Aila
Ang bilis ng araw three weeks ng nakalibing si Ate.
Hindi parin ako sanay,hinahanap ko pa rin ang presensya niya.
Minsan napapanaginipan ko siya,kaya kahit sa gitna ng gabi tahimik akong umiiyak.
Mahirap tanggapin,pero kailangan para matahimik na rin ang kaluluwa ni Ate.
Nandito pa si Kuya Aarush,hindi pa siya bumalik ng Maynila.
Hihintayin raw niya ang (30)days ni Ate, si Aaron nauna na dahil may a-asekasohin raw sa kompanya.
Tahimik palagi si Kuya Aarush,hindi na siya katulad dati.
Dati masayahin siya,ngayon parang pasan na niya ang mundo.
Laging salubong ang kilay,mainit ang ulo at hindi mo makausap.
Inintidi namin siya dahil sabi ni Mama baka hindi pa niya matanggap ang pagkawala ni Ate.
Hindi ko rin siya tinanong,isa pa ramdam ko na iniiwasan niya ako.
Gusto ko sana siyang kumustahin,pero mas pinili ko na lang manahimik.
Kung ang akala niya masaya ako sa pag kawala ni Ate,nagkakamali siya.
Hindi niya alam ang nararamdaman ko bilang kapatid.
FLASHBACK
Naalimpungatan ako,may nagbabangayan sa labas.
Bumangon ako at sinilip kung sino,parang kasing may nagtatalo. Hinawe ko ang kurtina sa sala,nakita ko si Kuya Aarush at Aaron nag tatalo nga.
Lumapit pa ako upang marinig ko ang pinag -usapan nila.
"Alas tres pa ng madaling araw."Bakit gising pa sila?At nag-aaway ang magkapatid.
Hindi porket kapatid siya ni Amaya pagbibigyan ko si Aila.
Wala akong pakialam sa kanya,kung gusto mo Aaron ikaw ang tutulong sa kanya.
Ayokong mapalapit sa batang iyan.
Wala akong tiwala kay Aila,siya ang dahilan kong bakit namatay ang Ate niya.
Kung hindi niya tinago sa akin ang lahat,buhay pa sana ngayon si Amaya.
Makasarili siya,hindi ko siya mapapatawad.
I hate her,i hate that young lady.!
Kusang tumulo ang mga luha ko,hindi ko akalain na ako pala ang sinisi ni Kuya Aarush.
Naintindihan ko na kung bakit ayaw niya akong kausapin.
Ano bang tulong ang sinabi nila?"Ano sinabi ni Ate kay Kuya na hindi ko alam."
Natigilan ako sa paghikbi,dahil sa lakas ng boses ni Aaron.
Sa tingin mo ba Kuya,masaya si Ate sa ginagawa mo?
Sa tingin mo ba tama na si Aila ang sisihin mo sa lahat.
Kuya wake up walang may gusto sa nangyari kay Ate Amaya.
Kaya kung ano man ang galit mo sa sarili mo,huwag mong idamay si Aila.
Maawa ka sa kanya,hindi na bata si Aila,para pagsalitaan mo ng masasakit.
Alam na niya ang tama at mali kaya huwag mong sabihin na bata siya.
END OF FLASHBACK
Natapos na rin ang (30) days ni Ate.
Bumalik na si Kuya sa Maynila,umalis siya ng hindi man lang ako kinausap.
Narinig ko pang nag paalam siya sa pamilya ko.
Nangako rin siya kay Mama na tutulongna niya ang mga kapatid ko.
Napamahal na rin si Kuya Aarush sa amin,kaya sobrang naiyak ang mga kapatid ko sa pag alis niya.
Bumalik na rin ako sa pag-aaral gusto kung makapagtapos.
Hinabol ko ang mga subject na hindi ko napasukan dati.
Ngayong wala na si Ate kailangan kong kumayod.
Marami akong plano sa buhay,e a-ahon ko ang pamilya ko sa kahirapan.
Pangarap namin ni Ate,maka pag abroad,para kahit papano makapagpatayo kami ng magandang bahay.
Next year graduate na ako ng high school,kailangan kung kumita habang nag aaral.
Hindi ko naman hinangad na yayaman kami,gusto ko lang hindi magutom ang pamilya ko.
Sa isang taong lumipas,baon kami sa utang.
Hindi ako pumayag na hihingi ng tulong si Mama kay kuya Aarush.
Wala na si Ate,wala na siyang obligasyon sa amin.
Sino ba kami para idagdag pa niya sa gastusin niya?
Kontento na kami kung anong mayroon,sanay kami sa hirap.
Walang araw na hindi ako mangulila kay Ate Amaya.
Simula pag kabata si Ate na ang kasama ko,hindi lang kapatid ang tingin namin sa isa't isa.
Siya ang kaibigan,at kakampi ko sa lahat ng bagay.
Siya lang ang nakakaitindi sa akin,kapag tupakin ako.
Nakatatak sa isip ko ang mga payo niya,huwag mag tanim ng sama ng loob sa kapwa.
Huwag mag paapi,mahalin ang sarili,at higit sa lahat huwag kalimutan ang Panginoon.
Sa kabila ng paghihirap namin hindi sumagi sa isip ko ang tumigil sa pag- aaral.
Sa katunayan nagpursige ako para makapagtapos.
Ito kasi ang maipag mamalaki ko sa lahat,kapag nakapagtapos ako.
Kinausap ko sila Mama at Papa,pagkatapos ko ng High School luluwas ako ng Maynila.
Doon ko ipagpapatuloy ang pag-aaral,gusto ko kasing mag Working Student.
Malay mo papalarin ako,sa una hindi pumayag si Mama,kalaunan naging bukal sa loob niya ang paglayo ko.
Apat na buwan na lang ga-graduate na ako,exited ako sa araw na iyon,dahil sa wakas matatapos na ang paghihirap nila Mama.
Noong nag isang taon si Ate umuwi si Kuya Aarush,lagi naman siyang welcome sa bahay.
Kahit wala na si Ate,hindi parin nag bago ang pakikitungo ng pamilya ko sa kanya.
Mas lalo tuloy napalapit ang mga kapatid ko kay Kuya Aarush.
Dumating ang araw ng graduation ko,sobrang saya ko.
Sa wakas matatapos na ako,matupad na ang lahat ng pangarap namin ni Ate.
Si papa ang umakyat sa stage para sabitan ako ng medalya syempre may award ako,kaya sobrang natuwa ang mga magulang ko.
Hapon na kami naka uwi,masayang inimbita ni Papa ang mga kapit bahay.
May kunting salo-salo sa bahay,masaya kaming nag celebrate kahit may kulang.
Habang abala ang lahat dumiritso ako sa puntod ni Ate,hindi na ako nag abalang mag bihis.
Dala-dala ko ang Medalya at Certificate. Pagdating sa puntod niya,umupo ako.
Kinakausap ko si Ate,sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari ngayon araw.
Pinahid ko ang aking pisng,hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko.
Pakiramdam ko kasi parang kahapon lang siya nawala.
Ate nandito ako para mag palaam sayo, gusto ko mag-aral sa Maynila. Papayagan mo naman ako 'di ba?
Huwag ka mag alala kaya ko na ang sarili ko.
At palagi kong tatandan ang mga bilin mo,pangko hindi ako mag bo-boyfriend.
Kung sakali man maka boyfriend ako,ikaw ang unang makaka-alam.
Tumagal ako ng isang oras sa puntod ni Ate,naglinis muna ako at naglagay ng bulaklak.
Nagulat ako may nakapatong,na rosas kulay puti.
Mukhang bago palang ito.Nag palinga- linga ako sa paligid wala namang tao.
Sino kaya ang nagpunta dito wala naman sinabi si Mama na may bisita si Ate.
Nakapagtataka,inamoy ko bago nilapag,nilagay ko narin ang bulaklak ko.
Alam mo ba wala na akong crush ngayon?
Binura ko na siya sa isip at puso ko. Tama ka,bata pa ako marami pa akong makikita.
Nagpaalam na ako para umuwi,naglalakad na ako pauwi.
Pakiramdam ko may nakatingin sa akin,binilisan ko na ang lakad,hindi ko na pinanasin ang pumasok sa isip ko.
Imposible kong nandito si Kuya Aarush.
Hindi iyon magsasayang ng oras para sa Graduation ko.
Pagdating ko sa bahay nagulat ako,nandito ang kotse ni Kuya Aarush?
Ma?
"Oh?"Saan ka ba galing? Kanina ka pa hinahanap ng bisita mo?
Bisita?
Sino?
Magbihis ka muna para ma asekaso mo sila.
Ha?
Hindi ko na kinulit si Mama,umakyat na ako at nagbihis.
Bumaba ulit ako,dumiritso ako sa sala.
"Surprised." Sabay-sabay na sumigaw ang mga kapatid ko.
Nagulat ako sa kanila,kaya pala walang sumalubong sa akin.
Dahil nandito sila lahat sa sala.
Ano ba iyan nakakagulat naman kayo,
nakangiti kong saad.
Eliza ano ito?
"Saan galing ang mga ito?"Inabot ko ang mga regalong nakapatong sa mesa.
Napatingala ako sa itaas ng mesa.
CONGRATULATIONS ATE AILA
HAPPY GRADUATION DAY
WE LOVE YOU.
Congratulations Aila.Baritong boses mula sa aking likuran.
Aaron?
Nakangiti siyang lumapit sa akin.
"Sinong kasama mo?"Niyakap niya ako ng mahigpit sabay abot ng bulaklak.
Masaya kami sa pagtatapos mo.
Hindi mo pa sinagot ang tanong ko.
Natawa siya,dahil nakasimangot na ako.
Si Kuya Aarush,pero umalis narin siya.
Napabuntong hininga ako,ayaw ba niya akong makita?
Salamat Aaron nag abala ka pa,hindi na ako nag usisa kong bakit umalis agad si Kuya Aarush.
Lumapit ang mga kapatid ko.
Mag picture muna tayo Ate.
Si Aaron na ang kumuha ng litrato sa amin.
Smile!
Maraming pagkain,dala ni Aaron,napuno ng regalo ang mesa.
Iniwan ko muna saglit si Aaron sa sala.
Ma,ano gagawin ko.?
Tapos na ako anak,atupagin mo muna si Aaron.
Umalis na ang Kuya Aarush mo,may emergency meeting raw kaya hindi na siya nakisabay sa celebration.
Tumango lang ako bilang sagot,hindi man lang ako naka pagpasalamat sa kanya.
Bumalik ulit ako sa sala,nadatnan kong naka upo si Aaron.
Congratulation ulit,pasensya ka na kung umalis agad si Kuya ikaw na ang umintindi sa kanya.
Ano ka ba?
Wala iyon ang importante nandito ka,siya nga pala kumusta na siya?.
Maayos naman siya,pero malaki ang pinagbago ni Kuya,palagi na siyang naglalasing ngayon.
Napabuntong hininga ako,nalungkot sa sinapit ni Kuya Aarush.