"Parang gusto akong balatan ng buhay ng ex mo?" biro ni Jordan.
"Basta wag kang mag pa pa intimidate, tang*** ang laki ng bayad mo kaya umayos ka ng pag-arte i todo mo na kung kelangan. Walang kaso sa akin kung 'di mo makuha ang approval ng parents at grandparents ko. Ang importante mataboy mo si Gab." bilin ni Dany kay Jordan habang nag lalakad sila patungo sa sala kung nasaan ang magulang at lolo at lola n'ya na parang hinihntay talaga sila. 'Di naman n'ya akalain na naroon pala sa bahay nila si Gab at pinatawag pala sadya ng parents n'ya.
"Goodmorning po Daddy, Mommy." bati pa ni Jordan sa parents n'ya saka nag mano naman sa lolo at lola n'ya na parehas na halatang-halata sinusukat ang buong pagkatao ni Jordan. Na briefing na n'ya ng husto si Jordan noon pa man tungkol sa parents n'ya at sa mga grandparents n'ya kaya ready na ito sa lahat ng katanungan na ibabato rito. Ganun din naman kay Gabriel na nakuwento na n'ya rito lahat maliban lang s'yempre sa s*x life nila noon ni Gab, si Ara lang ang nakakaalam.
"Tito mano po." ngisi pa ni Jordan na lalapit sana kay Gabriel para mag mano pero sumama ang mukha ni Gabriel.
"Kung gusto mo ng pera sabihin mo kung magkano basta iwan mo si Daniella." deretsong wika ni Gab. Nag katinginan naman si Jordan at Daniella.
"Mag kano po ba ang offer?" biro ni Jordan.
"Hindi kami nakikipag biruan sa'yo name your price ng maka-alis ka na."
"Sa pag kakatanda ko po maayos n'yo kaming napalaking mag kakapatid pero bakit ganyan ang asal n'yo parang hindi na po makatao." ani Dany mula sa likuran ng upuan inilabas ni Dana ang isang folder.
"Ayan ang proof na peneperahan ka lang n'ya." hindi na nagulat si Dany sa sinabi ng ina kaya handa na s'ya sa isasagot n'ya.
"Ako po nag bibigay n'yan, hindi po s'ya nanghihingi sa akin. Mag kaiba po yun." katwiran pa ni Dany.
"Anong pinag kaiba nun kung tinggap n'ya." galit na angil ng ama n'ya.
"Ayaw nga po n'yang tanggapin and beside binabayaran naman po n'ya ako. Tuwing may pera s'ya ibinibigay n'ya sa akin lahat diba ganun naman talaga."
"Are you stupid? mas malaki pa ang ibinibigay mo sa kanya compare sa kakarampot na nabibigay n'ya sa'yo and worst galing pa sa klase ng trabaho n'ya."
"Mawalang galang na lang po, kung iniisip n'yo po na hinuhuthutan ko ang anak n'yo nag kakamali po kayo. Mahal ko po si Dany at habang buhay ko pong patutunayan sa inyo iyon."
"Hindi na kailangan ngayon pa lang na kikita na namin ang uri ng pag mamahal na kaya mong ibigay sa apo namin at 'di talaga namin alam kung paano mo nauto si Daniella. At ikaw Daniella buksa na bukas ipapakasal ka namin kay Gabriel whether you like it or not."
"Kaya ba nandito si Kuya Gab dahil sa plano n'yong yan kahit alam n'yo naman na ngayon ko ipapakilala sa inyo ng personal si Jordan. At ikaw Kuya Gab, nauubusan ka na ba ng babae at ipinipilit mo na ang sarili mo sa babaeng ayaw naman sa'yo." nagulat si Dany ng biglang lumapit si Gab sa kanya. Pakiramdam n'ya aatakihin s'ya sa puso ng inakala n'yang hahalikan s'ya nito dahil hinapit s'ya nito sa bewang. May pag pikit pa s'yang na lalaman kaya pag dilat n'ya para s'yang tangang nakanguso na parang nag-iintay ng halik.
"Ayaw mo nga ba talaga sa akin?" ngising tanong ni Gabriel. Inis naman itinulak ni Dany si Gab.
