sabi nito hindi man lang nagpreno, tumango lamang si Edmund bago nagpaalam.
Napakamot naman ng batok ang katulog bago pumasok sa loob, laking gulat niya nang makita si Butler Patricio sa harapan niya.
"Anong ginagawa niya dito?" Malamig na tanong nito.
"Nagtatanong lang po si Sir Edmund kung ano pang ipapagawa sa kanya bukas." Pagsisinungaling niya dahil ang bilin ni Marigold sa kanya ay huwag magsasabi kahit kanino na nag-uusap silang dalawa ni Edmund.
"Sabihin mo bukas ay linisin ang likod ng mansyon bukas, alisin yung mga matataas na damo baka dumami yung lamok dito!" Utos ng ginoo, sunod-sunod namang tumango si Lenie bilang sagot.
Habang si Marigold naman nakatayo sa Balcony, nakatingin kay Edmund na papaalis na sa mansyon. Gamit nito ang luma niyang motor, dahil medyo malayo pa yung bahay nila mula sa mansyon.
"Ano kaya ang ibibigay niya sa akin?" Mahina na tanong ni Marigold, bago umupo dahil balak niyang magpahinga. Para kahit papaano ay lumamig ang kanyang ulo.
Kailangang hindi siya maging mainitin, dahil kailangan niya ng impormasyon kay Edmund. Para tuluyan na niyang maayos ang nakuhang mga resulta ng pag-imbestiga sa kaso ni Lucinda.
At kakausapin niya si Edmund, kung meron itong kilalang pwedeng magmanman sa lalaking gusto niyang ipadukot para makakuha ng ibang impormasyon.
To be continued...