Episode 5-Mean joke

2396 Words
"Was it a joke?" tanong ni Gab habang magkatabi sila sa upuan sa labas ng delivery room. Napalingon naman si Dany kay Gab na hindi sa kanya nakatingin kundi sa Kuya n'yang kanina pa paikot-ikot ng lakad habang sinasaway ng magulang ni Ara. On the way pa lang ang parents nila. Nasa loob na ng delivery room si Ara at kasalukuyang na nganganak na. "Joke or truth. It's none of my business." "Pakakasalan kita kung totoo." natawa naman ng pagak si Dany pero na hinto s'ya sa pagtawa ng biglang lumingon si Gab na ewan ba n'ya bigla s'yang kinilig ng magtama ang paningin nila. Ang rupok talaga n'ya sure na talaga s'ya. "Akala ko ba? hindi biro ang magpakasal o e bakit nag dedesisyon ka agad ngayon ng ora-orada." "You made me make a decision urgently." "Wala akong cancer joke lang yun. Okay na ba?" "I know you Daniella better than you think." napangiti si Dany. "Alam mo dapat na iinis ako sa'yo ngayon pero lintik lang bakit kinikilig pa rin ako kahit sa simpleng ganyan lang mahal na talaga siguro kita." iling ni Dany. "Be serious." inis na wika ni Gab. 'I am serious. Alam mo kung bakit biglaan akong bumalik ng Pilipinas na hindi ko na dapat gagawin dahil I'm planning to settle down in Chicago pero I was diagnose with stage 4 brain cancer." "I want to spend my remaining life with my family." 'Then why are marrying a gigalo?" "Dahil di ko naman madadala sa hukay ko ang pera ko. Ganun lang ka simple." hindi umimik si Gab na nakatitig nanaman sa kuya n'ya na palakad-lakad. Ilang minuto pa napuna ni Dany na parang panay ang pahid ni Gab ng pisngi nito habang nakatalikod sa gawi n'ya. Kaya napangiti si Dany na pilit na sinisilip si Gab pero umiiwas ito hanggang sa tumayo na. "Hoy! seryoso iniiyakan mo ako?" natatawang tanong ni Dany kay Gab. "Hindi! Bakit kita iiyakan." iwas nito pero kita na n'ya ang pamumula ng mata at ilong nito. Iba na rin ang boses dahil halatang barado na ang ilong. 'hahahah! Ano ka ba? joke lang yun, Ito kala ko ba sabi mo kilala mo ako." masama naman ang tingin ang pinukol nito sa kanya. "Yan ang eksaktong dahilan kung bakit nag kukuli pa akong pakasalan ka noon pa." ani Gab na tumalikod na pero sumunod naman si Dany. "Bakit may balak ka ba kung sakali na seryosohin ako?" "Natural, ano naman akala mo sa akin s****l maniac na s*x lang ang habol ko sayo. Tingin mo napaka tanga ko para ipatattoo ang pangalan mo sa a** ko tapos hindi ako seryoso?" galit na tanong ni Gab. Oo nga naman, may point. "Kung seryoso ka alam mong magagalit ako kapag nalaman ko na babae ang pinahawak mo d'yan sa ti** mo and worst part pa e talagang sa ex mo pa pinahawakan. Anong akala mo maniniwala ako sa sinasabi mong walang malisya tang*** mo. Babae rin ako, ang daming tattoo artist na lalaki. Piling-pili mo pa talaga? Hello anybody home.' katok pa ni sa ulo ni Gab na iniiwas ang ulo. "Hindi mo kasi ako na iintindihan kahit naman mag explain ako sa'yo you will never listen to me." "Edi sana hindi mo na lang ipinatattoo, maiintindihan ko pa yun at tsaka malay ko bang totohanin mo." "Dahil nga gusto mo and I want to give everything to you dahil gusto mo. Nakukuha ko ang gusto ko sa'yo kaya I'm intended na ibigay rin ang gusto mo pero nagalit ka at nakipag break asan ang logic dun." "The Fact is pinahawakan mo sa ibang babae yan ti** mo." "Hawak