"Stopper to." turo ni Dany sa nguso na naka usli.
"Hindi ko gustong mag pahalik sa'yo no excuse me. Inihaba ko lang ang nguso ko kasi baka tamaan mo ang ngipin ko nag pa root canal pa naman ako." exagerated na alibi n'ya kahit alam naman n'ya kabaliwan lang ang sinabi n'ya.
"Pre' mabait akong tao pero sa totoo lang may pangil din naman ako pag kailangan." wika naman ni Jordan na hinila s'ya sa kamay at dinala sa kabilang side nito.
"Lahat naman tayo may pangil na kailangan ilabas kapag kailangan kaya wag mong pilitin na palabasin ang sa akin dahil hindi lang pangil ang kaya kong ilabas. May sungay din ako na baka mahirapan kang tapatan."
"Odi ikaw na ang may sungay, Jordan itago mo ang buntot mo baka maingit sabihin may buntot din s'ya."
"Daniella, makipag-usal ka ng maayos." sita naman ng Lolo Gil n'ya.
"Kasi naman lolo, wag n'yo na kasing ipilit ang gusto n'yo. HIndi naman ako na hingi ng permisyo n'yo, ipinaalam ko lang na mag-aasawa na ako."
"Daniella!" galit ng sigaw ng mommy n'ya na ikinagulat ni Daniella na napayuko sabay kagat labi.
"Kung gusto mong mag-asawa, bahala ka! pero oras na ituloy mo yang gusto mo ikaw na ang bahala sa buhay mo dahil ako mismo ang mag tatakwil sa'yo." galit na wika ni Dana sabay tayo at tumalikod na pero mabilis naman nakatakbo si Daniela at hinabol ang ina at niyakap ito mula sa likuran.
"Sorry na wag ka ng magalit My," parang batang wika ni Daniella never pa n'yang nakitang sumigaw ang Mommy n'ya. Oo noong bata sila ng mga kuya n'ya madalas silang mag-away pero never itong sumigaw. Nagagalit ito sa Daddy nila at lagi pa nitong bukang bibig noon. 'yan kasalanan mo kaya matigas ang ulo ng mga batang yan ikaw mag-alaga d'yan.' ngayon lang n'ya ito nakitang direktang nagalit kaya na konsensya talaga s'ya. Kala n'ya kaya n'ya hindi pala masyadong mabait ang parents n'ya sa kanilang mag kakapatid kahit mga pasaway sila pero maayos naman silang napalaki ng mga ito. Alam n'yang stress na ang Mommy n'ya kay Dennis kaya ayaw sana n'yang dumagdag pa pero ito na lang kasi ang naiisip n'yang dahilan para magalit talaga ang mga ito sa kanya at itakwil s'ya.
Ang itakwil s'ya ang original plan at ito na nya umaayon sa plano ang gusto n'ya. Kaso 'di pala n'ya kaya na itakwil s'ya ng mga ito pero 'di rin naman n'ya kayang sabihin sa parents n'ya ang tungkol sa sakit n'ya at soon mas mauuna pa s'yang mamatay sa mga ito. Hindi n'ya gustong iwanan ang pamilya n'ya. Sa kanilang mag kakapatid s'ya talaga ang paboritong anak at apo dahil nga nag-iisa s'yang babae at jolly and sweet. Kaya tiyak n'ya na mahihirapan ang mga ito na tanggapin na soon mawawala s'ya. Lalo na ang Daddy n'ya. She was Daddy girl, isipin pa lang na s'ya ang mag cacause ng kalungkutan ng masaya nilang pamilya nahihirapan na s'ya.
Ayaw rin naman n'yang bigyan ng false hope ang mga ito na gagaling pa s'ya dahil hindi na mang-yayari yun. Mas masakit ang umasa sa wala ng pag-asa. Kaya mas mabuti nan rin na kung malalaman ng mga ito na mamatay na s'ya e yung mismong araw na mamatay na s'ya para isang sakitan at iyakan na lang hindi yung mahabang proseso pa. Kaibigan doctor ni Jordan sa New york ang doctor n'ya. At naka-ilang test na rin naman sila para i check kung tama ba talaga ang findings sa mga lab test n'ya pero sa ilang beses na pag-uulit. Iisa ang result, she's going to die from brain cancer.
Yung pa lang mga pasakit-sakit ng ulo n'ya ng madalas noon pa at symptoms na ng sakit n'ya pero binabalewala lang n'ya. Yung pagkahilo n'ya sign din pala akala n'ya noon dahil nasira lang ang menstrual cycle n'ya kaya madalas ang pag sakit ng ulo n'ya. Ang pang lalagas din pala ng buhok n'ya ay isang sign pa rin. Mga sign na noon pa n'ya na kikita pero binabalewala lang n'ya dahil akala n'ya normal lang pero yung pala meron na s'yang malalang karamdaman at huli na para lunasan. Si Gabriel kahit 'di ito umamin sa kanya ng tunay nitong damdamin hindi naman s'ya manhid alam n'ya na mahal s'ya nito hindi pa lang talaga ito marrying type at na titiyak n'ya isa ito sa labis na masasaktan kapag namatay s'ya at masasaktan din s'ya dahil mahal rin n'ya si Gab. Kaya ngayon habang kaya pa n'yang iiwas ito susubukan n'ya.
"Bitawan mo ako Daniella, matigas ka diba' go mag pakasal ka sa lalaking gusto mo, ubusin mo lahat ng perang pinag hirapan mong kitain. Hayaan mong pagtawanan ka ng mga kakilala mo. Wala na kaming paki-alam choice mo yan kaya panindigan mo at paninindigan ko rin ang desisyon ko."
"Sorry na Mommy, wag ka ng magalit please." galit na binaklas ni Dana ang kamay ng anak na nakayakap sa bewang at galit na galit na humarap at pinag papalo sa puwet si Daniella na parang bata.
"Ano bang ginawa namin sa inyo ng Daddy n'yo para gawin n'yo ito sa amin ha." 'di na naiwasan ni Dana ang mapa-iyak kaya mabilis na lumapit si Dylan at niyakap ang asawa.
"Binigay namin sa inyong mag kakapatid ang gusto n'yo. Naging mabuti kaming magulang pero bakit puro na lang sakit ng ulo binibigay n'yo sa amin kayo ni Dennis."
'Sssshhh! Tama na ako na bahala. Sige na, tara na sa kuwarto muna."
'Yan, kasalanan mo kaya ganyan ang babaeng yan, puro ikaw ang bahala. tingnan mo nga ang klase ng lalaking ihaharap sa atin, tingin mo makakatulog ka ba ng maayos kung ganyang uri ng lalaki ang makakasama ng anak natin habang buhay." turo pa ni Dana kay Jordan na imbis na masaktan alanganin pa itong napangiti at napakamot ng ulo.
"Syempre hindi, kaya ako na ang bahala. Tara na muna dun ka muna sa kuwarto. Ikaw mag intay ka rito." bilin pa ni Dylan sa anak saka tumalikod ang parents n'ya na nag-aaway pa rin habang paakyat ng hagdan.
"Pati magulang mo pinag-aaway mo. Matalino ka naman bata? ano bang nangyayari sayo Daniella." iling ni Dione.
"Pasensya na po kayo lola sana po e supportahan n'yo na lang po ang pag mamahalan namin, alam ko pong mahihirapan akong patunayan sa inyo ang hangarin ko pero umasa po kayo magandang lahi naman ang kaya kong ibigay sa ap____________
"Gabriel." bulalas ni Daniella ng biglang bumalandra ng higa si Jordan sa sahig na sinubukan pang makabangon pero nawalan na ito ng malay. natulala naman ang lola Dione n'ya na tuptop ang bibig na napatingin kay Gabriel.
"Nice blow hijo. Salamat." wika pa ng lolo n'ya.
"Lolo, naman napatay na yata n'ya si Jordan." bulalas ni Dany na nilapitan ang binata at pinakiramdaman kung nahinga pa at nakahinga naman s'ya ng maluwag ng maramdaman na may hangin pang lumalabas sa ilong nito, inis naman tumayo si Daniella at dinampot ang isang throw pillow at pinang hampas kay Gabriel.
"Ano bang problema mo at 'di matahimik ang kaluluwang mo. We been separated for 1 year nakipag relasyon ka na sa ex mo remember tapos ngayon gusto mo mag pakasal ako sa'yo. Anong tingin mo sa akin aso na kumakain ng tira-tira.' anggil ni Daniella at wala ng paki-alam kahit nasa harapan pa sila ng lola n'ya nag aaway.
"Hindi ako naki-pag balikan kay Jayzel. Pinaniwala lang kita na may relasyon kami para mag selos ka at balikan ako."
"Ha! at inisip mo talaga na babalikan kita? Dream on Gabriel, mag hanap ka na lang ng ibang aalukin mo ng apelido mo dahil mas gusto ko ang apelidong Ventura kesa Montenegro."
"At anong akala mo mabibigyan ka ng magandang lahi? f*ck." anggil naman ni Gabriel sabay turo kay Jordan na nakahiga.
"His real name is Gordon Almeda at yung mga kinikita n'ya as a male prostitute ginagamit n'ya para unti-unting iparetoke ang mukha n'ya. He's an ogre! Gusto mo ng proof." ani Gabriel sabay dukot ng cellphone at iniharap sa kanya ang screen after nitong dutdutin. Nakita n'ya roon ang isang lalaki na maraming pimple at maitim parang meron pa itong dalawang bukol sa noo at may kalaparan din ang noo, ang laki ng ilong at maitim ang labi pero infairness maganda naman ang ngipit pero kung susumahan ang sama pa rin lalaki ng lalaki sa picture.
"Iyan s'ya bago s'ya maging ganyan Jordan Ventura. Ngayon tingin mo kaya ka n'yang bigyan ng magandang lahi."
"Paano ka nakakasigurado na yan si Jordan malay ko ba kung niloloko mo lang ako. Dahil gusto mong hindi atuloy ang kasal ko."
"Totoong Gordon Almeda ang pangalan ng lalaking yan nakita ko na rin lahat ng files n'ya." wika naman ng ama na papalapit na.
"Kung magandang lahi lang ang gusto mo, Gab will surely give you a____-
"Buog ako Dad, walang batang mabubuo sa matres ko." mabilis na wika ni Dany na muling lumuhod para gisingin naman si Jordan. Medyo nagulat s'ya sa sa natuklasan ng mga ito, hindi n'ya ang tungko doon. Ibang klase talaga ang mga karakas ng ama at ni Gab. Gagawin talaga ng mga ito ang lahat mapigilan lang ang balak n'ya.
"Tumigil ka na maawa ka naman sa Mommy mo." wika ng ama.
"Dad."
"I said enough. Hindi ka namin pakiki-alaman sa maraming bagay pero ang pag pili mo sa lalaking yan ay ibang usapan. Ngayon kung gusto mong mag-asawa na talaga. Hindi ka namin pipilitin kung ayaw mo talaga kay Gab pero hindi kami papayag na papatol ka sa lalakingn yan. Humanap ka ng matinong lalaki na magugustuhan mo."
"Ayoko sa matinong lalaki Dad, iyan ngang kapreng yan ang tino-tino pero may ibang babaeng ipinaparada. Dito na ako sa lalaking mukhang pera at least habang may pera ka hindi n'ya ako iiwan. May logic diba." napasapo naman si Dione ng mukha sabay iling.
"Ipa- psychiatrist mo na yan anak mo Dylan." wika naman ng lolo n'ya.
"Espiratista ang kailangan n'yan pa." iling naman ni Dylan.
"Payagan n'yo po akong mag tanggal ng masamang espirito na naninirahan sa utak ni Daniella, I promise I'll bring her back." wika naman ni Gabriel.
"Hahaha! Wag ako Kuya Gab. yang maga titig mo sa akin halatang may malisya."
"Ikaw na bahala Gab kung ano sa tingin mo ang magandang gawin sa dalawang yan." wika naman ng papa n'ya. Lumapit naman si Gab sa tabi ni Jordan saka walang kahirap-hirap na pinasan ito na parang sako ng bigas.
"Teka lang saan mo dadalhin si Jordan."
"Sa lugar na nababagay s'ya." sagot ni Gab napabilis naman ng sunod si Dany kay Gabriel na pasan-pasan si Jordan.