chapter 10

2147 Words
Aila Lunch time na kaya kumain muna kami ni Shine. Sahud namin ngayon kaya maaga kaming natapos sa trabaho. "Girl salamat sa libri sana may kasunod pa ito. Ngayon lang ito wala na bukas.Shine samahan mo muna ako. Maghuhulog ako nang pera kay Mama. Alam mo Girl hindi pa rin ako makapaniwala na ikaw ang napili nang Band Gorup. Sa dinami-dami ng magagandang babae na sumali,ikaw pa talaga ang nakuha,believe na talaga ako sa beauty mo. Natawa naman ako kay Shine alam mo ikaw ang dami mong iniisip sa dinami dami na puwiding isipin iyang Band g Group pa ang inuna mo. Palibhasa kasi mahilig ka sa guwapo,natawa naman ito nang malakas. "Anong oras ka pupunta bukas sa school?"Magpapaalam muna ako Shine baka mamaya mawalan pa ako nang trabaho. Tumawag kasi kaninang umaga ang Band Group,kailangan ko raw pumunta ngayon. Napili raw ako para maging Vocalist nila,nagpasalamat ako at nangakong pupunta. "Ang haba nang hair mo Girl."Saad ni Shine na ngayon tapos nang kumain. Nandito kami ngayon sa labas kumain ng halo-halo. Kinabukasan maaga akong pumunta sa school. Kailangan ko muna maki pagkita sa Band Group. Alam na rin ni Sir Camacho na pupunta ako ngayon. Binigyan niya ako ng instraction, pagdating ko sa school maraming mga studyante ang nagkakagulo. Dumiritso lang ako sa loob nang room kung saan naghihintay ang grupo ng banda na sinalihan ko. Wala pang tao nag hintay muna ako nang ilang minuto. Maya-maya may mga kalalakihang dumating,sila na pala ito,binati nila ako. "Hi good morning ikaw si Miss Reyes?" Tumango ako nakita kong tumayo sila sabay lahad nang kamay. "Ako nga pala si Clouie Jhon Santos."Hello nice to meet you,Aila Crissine Reyes pagpapakilala ko. Wow bongga ang ganda, bagay sayo ang pangalan mo. Nakangiti lang ako sa kanila.Nakamasid naman ang ibang kasama niya. Pinakiramdaman ko lang sila halos hindi na ako kumilos sa kinatatayuan ko. "Ms.Reyes come with us."Sumunod naman ako sa kanila nakarating kami sa isang studio room. Maraming mga gamit sa pagtutug kaya nakakamangha tingnan. Pinaupo nila ako nakamasid ako sa paligid. "Miss Reyes nakita ko ang background mo,working student ka pala?"Tumango ako bilang sagot. "Wow that's good working student rin kami." "Bakit ngayon lang kita nakita."Kakalipat ko lang nang school. Mukhang madaldal ang mga lalaking ito, nasa mini stage na silang lahat,naiwan ako sa upuan ko at tinitingnan sila. "Aila come here tawag sa akin ni Clouie." Tumayo ako at lumapit sa kanila. "Anong alam mong tugtugin."Gitara,saka marunong din akong kumanta. Pumalakpak naman ang mga kasama niya. Perfect! "Anim sila nag i-isang babae ako."Bro seven na tayo hindi na natin kailangan maghanap ng singer. "Puwidi na si Aila sa gitara at kanta."Binigay ni Clouie sa akin ang Guitara umupo naman ako sa katabing upuan niya. Guy's one hour practice muna tayo,I'm sure may mga trabaho pa ang iba sa atin. "Tumango silang lahat."Pakinggan muna natin kung paano tumugtug nang Guitara si Aila. Nag simula na akong tumugtog nakatingin lang sila sa akin. Natapos din kami kaya nagsalita si Clouie. Gusto kong malaman ninyo na magsisimula na tayong magperform sa mga Event. Dito bayad ang serbisyo natin,alam kong alam na ninyo ang patakaran gusto ko lang ulitin para malaman ni Aila. Kapag nagsimula na tayong magperform walang excuse puwera na lang kung may-sakit kayo. "Tumango na man kami."Ang maganda dito puwidi tayo mag perform out of country,dependi iyan sa school. So,ready tayo palagi,kaya tayo konektado sa school para ma e-angat sila pati narin tayo. Kapag ang school ang nangagailangan nang serbisyo natin walang bayad. Minsan kasi dito tayo madalas mag perform. Pagkatapos ni Clouie magpaliwanag umalis na kami. Natapos din ang isang oras na practice,umalis na rin ako dahil may tatapusin pa akong trabaho. Pumunta muna ako sa locker para makapagbihis. Habang nag hihintay nang customer may nakita akong dalawang magkasintahan. Medyo malayo sila kaya hindi ko masyadong ma aninag. Nakatanaw sila sa dagat at panay ang haplos nang babae sa likod nang lalaki. Parang kinurot ng pino ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Lumapit naman si Sunshine,sinundan niya ang tinitingnan ko. Kanina pa sila diyan,ang sweet nga ni Girl eh. Pero alam mo ang lungkot nang lalaki halata sa mata niya na hindi siya masaya. Bumuntong-hininga naman ako,baka hindi niya mahal ang girl baliwala kong saad. Mag jowa na kasi kayong dalawa para hindi kayo maglalaway diyan. Hindi namin namalayan nakalapit na pala ang Manager namin. Natawa naman kami ni Shine."Bakit Sir ikaw may jowa kana ba?" W-wala! Utal niyang saad tumalikod na siya at umalis sa harapan namin. Maya maya bumalik rin siya."Aila paki bigay ito sa kanila". Tukoy niya sa magkasintahan,okay Sir, kinuha ko ang order nila at ibibigay na sana sa kanila pero biglang nagsalita ang lalaki. Rudy please cancel my order,iyong bill ko please. "Okay Sir."Yumuko pa si Rudy. Ms.Pakituro sa fiancee ko ang washroom,thank you. Nagsasalita ang lalaki na hindi man lang tumutingin. Tumayo naman ang maarting babae,kinakabahan akong tumango kahit hindi niya ako nakikita. Aila ako na ang sasama sa kanya dito ka lang. S-sige salamat,umalis agad ako sa kinatatayuan ko. Napahawak ako sa aking dibdib ang lakas kasi nang t***k nito. Kumubli ako at sinilip ko kung siya ba talaga iyon. Gusto kung makita ang mukha niya,alam kong si Kuya Aarush iyon boses palang kilala ko na. Napatakip ako sa aking bibig dahil si Aarush nga. God bakit ganito ang nararamdaman ko,kusang tumulo ang luha ko. Mag-aasawa na pala siya,sabagay sa tinagal tagal nang panahon na nawala si Ate. Kailangan niya talaga nang katuwang sa buhay. Nakita kong bumalik na ang babae,hinawakan ni Kuya ang baywang ng Fiancee niya. Nakita ko kung gaano kamahal nang babae si Kuya Aarush. Napakaliit pala ng mundo mukhang magkikita ulit kami ni Kuya Arrush. Nagulat naman ako dahil kinurot ako ni Shine,aray ano ka ba?. Bakit ka umiiyak,sino siya?Kilala mo ba sila?Aila magsabi ka ng totoo. Puwidi mamaya na lang,tumango naman siya. Umuwi akong matamlay,parang pasan ko ang mundo. Bakit ba ako nasasaktan kung mag aasawa na si Kuya. Bakit apektado ako?Wala akong karapatan kung bobou siya ng pamilya. Dalawang taon na kami hindi nagkita,kanina ko lang din nasilayan ang guwapong mukha niya. "Girl."Napaigtad ako sa kalabit ni Shine,bumaba na kami sa sinasakyang dyeep at nag lakad papuntang kanto. Malayo pa lang nakita ko na si Gavin,mukhang hinihintay niya kami. Sinalubong niya kami nang malapad na ngiti,nakasuot siya nang puting sando kaya lumantad ang matitigas niyang muscles. Mas