lang naman wala naman kami ginawa." "O sige, let's put in this way para mabilis na usapan. Paikot-ikot lang tayo e. Mag papatattoo ako ngayon mismo kay Ezikiel pahahawakan at papa pisil-pisil ko rin ang puday ko. Ano tingin mo mararamdaman mo, hindi ko pa ex ang Ezikiel na yun ha suitor ko lang." hindi naka-imik si Gab na tuloy pa rin sa pag lakad. "Saan ka ba pupunta na papagod na ako kakasunod sa'yo." inis na wika ni Dany na nakasunod pa rin kay Gab. "Sino ba may sabi na sumunod ka?" "Alam mo sa totoo lang ang tanda-tanda mo na pabebe ka pa, na nganganak si Ara dun ngayon ka pa talaga nag inarte." huminto naman sa pag lalakad si Gabriel at nilingon s'ya. "Kapag ikaw ang inintay ko baka tumanda akong dalaga." "Then let's get married." "Ayos! Para kang nag yaya mag date lang? mag hanap ka ng bride mo dun ka na talaga sa Jayzel na yun. Ayoko na kitang kausap." reklamo naman ni Dany na s'ya naman ang tumalikod pa balik sa delivery room. This time si Gabriel naman ang sumunod sa kanya pero di ito nag sasalita. "Mahal mo ba ako?" tanong ni Gab ng lagpasan s'ya at humarang sa dinaraanan n'ya. "Bakit ano ba ang definition ng pag mamahal sa'yo, tagalugin mo para maintindihan ko." humawak pa sa bewang si Dany sabay taas kilay na bahagyang tiningala si Gab dahil malaki itong tao bahagya lang s'yang umabot sa may ilong nito. "Yung kayang tanggapin lahat ng kabaliwan mo? Kayang sakyan ang trip mo at handa kang makasama sa pagtanda na kahit bungangaan mo ako yayakapin lang kita hanggang sa tumahimik ka na. Yung ang definition ng pag mamahal sa akin, ikaw ano bang defenition ng love sa'yo kasi baka mag kaiba tayo ng pananaw." "I'm giving you freedom to be happy with somebody else." kumunot ang noo ni Gabriel sa sinagot ni Dany. "Tagalog ba ang gusto mo para kasing 'di mo na intindihan." "Linawin mo dahil iba ang dating sa akin ng sagot mo." "Dahil may isang bagay ang hindi ko kayang ibigay sa'yo." mapait na ngumiti si Dany. "'Di ko alam na malalalim pala ang definition sa'yo ng love akala ko kasi yung nasa ilalim lang ng panty ko ang definition ng love para sa'yo nag kamali pala ako.' "Anong bagay ang sinasabi mo na hindi mo kayang ibigay sa akin. Wala naman akong inaasahan na kahit ano sa'yo just be with me and thats is more than enough for me." ani Gabriel na lalapitan sana s'ya para hawakan pero ngumiting umatras si Dany. "Happiness! Iyon ang 'di ko kayang ibigay sa'yo pang habang buhay." "And what was supposed to mean that?" "hindi kita kayang bigyan ng pang habang buhay na kaligayahan kaya yung forever ang hanap mo. Pass ako hanap ka na lang ng ibang babae, Babu!" wika ni Dany na nilampasan na ulit ito. Naguguluhan naman na napasunod na lang ng tingin si Gabriel sa dalaga na 'di na n'ya maintindihan kung ano ba talaga ang status nila. Kung meron pa ba s'yang aasahan kay Daniella o wala na at totohanin nito ang pag papakasal sa lalaking walang kuwenta. Pero hindi s'ya papayag na papunta lang ito sa ganun klase ng lalaki, mas matatanggap n'yang walang forever sa kanilang dalawa pero yung tanggapin na papunta lang ito sa lalaking walang kuwenta hindi s'ya papayag. Kung kelangang mang gulo sa kasal nito gagawin n'ya. Kung kahihiyan ang kapalit okay lang wag lang mapunta si Daniella sa maling lalaki. ******** "How cute! She looks like Summer." ani Lordblessy. "Iisang-iisa nga diba." tuwang-tuwang sang-ayon naman ni Megan. "Kaya naman pala lagi na lang mag-kaaway ang mag-amang yan." ngiti naman ni Ivo na hawak hawak ang daliri apo. "Puro na tayo babae sino kaya mag bibigay ng apong lalaki?" biro pa ni Ivo na tinginan ang mga anak na babae. Na kanya-kanyang iwas ng tingin. "Si Gabriel ang hingian mo ng apo matanda na ayaw pang mag-asawa." wika naman ni Luxme. "Gab kamusta naman mag kakaapo pa ba kami sa'yo o mag papari ka." tanong ni Ivo sa anak na nahimik. "Daniella." tawag naman ni Devin sa kapatid na busy sa cellphone na parang may ka text. "Pass ako kuya sa topic n'yo. Bulok ang bahay bata ko." nagkatawanan ang lahat sa sagot ni Dany. "Sino ba yan? ka text mo." tanong ni Ara. 'Ang future ko." ngisi ni Dany. "Future na walang patutunguhan." iling naman ni Gabriel. "At least may future kesa sa'yo." Irap ni Dany. "Balita ko Dany, mag papakasal ka na raw?" tanong naman ni Lux. "Yes, po Tita mommy actual parating na po si Jordan dito sa pilipinas para formal ko ng ipakilala kila Daddy." "Parang sure na sure ka ng papayagan ka nila Daddy at Mommy." ani Devin habang pinaiinom ng tubig ang asawa. "Nasa tamang edad na ako, kelan ko pa ba ng basbas." sabay-sabay naman napalingon ang mga nasa loob ng kuwarto ng bumukas ang pinto at pumasok ang magulang nila ng kuya Devin n'ya. Mabilis naman silang lumapit na magkapatid para humalik sa mga magulang. Ganun din ang iba pang naroon na magalang na bumati sa parent's nila ganun din si Gab na may pag mamano pang nalalaman. "Mommy, nag mano sa inyo si Kuya Gab, bigyan n'yo ng cash na mamasko ata." "Daniella." saway naman ni Dana sa anak. "Mamasko nga po ako pero gusto ko po sanang hingiin ay anak n'yo." dahil sa sinabi ni Gab parang na estatwa ang lahat na parang na shock sa narinig. "Naku! busy si Dennis sa pang babae huntingin mo tulungan pa kita." ani Dany. "I'm asking Daniella hand kung papayag po sana kayo." nagkatinginan naman ang lahat sa sinabi pa ni Gab. "Hahaha! Ayos ang pa commercial break mo Kuya Gab! Bentang-benta." natatawang wika ni Dany. "Seryoso po ako. Gusto ko pong pakasalan si Daniella kung papayagan n'yo po ako." 'Pumapayag kami." mabilis na sagot naman ni Dylan sabay tingin kay Daniella. "Dy, I told you parating na si Jordan tomorrow at sa kanya ako nag papakasal. Wag kayong nag papaniwala kay Kuya Gab, panis lang ang nakain n'yan kaya ganyan mag salita." "Panis nga lang ba ang nakain mo Gabriel." tanong pa ni Dylan. "I want to spend my life with your daugther Ma'am Sir." ani Gab na nag yuko pa ng ulo. "Then you have our blessing Gabriel." ani Dana. "Ako ba gusto mong tanungin kung gusto kong mag spend ng buhay ko kasama ka. The answer is no, planado na ang buhay ko at si Jordan ang kasama sa mga plano ko." "Hayaan muna natin makapag-isip si Daniella, Dylan at Dana. Masyado naman natin binigla si Daniella." "May relasyon po kami matagal na at inilihim lang po namin sa inyong lahat. We been together bago pa mag karoon ng relasyon si Ara at Devin." pagak naman tumawa si Daniella na kinuha na ang bag n'ya. Kailangan na n'yang umalis bago pa s'ya maisalang sa hotseat sa binabalak ni Gabriel na talaga naman ikinagulat n'ya. "Daniella is that true?" habol na tanong ng ama ng patalikod na sana s'ya. "Naku Dad! Honestly speaking hindi ako na informed na may relasyon pala kami kung alam ko lang edi sana sinabi ko po sa inyo. oist Kuya Gab, wag ka ngang showbiz d'yan." "Don't make me prove na ako ang sasabi ng totoo dahil mapapahiya ka lang." hamon ni Gabriel, napalunok naman si Dany. Balak ba nitong aminin din na inutusan n'ya itong mag patattoo ng pangalan n'ya sa ti** nito. "Alam ko na noon pa na may lihim silang relasyon Dad Mom." ani Devin na ikanaawang ng bibig n'ya sa pag laglag sa kanya ng kuya n'ya. "Hindi lang po sila simpleng may relasyon they live together." "Kuya?" bulalas ni Dany. "Bakit ba kailangan mo pang itanggi kung totoo naman ang sinabi ni Kuya Gab." ani Devin. "Kuya, ako to kapatid mo? Hello! nalimutan mo na ba? Ako to si Daniella." turo pa ni Dany sa sarili habang pa atras ng paatras. "Saan ka pupunta?" sita ni Dana ng mapansin na may balak talaga s'yang tatakas. "Restroom lang ako mommy." "Daniella." sigaw ng ama na ikinagulantang naman ng anak ni Ara at Devin at umiyak ng malakas kaya hindi na napigilan ng mga ito ang patakas ni Dany na nag mamadaling lumabas. "Anong balak mo Gabriel?" tanong naman ni Dylan sa binata. "If you allowed me to handle that Jordan para hindi matuloy ang kasal. I will be happy to help you Ma'am/Sir." "Ano masasabi n'yo?" tanong naman ni Dylan sa mag asawa. "Pinakyaw na ng pamilya n'yo ang mga ako kong babae pati pala ang nag-iisa kong lalaki." "Anong gagawin natin? Payag ba kayong ipakasal natin sila?" tanong pa ni Dylan. "Walang problema sa amin dahil lalaki ang sa amin at kailangan n'yang panagutan talaga si Daniella pero mukhang hindi gusto ni Daniella ang anak namin mukhang mahihirapan tayong pilit si Dany." "May lalaki s'yang ipapakilala sa amin bukas kung papayag ka gusto kong pumunta ka rin Gab." "Pupunta po ako." desidido na sagot ni Gab. "Mabuti kung ganun sana mapanindigan mo ang desisyon mo Gabriel." ani Dylan. "Kung mamapansin mo, Iba si Daniella sa mga anak ko may sarili s'yang mundo at 'di kami na kikialam sa mga desisyon n'ya sa buhay dahil she never failed us ngayon lang at 'di ko alam kung anong nangyari. At bigla parang nawala s'ya sa dereksyon kaya kung kaya mong ibalik si Daniella sa original track n'ya pasasalamatan kita ng mabuti." "You can count me in Sir. Rest assure ako na po ang bahala kay Daniella.' wika pa ni Gab. May ilang minuto pa ang lumipas at na una na s'yang nag paalam pauwi dahil dadaan pa s'ya ng office ng magulat s'ya sa biglang pag sulpot ni Daniella na masama ang tingin sa kanya. "Makinig ka isang beses ko lang itong sasabihin sa'yo at 'di ko na uulitin. I'm dying ngayon kung gusto mong maagang mabiyudo walang problema pero wag kang iiyak na parang mamatayan ka dahil ayokong mang-yari yun. Ngayon kung ayaw mong mabiyudo ng maaga tigilan mo ang pag pasok nanaman sa buhay ko. Kung s*x naman ang habol mo sige game ako same rules 10k per putok." tumiim naman ang bagang ni Gabriel. "Patunayan mo muna sa akin na may sakit ka?" hamon naman ni Gab. "Wala akong papatunayan sa'yo Gabriel at oras na sabihin mo ang lahat ng ito sa pamilya ko kahit dulo ng buhok ko hinding-hindi n'yo na ako makikita kahit kelan." "You're just bluffing." "Sana nga ganun yun. Stay away from me Gabriel wag mong guluhin ang buhay kong nailagay ko na sa ayos." ani Dany saka tumalikod na at 'di na pinansin ang pagtawag ni Gab.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD