At kung hindi man dumating sa 'kin ang panahon
Na ako ay mahalin mo rin
Asahan mong 'di ako magdaramdam kahit ako ay nasasaktan
Huwag mo lang ipagkait na ikaw ay aking mahalin.
"Grabe! Dany girl, kasalan ang pinuntahan natin pero bakit parang pang burol yung emosyon mo kanina ang sakit." panay ang punas ni Ara ng tissue na paulit-ulit na pinapanood ang video habang kumakanta s'ya na lumalakad ang bride papunta sa altar. Isang high school friend nila ang ikakasal at na imbitahan sila sa kasal at biglaan lang ang pag hila kay Dany para maging wedding singer. At buwisit lang talaga ang tadhana na pinsan buo naman pala ni Jayzel ang groom kaya ang ending nadun nanaman si Gabriel na kasama ni Jayzel.
Kaya yung dapat na magandang kanta pakiramdam n'ya pang lamay talaga yung emosyon n'ya pero sa sobrang ganda ng boses n'ya ang daming na dala sa kanta at napa-iyak pa unang-una na ang mga senior citizen na napa-luha na din pero na tatawa. Na nunoot daw kasi sa puso yung kanta n'ya makabagbag damdamin. Kinabahan tuloy s'ya ng makitang nag-iiyakan na ang bisita ng kasal buti na lang walang sumigaw na itigil ang kasal kung nag kataon mag papalibing talaga s'ya ng buhay.
"Tama na kakaiyak baka mapa-anak ka na Ara." saway ng asawa na pinapahiran na rin ito ng luha.
"Ang OA naman nito tigilan mo na kasi paano rin, luka nito." ani Dany na kinuha ang cellphone ng kaibigan para burahin yung video.
"Girl, 'di mo naman kailangan masaktan, sure ako na mahal ka rin ni Kuya."
"May mahal bang ganyan na may ibang babaeng kasama. Tingnan mo nga." ani Devin na ininguso si Gab na nasa grupo ng pamilya ng groom na parang artista na pinag kakaguluhan ng angkan ni Jayzel.
"lalaki ka rin Kuya Dev, feeling mo talaga wala future sa amin ni Kuya Gab?"
"Tinatanong mo ako pero Kuya ang tawag mo kay Kuya Gab?"
"Hindi ko naman s'ya jowa saka mas matanda s'ya sayo kaya dapat lang na kuya." katwiran pa ni Dany.
"Ikakasal ka na diba dun sa lalaking kausap mo over the phone. So bakit nag tatanong ka pa ng ganyan."
"Wala lang masama bang mag tanong?"
"Masama kung may motibo ka?"
"Bakit parang ayaw mo sa kuya ko para kay Dany?" nakasimangot na tanong ni Ara sa asawa na biglang ngumiti.
"Hindi naman sa ganun hon, nakakainis lang kasi si Dany yung gulo ng buhay n'ya parang chemistry ang hirap intindihin."
"Engineer si Kuya kaya mag kakaintindhan sila." giit naman ni Ara.
"Buntis papalapit ang kuya mo. Wala ba akong tartar sa ngipin."
"Bastos mo." sita ni Devin na binato pa s'ya ng tissue ng ilabas n'ya lahat ng ngipin n'ya sa harapan ng kaibigan.
"Talas ng mata mo meron ka bang 3rd eye. Wala puwede ka ng ngumiti ng bongga. Ay! may key chain sorry." buska naman n Ara ng makitang kasama ng kuya n'ya si Jayzel na halatang sumunod lang. Ano kaya talaga ang relasyon ng dalawang ito bakit laging kasama nito ang babaeng yun e tinatanong naman ito ng papa nila kung may bago ba itong girlfriend. Sagot ng kuya n'ya wala pa daw yung babaeng ihaharap nito sa altar soon. Feeling n'ya si Dany ang tinutuloy nito pero ayaw lang n'ya agad mag assume at sabihin sa kaibigan baka umasa ito maisumpa pa s'ya.
Sabay-sabay pa silang napalingon sa dalawag bagong dating ng si Jayzel pa ang nag hila ng upuan para kay Gab saka pa lang ito na-upo.
"Wow! ang gentleman mo kuya, hindi na ako nagulat." biro ni Dany kay Gabriel na hindi nag comment na tiningnan lang s'ya ng masama. Muli silang napatingin sabay-sabay sa unahan ng marinig na tinatawag si Dany para sa isang special request. Pinakakanta ulit s'ya. yung daw makabagbag damdamin daw. Sobra daw kasing ganda ng kanta n'ya kanina nakakawala daw ng stress ang boses n'ya. Napilitan naman s'yang tumayo para paunlakan ang special request ng ina ng bride. Na pinapili n'ya ng kanya na gusto nitong kantahin n'ya habang mag sasayaw daw ang bagong kasal. Nang makapili ng kanta ang matanda agad na s'yang pumuwesto sa live band na kinuha para sa reception ng kasal. Sinab ng ina ng bride ang kakantahin n'ya, tumikhim muna s'ya sandali. Ayaw sana n'yang lingunin si Gab pero 'di n'ya napigilan nakita n'ya itong nakatingin sa kanya na walang ka kurap-kurap.
Namulat ako at ngayo'y nag-iisa
Pagkatapos ng ulan
Bagama't nakalipas na ang mga sandali
Ay nagmumuni kung ako'y nagwagi
Pinipilit mang sabihin na ito'y wala sa akin
Nguni't bakit hanggang ngayon, nagdurugo pa rin?
Napangiti si Dany ng mapatingin sa mga audience na akala mo naman ay na nonood ng concert sa kanya nakatingin ang lahat ang iba ay nag vivideo pa. Samantalang ang bride at groom naman ay nag bubulungan habang patingin-tingin sa kanya. Feel na feel n'yang kumanta ngayon punong-puno ng emosyon ang dibdib n'ya na kay sarap ilabas lalo't na roon ang taong nag bibigay sa kanya ng maraming emosyon. Sana maramdaman rin nito tulad ng mga senior citizen sa paligid dahil malapit na rin naman itong mag senior kapag 'di pa ito nag plano na mag-asawa. Gabriel is already 37 years old pero parang wala pang kabalak-balak mag-asawa.
Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin
Sa kanya pa rin sasaya, bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Ang pagmamahal at panahon, alay pa rin sa kanya
At dahil nakita n'ya si Gabriel na talagang titig na titig sa kanya, napangiti s'yang kumindat sabay turo sa rito. Napatarak naman bigla ang mata nito sabay iling. Akala mo naman ay hindi maharot kapag silang dalawa lang napaka showbiz kung wala lang ang Kuya Gab n'ya. Lantarang s'yang makikipag-flirt dito ipapatikim n'ya ang bagsik kung paano s'yang mang basted para naman makaranas itong masawi. Masyado naman na itong sinusuwerte sa mga kabaro n'ya na after tikman at mag sawa na ito goodbye na lang. S'ya ang gaganti para sa mga babaeng sawi sa pag-ibig dahil kay Gabriel dahil isa rin naman s'ya sa mga babaeng sawi na umasa sa forever dahil akala talaga n'ya may something sa kanila ni Gab.
At sa hating-gabi ay nag-iisa na lang
Ay minamasdan ang larawan mo
At ngayo'y bumalik nang s'ya'y kapiling pa
Alaala ng buong magdamag
Kung sakali mang isipin na ito'y wala sa akin
Sana'y dinggin ang tinig kong nag-iisa pa rin
Gusto mainis ni Dany ng makitang tumayo si Gab dahil meron itong sinagot na phonecall. Paano ba naman s'ya matutuwa sa nilalang na to lagi itong ganito. Minsan na nga lang sila mag kasama noon dahil nga naka secret ang relasyon nila tapos kapag magkasama sila puro ito phonecall from work kala mo naman ay nag hihirap ito sa sobrang workaholic. Hindi lang ito makasagot ng tawag kapag nasa kaba na sila at nag mamake-love kahit at may sumigaw na sunog hindi mapapatigil si Gab pero kapag oridnary days lang kahit nakain sila bigla itong aalis at iiwan s'ya para sagutin ang tawag.
Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin
Sa kanya pa rin sasaya, bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Ang pagmamahal at panahon, alay pa rin sa kanya
"Kuya Gabriel." sigaw n'ya sa mic ng matapos s'yang kumanta at malapit na si Gab sa may labasan ng ginawang reception ng lumingon ito habang kay Gab naman nakatingin ang lahat na para bang inintay ang magiging reaction nito na nagpalingon-lingon sa paligid saka sumimangot sa kanya pero ngumiti naman s'ya. Ito ang ayaw na ayaw ni Gab yung umaagaw ng atensyon ng lahat and worst-case scenario nag cocollapse ito. Isang secreto na s'ya lang ang nakaka-alam kahit pamilya nito hindi alam ang tungkol sa bagay na iyon.
"Puwede bang sa akin ka na lang ulit." anusyo pa n'ya sa Mic. Pagtingin n'ya sa Kuya Dev na pinang didilatan s'ya ng mata. And the next thing happened nakarinig na sila ng sigaw pag tingin nila sa gawi ni Gab nawalan na nga ito ng malay. Imbis na mag worry napangiti si Dany dahil simple faint lang naman ang nangyari after mga 5 minutes mag kakamalay na ulit ito.
-
-
-
-
-
-
--
-
"Tigilan mo na kasi ang sobrang pag tatrabaho baka over fatigue na yan." sita ni Ara ng sakay na sila ng sasakyan ng mga ito at nasa daan na sila patungong hospital ng magkamalay bigla si Gabriel at napabalikwas ng bangon ng makita s'ya na ngumisi habang naka-unan ito sa hita n'ya.
"Stop the car asan ang kotse ko?" tanong pa ni Gab na pasimple s'yang kinurot sa hita.
"Si Jayzel na ang mag-uuwi. Hindi puwede we already call our parents at papunta na rin sila sa hospital to check on you kung bakit ka biglang nag collapse."
"I'm okay. Uuwi na lang ako."
"Masyado lang kinilig si Kuya Gab kaya nag collapse s'ya." Sabat naman ni Dany na sabay pang napagalitan s'ya ng Kuya Dev nya at si Gabriel mismo.
'Ang OA naman ng mga ito joke lang naman yun. Kayo talagang mga senior citizen mga KJ." ani Dany ng mapatingin sa cellphone na hawak n'ya ng marinig na nag riring ang phone n'ya. Napangiti s'ya ng makita ang pangalan ni Jordan, tamang-tama ang tawag nito katabi n'ya si Gabriel.
"Hello! Babe." masayang bungad n'ya pare-parehong napalingon sa kanya ang tatlo.
"Pauwi pa lang pera? sige magkano kailangan mo? 58k para sa isang sapatos grabe naman sapatos yan...Okay dahil mahal kita transfer ko na sa'yo now na. Nag send din ako sa'yo kahapon ng 100k nga pala naka bili ka na ba ng plane ticket mo papunta dito. Okay very good. Babye babe." ngisi n'ya sabay pindot ng end buttom.
"Tang* ka!" anggil pang sabay ng Kuya Dev at Gabriel na akala mo e iisa ang pusod.
"Tissue please, Ara." natatawa naman inabot ni Ara ang tissue sa kaibigan.
"Mag-aamoy laway ako sa-inyo dalawa may god! Makasigaw kayo parang nasa impiyerno kausap n'yo."
"Isusumbong talaga kita kay Daddy. Ano ka sugar mommy? Nagpapakatang* ka sa lalaki? !100k para sa plane ticket at 58k para sa sapatos? bukas ano naman ibibigay mo?" galit na anggil ni Devin sa kapatid habang nakatingin sa rearview.
"Puri----este pera pa rin ano ba?" inis naman inabot ni Devin ang tissue box at binato sa kapatid na nasalo naman ni Gab bago pa tumama sa mukha n'ya.
"OH! my hero----Aw! naman." daing ni Dany na sapo ang noo ng ihampas sa kanya ni Gab ang box ng tissue sa noo.
"Ayan na laglag simutin mo." wika naman ni Gab sabay pa sila ni Ara na napatingin sa flooring ng kotse para tingnan kung ano nalaglag na pinasisimot ni Gab.
"Alin ang sisimutin?" tanong pa ni Dany.
"Yung utak mo." sagot naman ni Gab.
"Wow nag joke si Kuya Gab. Palakpakan tayo, Ara! Palakpak ka girl malapit ng maging normal ang kuya mo." biro ni Dany saglit naman pumalakpak si Ara pero agad din tumigil dahil pinangdilatan na ito ng kuya n'ya.
"Konti na lang kokota ka sa akin babae ka." wika pa ni Devin.
"Alam n'yo ang KkJ n'yo. Maiksi lang ang buhay kaya mag pakasaya tayo."
"Nag papauto ka sa lalaking yan! Tapos gusto mo pang ipakilala kila Mommy, baliw ka na ba talaga?"
"Gamitin mo naman ang utak mo, hindi biro ang pag papakasal. Lahat kailangan mong iconsidered, hindi ora-orada lang dahil gusto mo ng mag-asawa. Ni hindi ka pa nga mukhang ready na maging asawa at maging ina sa kilos at attitude mo tapos gusto mo mag pakasal agad."
"May cancer ako." anusyo ni Dany na ikinatameme ng lahat na para bang iniintay s'yang sumigaw joke lang po pero di' n'ya ginawa.
"Ano? Ganyan lang ba ang reaction n'yo. Any objection or violent reaction?"
"Hindi magandang biro Daniella." wika ni Devin. Tumawa naman si Dany sabay buntong hininga.
"Sorry na! Joke lang ang seseryoso n'yo kasi." ani Dany sabay lingon kay Gab na matagal na nakatingin sa kanya saka lumingon sa labas ng bintana ng kotse na parang biglang nag-isip ng malalim.
'Nasa hospital na sila Mam____ aahhhhh!" nabitawan bigla ni Ara ang cellphone na hawak at nasapo ang tiyan.
"What's wrong hon?" nag-alala naman tanong ni Devin na napahawak sa tiyan ng asawa.
"My water just broken...Oh! my God.... ahhhhhh! Ang sakit letse! aray.. aray ... saglit aray... ayoko nito.. ang sakit!" malakas na napatili na lang din si Dany ng biglang paliparin ng kuya n'ya ang kotse kung 'di lang s'ya na agapan ni Gabriel baka humampas din ang mukha n'ya sa likuran ng upuan ng passenger seat.
"Kuya, dahan-dahan naman ayoko pang mamatay ng maaga. Hayaan mo muna akong maging masaya kahit saglit lang." sigaw pa ni Dany na talaga naman aatakihin ka sa puso sa bilis ng patakbo ng kuya nya. Akala ata nito ito si Lightningvolt at motor ang dala.