lalong lumitaw ang ang tattoo na nasa braso niya,sumakay agad ako sa tricycle. Panay ang daldala ni Gavin at Shine wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nila. Ukupado ng utak ko ang nakita ko kanina sa restaurant. Napahawak ako sa aking ulo sumasakit ito. Gavin may lakad ka ba ngayon?Wala sa sarili kong tanong. Napa angat nang tingin ang dalawa."Wala naman." Puwidi himingi nang favor sayo."Sure ano iyon?" Dalhin mo kami sa lugar kung saan makalimutan ng problema,kahit panandalian gusto kong huminga. Kumunot naman ang noo niya,napaisip siya. "Okay Aila,ngayon na ba?"Oo magbihis lang kami ni Shine tumango si Gavin habang nakatitig sa akin. Mabilis lang akong nakabihis,Shine tapos ka na ba?. Napanganga naman siya pinasadahan ako nang tingin mula ulo hanggang paa. Oh,bakit may masama ba sa sout ko?Taas kilay kong saad. "Ikaw ba talaga yan?"Hinawakan pa niya ang noo ko,at sinalat ito. Tsek ko lang Girl baka may lagnat ka para kasing hindi si Aila ang kausap ko ngayon. Tumawa siya nang malakas at umikot-ikot pa ang gaga. Hmm..Alam mo girl bagay na bagay sayo iyan ang ganda mo tinalo mo na naman ang beauty ko. Ngayon lang niya ako nakitang naka skirt ng maiksi,long sleeve na puti at naka boots nang itim,nakalugay ang mahabang kong buhok. Kinuha ko na ang sling bag at bumaba na kami. Lantad tuloy ang mahaba at maputi kung leg's. Wow Girl ilang taon na tayong nag sama ngayon ka lang naging tao. Natawa naman ako sa sinabi ni Shine lukaret talaga,panay pa ang sulyap nang mga tao sa amin. Hinahanap namin ang tricycle ni Gavin,pero wala ito. Aila! Napalingon naman kami,nakalapit na pala si Gavin sa amin. Pinasadahan niya ang sout ko,malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya. "Let's go."Sabay hila niya ng kamay ko,teka lang Gavin ano ba? Hindi niya pinansin ang sinasabi ko,Hila hila parin niya ako sa kamay. Binuksan niya ang pinto nang sasakyan,at pabalya akong pinasok sa loob. Nagulat ako sa inasta ni Gavin,hiningal naman si Shine sa likod ko. "Kaluka kayo,anong nangyari?"Sakay na Shine.Utos ni Gavin nakita kong umikot siya. Bumuga muna ako ng hangin hindi ako makahinga. "Saan ba kita dadalhin?"Masama niya akong tiningnan,kahit saan basta gusto kong makalimut. "Bakit ganyan ang sout mo?"Imbis na tanong niya. "Saan ka natuto niyan?"Bakit anong masama sa sout ko. Hindi bagay sayo,at sa susunod huwag kang magsout ng maiksi. Napanguso naman ako,tumawa naman sa likod si shine. "Ang KJ mo Gavin iyan ang uso ngayon."Kung maka pangit ka akala mo naman totoo. "Nandito na tayo."Naiinis parin ang boses niya. "Gavin bakit dito?"Sabi mo kahit saan,wala namang lugar na kahit saan. Bumaba na kami pumasok kami sa loob,mausok at maingay ito ang tinatawag nilang bar. "VIP please for 3 person."Nakangiting sabi ni Gavin. Ngiting-ngiti naman si Shine alam ko masaya ito dahil ito palagi ang bukambibig niya. Unang beses kong naka punta sa lugar na ito. Iwan ko rin kung anong pumasok sa isip ni Gavin at dito kami pumunta. Hawak ni Gavin ang kamay ko,pumasok kami sa isang room,agad naman umorder si Gavin. Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni Shine parang galit kasi si Gavin. Iwan ko kung bakit siya nagagalit bahala siya diyan. Umupo siya sa tabi ko at tinanggal ang suot niyang jacket,yumuko at tinakpan ang legs ko. Napasinghap naman ako dahil sumagi ang palad niya sa balat ko. "Masyadong malamig takpan mo iyan". Sabay pasada niya sa nakalantad kong binti. Inirapan ko siya at tumingin sa labas, dumating ang order namin paglapag sa lamesa inabot ko agad ang juice agad ko itong ininom. Napangiwi ako dahil ang pangit nang lasa,bakit ganito ang lasa?. Gavin ang pait naman kulang yata sa timpla. Natawa naman siya."Ano bang tingin mo diyan?"Sabay turo ng baso ko.Juice!. Sagot ko naman,hindi na umimik si Gavin panay ang sulyap sa akin ilang saglit lang nangalahati ang baso ko. "Aila tama na yan baka malasing ka."Napa angat ako ng tingin sa kanya, kaya pala ganun ang lasa alak pala ito. Tinawanan ko lang siya,hayaan mong malasing ako mas okay nga ito para makalimutan ko ang problema ko. Hindi ko na namalayan tumulo na ang luha sa aking pisngi. "SH*IT what happend to you?May problema kaba?". Kinuha niya ang baso na wala nang laman. Bumuntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko. Kilala kita Aila kahit bihira lang tayo mag-usap alam ko na may tinatago ka. Wow talaga?Kilala mo ako turo ko sa sariki ko. Ikaw yata ang may problema Gavin.Tiningnan niya ako nang masama,wala akong problema huwag mo akong intindihin. Shine ubos na gusto ko pang uminom."Girl tama na yan lasing ka na". Gavin puwidi isa pa,hindi ko pinansin si Shine nagsasalita ito. "Alas dose na ng madaling araw."Saad ni Shine. Wala tayong pasok bukas kaya mag enjoy muna tayo. Nahuli ko si Shine panay ang kuha niya ng litrato. Kinusot ko ang aking mga mata,totoo palang nakatitig si Gavin sa akin. Umiling ako narito parin ang sakit sa dibdib ko dahil nakita ko kanina si Aarush. Hindi ko binibigyan ng kahulogan ang mga kinikilos ni Gavin. Kuya ang turing ko sa kanya at hanggang doon lang iyon. Kahit anong gawin ko hindi ko parin makalimutan si Aarush. Shine restroom muna ako sabay tayo ko,napahawak ako sa sa kamay ni Shine dahil muntik na akong mabuwal. Umikot ang paningin ko."Oh!Dahan-dahan."Lumapit na si Gavin sa akin.Kaya mo bang maglakad sasamahan na lang kita. Kinalas ko ang kamay niya at naglakad palabas. Pumasok na kami sa restroom,sinamahan ako ni Shine hanggang sa loob hindi na ako umangal,at umihi na. Ilang sandali lang lumabas na rin kami at bumalik sa room. Napatingil ako sa paglalakad,kinalma ko ang aking sarili baka namalik mata lang ako nakita ko kasi ang mukha ni Aarush. Napatakip nang bibig si Shine,nakita niya rin pala ang nakita ko. Nakikipag halikan si Arrush sa isang magandang babae. Diba siya iyong lalaking kumakain doon sa restaurant kagabi. "Tumango ako."Grabe pala siya ibang babae na naman ang kasama,hay mga lalaki talaga hindi mapagkatiwalaan. Nalungkot naman ako sa kaalamang ibat ibang babae ang hinahalikan at kasama niya. Hindi ko na talaga kilala si Aarush,nawala ang respeto ko sa kanya. Ang sakit pala kapag ikaw mismo ang makatuklas sa totoong ugali ng isang tao. Hindi ko man alam ang rason niya kung bakit siya ganyan pangit pa rin tingnan ang ginagawa niya. Sa kabila nang ginawa niya hindi parin nagbago ang paghanga ko kay Aarush. Nang makabalik na kami pareha kaming natahimik ni Shine. "Ba't ang tagal ninyo?"Hindi ako umimik wala akong ganang magsalita. Malalim na ang gabi tara na saad ni Gavin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD