````
Because it is Friday night, a popular pub is filled with the smell of cigarette smoke and bottles of alcohol thrown across the tables, sinabayan pa ng malakas na musikang sikat ngayon at maraming mga kabataan na sumasayaw sa gitna ng dance floor. Kabilang sa mga ito ay ang anak ni Don Quintana, si Marigold, na tinatawag ng lahat na Mariz. Isang party girl ang dalaga at hindi nawawala tuwing friday night, nagpapakalunod ito sa alak para kahit papaano ay mabawasan ang stress na kanyang nararamdaman.
Marigold Quintana is twenty-four years old and a recent college graduate; being the only child, siya ang namamahala sa kumpanya ng kanyang pamilya. Siya ay nasa Maynila, ngunit umuuwi siya sa kanyang bayan para lamang makasama ang kanyang mga kaibigan at gumimik sa sikat ng bar dito sa kanila. Mahilig mag-party si Marigold, pinayagan naman siya ng kanyang ama dahil ginagampanan niya ang kanyang mga responsibilidad sa kanilang kumpanya.
Muling nilagok ni Mariz yung hawak niyang bote, marami na siyang naiinom at umiikot na ang kanyang paningin. Dahil kanina pa sila nag-iinuman, dahil na rin siguro sa pagod kaya medyo tinatamaan na siya sa alak na kanilang iniinum.
“Are you okay Mariz?” Pasigaw na tanong ng kanyang kaibigan na si Tatum, dahil napansin siyang pumipikit-pikit na ang mata ni Marigold.
“Yeah i’m okay, alas-tres na pala ng madaling araw kailangan ko ng umuwi.” Paalam niya dahil baka malagot na naman siya sa kanyang ama.
“Kaya mo pa bang mag-drive?” Tanong naman ni Alaia, dahil para na itong natutumba kapag tumatayo.
“Duh, What do you think of me, I'm drunk? Kaya ko pa!” Maldita niyang sagot bago tinulak ang kaibigan, napaupo naman si Alaia sa may sofa.
“Hayaan muna kasi alam mo namang maldita yan.” Bulong naman ni Daley sa kaibigan, hinayaan nila na lumabas ng bar si Marigold dahil sa kalasingan nito ay halos may mabangga na.
Paglabas niya’y kinuha ng dalaga sa kanyang bag yung susi ng kotse, pinindot ni Mariz ang car remote para tumunog ito. Nang mahanap na niya ang kanyang pulang Mazda MX-5, agad siyang sumakay at binuhay yung makina nito. Mariin siyang pumikit dahil umiikot ang kanyang paningin, medyo malayo pa yung bahay nila mula dito sa bayan wala naman siyang ibang choice kundi magmaneho. Nang okay na siya ay sinimulan na niyang i-atras ang kayang sasakyan, muntik pa nitong mabangga ang katapat na kotse mabuti nalang at nakapagpreno pa siya.
Nang nailabas niya ang kanyang sasakyan, dahan-dahan pa yung naging patakbo nito papalabas ng parking lot. Pagdating niya sa highway, medyo bumibilis na ang kanyang takbo. Pagiwang-giwang ang kanyang sasakyan, mas lalo pa nitong binilisan ang pagpapatakbo.
“Damn it!” Mura niya dahil ayaw magpasingit ng isang sasakyan. Bumusina siya bago muling sumingit sa daan. Lahat ng nasa harapan nito ay dinadaanan niya nagulat si Marigold dahil may mabilis na Taxi siyang nakasalubong, agad niyang iniwasan ang kanyang sasakyan nguni't sa hindi inaasahan. Dumiretso siya sa isang malaking poste, dahil sa mabilis ang pagpapatakbo niya malakas yung naging impact nito. Duguan si Marigold, bago pa siya mawalan ng malay ay may narinig siyang ingay mula sa labas. Mabuti nalang at walang ibang nadamay sa aksidente, wasak ang harapan ng sasakyan niyang regalo pa sa kanya.
Nagkakagulo ang mga tao at paglikha na rin ito ng trapiko sa daan. Agad na tumawag ng ambulansya, meron na ring dumating na mga pulis para tignan kung anong nangyari.
Mabilis namang nakating ang ambulance, pagbukas nila ng sasakyan ay nagulat yung dalawang nurse nang makita si Marigold pala yung naaksidente. Ang anak ni Don Quintana na may-ari ng pinagtatrabahuhan nilang ospital, agad silang kumilos maingat na binuhat ang dalaga palabas ng sasakyan nito.
Nang nakasakay na sila sa ambulance, agad chineck ang heartbeat ng dalaga nakarating naman agad dahil malapit lang yung ospital sa pinangyarihan ng aksidente. Nilabas na nila si Marigold at itinakbo sa emergency room, ang kanyang tiyahin yung mag-aasikaso sa kanya.
Habang sa mansyon naman ay nag-aalala ang kanyang yaya dahil anong oras na wala pa siya. Ang naging usapan nilang dalawa ay hanggang alas-una lang siya, dahil pareho silang malilintikan ni Don Quintana kapag lumagpas pa sa oras na yun.
Maagang nagising si Don Quintana, pagpasok niya sa kusina ay agad nitong tinanong kung nakauwi na ba ang kanyang anak.
“Nakauwi na ba si Mariz? Hindi ko narinig ang kanyang sasakyan na dumating.” Tanong niya bago kinuha ang newspaper na nakalagay sa mesa.
“Coffee black.” Utos niya sa isang katulong.
“Wala po akong alam Don Quintana, si Lenlen ang kausap niya kahapon bago umalis.” Tukoy nito sa yaya ni Mariz na hanggang ngayon ay aligaga pa rin dahil wala pa ang kanyang alaga.
“Tawagin mo rito si Lenlen,” malamig na utos nito bago kinuha ang kanyang kape at nagtungo papuntang veranda ng mansion.
Hindi niya pwedeng palampasin ang ginawa ng kanyang anak, dahil meron siyang patakaran na dapat sundin.
Habang nagkakape ang ginoo, dali-dali namang lumapit sa kanya si Butler Patricio, meron itong dala na masamang balita.
“Don Quintana, meron kang dapat malaman ang pamangkin niyong si Madam Lucinda natagpuan sa ilog palutang-lutang at wala ng buhay.” Seryoso niyang balita sa ginoo, galing siya sa hacienda at iyon ang usap-usapan ngayon.
“Sino ang may gawa? Anong ginawa nila sa pamangkin ko?!” Galit at malamig niyang tanong, dahil isa si Lucinda sa pinagkakatiwalaan niya dahil masipag ito at maayos ang trabaho itinuturing na parang panganay na anak dahil ulilang lubos na ito.
“Inaalam pa ng pulisya kung anong nangyari, nakita lamang siya na nakalutang na sa ilong maraming pasa sa katawan at mukhang pinagsamantalahan pa.” Muling sabi nito na naging dahilan para lalong makaramdam ng galit si Don Quintana.
“Alamin mo kung anong nangyari sa kanya, kung kinakailangang ipa-autopsy para malaman kung anong nangyari gawin mo Patricio! Si Edmund nasaan siya ngayon?” Tukoy nito sa asawa ni Lucinda, tauhan niya lamang si Edmund na nagustuhan ng kanyang pamangkin. Hindi niya gusto ang lalaki dahil walang magandang kinabukasan si Lucinda sa kanya.
“Nasa ilog kanina kasama ang mga pulisya, dinala na ngayon sa morgue yung katawan ni Madam Lucinda. Gaya ng dati wala naman siyang magagawa, ikaw pa rin ang inaasahan.” Seryoso nitong sagot, ang hawak na newspaper ni Don Quintana ay hindi nito namamalayang kusot na dahil sa galit na nararamdaman.
“Balitaan mo ako kung anong nangyari sa bangkay at resulta ng autopsy.” Malamig niyang utos, sumunod naman ni Mr. Patricio nagpaalam na ito para sumunod sa morgue.
Habang palabas siya ng mansyon ay nakasalubong niya si Victoria ang doktora na pamangkin ni Don Quintana.
“Where's Uncle?” Seryoso at puno ng pag-aalala niyang tanong, itinuro ni Mr. Patricio ang kinaroroonan ng ginoo. Agad namang nagpunta si Victoria doon.
“Uncle, Uncle!” Naiiyak na tawag ni Victoria dahil siguradong magugulat ang kanyang tiyuhin sa malalaman nito ngayon. Seryoso namang tumingin ito sa kanya.
“Uncle, meron kang dapat malaman.” Agad nitong sabi nang makalapit siya sa kinaroroonan ng ginoo.
“What? Si Lucinda ba yan? Ikaw na ang bahala sa kanya papunta na sa morgue si Patricio.” Malamig niyang sagot, nagulat naman si Victoria sa nalaman dahil magkasama lang sila ng kanyang pinsan kahapon.
“What, anon nangyari kay Lucinda?” Nagulat at natatakot niyang tanong, wala siyang alam sa nangyayari ngayon dahil halos kakaalis lang niya sa ospital.
“Natagpuan siyang palutang-lutang sa ilog, walang nakakaalam sa nangyari sa kanya kaya kailangang ipa-autopsy.” Halos manginig ang tuhod ni Victoria dahil sa kanyang nalaman. Matalik niyang kaibigang si Lucinda, wala siyang ibang matatakbuhan kundi siya lang.
Dahil sa nalaman ay nag-iiyak siya, kung alam lang niyang mangyari to ay hindi niya iniwan si Lucinda kahapon. May naging emergency kasi sa ospital kaya nauna na siyang umalis.
“Ikaw na ang bahala sa pinsan mo Victoria, hindi ko kaya tignan si Lucinda alam mo kung gaano siya kahalaga sa akin. Magbabayad ang may gawa nito, wala siyang kahihiyan talagang pamangkin ko pa!!” Galit na galit niyang sigaw, nagulat naman ang yaya ni Marigold dahil saktong paglabas niya may sumigaw.
“Len-len nasaan si Mariz? Anong sabi niya sayo kahapon, at bakit hindi ka sumama?” Malamig na tanong ni Don Quintana, nahimasmasan naman si Victoria dahil iyon ang sadya nito dito.
“Uncle, meron kang dapat malaman tungkol ito kay Marigold. May nangyaring masama sa kanya, nasa ospital siya ngayon at kailangan mong pumunta doon.” Nahihirapan niyang sabi, dumilim ang mukha ni Don Quintana habang nanginginig yung kamay nitong nakahawak sa upuan.
“Anong nangyari sa anak ko?!” Nanginginig ang boses niyang tanong kay Victoria.
“Naaksidente si Marigold, lasing itong nagmaneho mabuti nalang at walang nadamay sa aksidente. Malubha ang kalagayan niya, ulo yung napuruhan sa kanya maaaring mawalan ito ng alaala at hindi ko alam kung kailan siya magigising. At isa pa Uncle, maaaring mawalan si Marigold.” Naiiyak niyang paliwanag sa kanyang tiyuhin, dahil sa nalaman ay nawalan ng malay ang ginoo. Mabuti na lamang at nasalo siya ni Victoria.
Agad nilang dinala sa ospital ang ginoo dahil baka kung anong nangyari dito. Dahil sa mga nakakagulat na balita, hindi makapaniwala ang mga kasambahay maging sila ay nagulat. Alam nila kung gaano kahalaga kay Don Quintana, sila Marigold at Lucinda ang dalawang babaeng iniingatan ng ginoo.
“Ano bang nangyayari, bakit ganito ang salubong ng araw na ito. Sana maging maayos lang si senyorita Mariz at mahanap agad kung sinong pumatay kay Madam Lucinda.” Halos pabulong na sabi ni Manang Carlota, ang nag-alaga kay Lucinda.
to be continued..