chapter 9

1327 Words
AILA Magulo mabaho at maingay,ganito pala ang buhay dito. Isang taon na ako sa Maynila.Sa gabi nag tatrabaho ako,sa araw naman nag aaral. Sabado at linggo ang klase ko,kaya nakapag ipon kahit papaano. Hindi nasayang ang pagpunta ko dito,nakatulong ako kay Mama lalo na sa pag aaral ng mga kapatid ko. Isa akong Waitress sa isang sikat na restaurant. Maayos ang pamamalakad maayos rin ang sahud. Kahit nakakapagud titiisin para sa pangarap ang mahalaga may trabaho at kumikita. Pangarap ko talaga maging isang Cheff,kaya nag aral ako ng Hotel Restaurant Manegment. Marami na din akong kaibigan,pero pinipili ko lang. Kahit papano nakalimutan ko ang mga nangyayari sa buhay ko. Malayo man ako sa pamilya ko nakaka usap ko naman sila araw-araw. "Aila sabay na tayo." Sunshine wala ka bang sundo ngayon? Wala busy daw.Si Sunshine ang matalik kong kaibigan. Siya ang tumulong sa akin para makapasok dito sa Hotel. Kasama ko rin siya sa dorm kung saan kami nangu-ngungupahan. Masaya kasama si Sunshine game siya sa lahat ng bagay. Palagi niyang sinasabi na may boyfriend siya,pero hindi ko pa nakikita. Pauwi na kami,nag a-abang ng masasakyan. Working student rin siya katulad ko,pero kung kumilos parang mayaman. Habang busy si Sunshine sa pag ce-cellphone busy din ang utak ko sa pag iisip. Hindi kasi ako nakapag review,bukas may exam kami. "Girl"!Mukhang malalim ang iniisip mo? " Ahh.."Wala ito. Ay naku,Girl alam ko na yan.Iniisip mo na naman ang crush mo. Ikaw talaga puro crush ang nasa isip mo. "Aila,kailan tayo gagala?" Kapag may bakante na tayong oras.Busy ako alam mo yan. Narinig ko ang buntong hininga ng kaibigan ko. Kaya wala kang manliligaw dahil puro trabaho ang nasa isip mo. "Ano naman ngayon kung wala akong manliligaw?"Nakataas kilay kong saad. Tumatanda na tayo sayang naman ang beauty natin. Sa sobrang daldal ni Sunshine hindi ko namalayan nakapasok na kami sa aming inu-upahang bahay. Magpalmig ka muna sabay abot ko ng tubig,kung ano-ano na ang pumapasok d'yan sa isip mo. Iniwan ko na siya sa sala dumiristo ako sa aking silid. May pasok pa tayo bukas,matulog ka na. Sa sobrang pagud hindi ko namalayan nakatulog ako. Napabalikwas ako ng bangon dahil sa tunog nang aking alarm clock. Bumangon na ako,maaga pa kaming papasok ngayon. Habang nag hihintay nang oras nag basa muna ako nang notes. Mamaya ko na gisingin si Sunshine,kapag luto na ang kanina. Narinig ko ang pagbukas nang pinto,akala ko mag papagising ka pa?Mabuti naman medyo maaga ka ngayon. Maupo ka na at kakain na tayo,parang masama ang panahon ngayon. "Good morning girl!"Ang blooming mo. Nakangiti ko siyang pinag mamasdan ikaw ang aga aga kalokohan na naman ang nasa isip mo. Pagkatapos namin mag almusal nag bihis na ako,nakabihis na rin si Sunshine. Nag mamadali na kaming bumaba at tinungo ang sakayan nang tricyle. "Good morning sa dalawang magagandang dilag". Naka abang na naman si Gaven."Good morning Gavin!"Tipid kong sagot. Sumakay na kami sa tricycle niya siya ang nasa unahang pila kaya naka alis kami agad. Ilang minuto nakarating kami ni sunshine. Katulad nang dati ayaw tanggapin ni Gavin ang bayad namin. Nag pasalamat na lang ako at pumasok na. Sunshine mag ingat kayo,ako pa rin ang magsusundo sa inyo mamaya. Thank you babe saad naman ni Shine. Nang dumating na kami sa classroom,wala pa ang aming Professor nilabas ko ang notes ko at nag basa. "Ang sipag mo ngayon."Sana katulad mo rin ako masipag mag aral. Hindi ako umimik kay Shine,alam ko nang a-asar ito,biglang natahimik ang lahat dumating na ang aming Professor. Class nag hahanap ang Group Band na magaling kumanta. Isa sa estudyante ko ang napili nang Grupo kaya be ready at bawal tumanggi,nakasalalay dito ang grado ninyo. Nakikinig ako at nakatingin kay Professor,Second Year College na ako. Marami na rin ang nakakakilala sa akin dito sa school. Ms. Reyes ikaw ang napili nang Band Group so be ready. Hindi na ako nakapagsalita,tinapos na ni Sir ang aming pag u-usap. Tapos na ang klase natin,Ms Reyes sumunod ka sakin. Tumayo na ako at sinundan si Sir.Shine hintayin mo ako sa canteen. Nang makarating kami sa isang room,nakita ko ang ibang mga estudyante. Umupo ako sa bakanteng upuan,may mga lalaking naka upo sa stage. "Ms. Reyes please fill up this." Pagkatapos mo tawagan mo ako. "Okay Sir," Binasa ko muna ang papel bago ako nag fill up. Ilang minuto lang natpos ko na rin. Tatawagan ko sana si Sir,pag angat ko nang tingin ako na lang pala ang hinihintay nila. Lahat sila nakatingin sa akin,tumayo ako at inabot kay Sir ang papel,Sorry Sir natagalan po. "It's okay Ms. Reyes."Ms,Reyes kapag napili ka tatawagan ka nila. Huwag ka mahiya alam kung kaya mo ito. "Salamat Sir!" P'widi ka ng umuwi bukas may exam tayo. Tinanaw ko na lang ang likod ni Sir at umiling. Salamat maka pag study pa ako nang mabuti. Naglakad na ako papunta sa Canteen kung saan naghihintay si Sunshine. Hindi pa ako nakapasok sinalubong niya ako. "Girl ano?"kumusta natanggap ka ba? Ito naman hindi pa nagsisimula tanggap agad,hindi pa. Mag k'wento ka,makikinig ako. Sa bahay na,kain muna tayo dahil gutom na ako. Sana laging ganito walang pasok,para makapag bonding tayo. Asos,ayan ka na naman,ang sabihin mo ayaw mong mag aral sabay tawa naming dalawa. "So,"saan tayo ngayon? U-uwi na! Ano?Girl maaga pa mamasyal muna tayo kahit sandali lang. Shine gusto kong mag pahinga. Hay ang hirap sayo matakaw ka sa tulog. Umiling ako sabay tayo,naglalakad kami palabas pagod talaga ako. Nagulat pa kami sa biglang pag hinto nang magarang kotse sa harapan namin. Hindi namin pinansin nagpatuloy kami sa pag lalakad sumunod naman ang kotse sa likod namin. Shine baka kilala mo ang kotseng sumusunod sa atin. "Hindi ah?"Ako na naman ang pagbibintangan mo hindi ko kilala yan. Tumabi kami at binigyan siya ng daan,tumigil naman siya ulit. Binaba niya ang salamin nang kotse niya,hindi namin nakilala dahil naka sout ito nang rayban. Lumaki ang butas nang ilong namin ni Shine dahil si Gavin pala ang sakay nang magarang kotse. "Gavin babe?"Ikaw ba yan?. Nakangiti niya kaming tinignan.Napaka misteryoso nang taong ito,kaninang umaga tricycle ang sasakyan ngayon naman kotse. Sino ba talaga siya?"Kahit kilala namin si Gavin hindi ko inalam ang background niya. Aila,Sunshine sumakay na kayo,ihahatid ko na kayo. Hindi na nag patumpik tumpik si Sunshine sumakay na ang lukaret. Hoy,"Nakakahiya ka".Saaan ka pupunta?. Sasakay tayo,kung ayaw mo bahala ka d'yan. Akmang niya isasarado ang pinto nang pigilin ko ito. Sumakay na ako dahil nakakabingi ang busina nang sasakyan sa likod. Nagulat ako dahil puno nang mga plastic bags ang upuan. Girl sa harap ka na uupo wala nang bakante dito. Napabuntong hininga ako wala akong choice. "Aila seatbelt please."Uuwi na ba kayo? Oo.Girl p'widi mamasyal muna tayo saglit may sasakyan naman si babe Gavin. Sige na girl nakaka boring sa bahay. Aila okay lang ba sayo? Pero sandali lang tayo,inaantok na kasi ako,tinaasan ko nang kilay si Shine. Don't worry uuwi tayo agad. Tipid na saad ni Gavin.Tumili pa si Shine,dahil natupad ang gusto niya. Binabagtas na namin ang kahabaan nang daan,nakamasid ako kay Gavin. Abala ito sa pag da-drive,ngayon ko lang napansin napaka g'wapo pala niya. Maayos ang suot niya ngayon,sa tingin ko branded ang suot niya. Nakasout rin siya nang relo na silver,kumunot naman ang noo niya,nang makita niyang nakatitig ako sa kanya. Wala akong date may racket lang ako kagabi kaya nakabihis ako nang ganito. Napatawa naman si Shine sa likod namin. Unang tingin ko kay Gavin dati,basag guliro, badboy look kasi siyang tingnan. Ang isang kamay nito puno nang tatoo,may hikaw pa ang kabilang tainga niya. Hindi ko alam na mabait pala siya, nakakapagtaka lang,feeling ko mayaman siya. Pero,bakit siya nag ta-tricycle driver?Wala namang masama sa pagiging driver,ang sa akin lang bakit kailangan pa niyang itago ang tunay niyang pagkatao. Feeling ko nag papangap si Gavin,napapaisip tuloy ako kung sasagutin ko ba siya o hindi. "Hay!"Bakit ko pa siya iisipin.Matagal ko nang manliligaw si Gavin. Pero hindi ko pa sinasagot,gusto ko pa siyang makilala nang lubos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD