chapter 7

1396 Words
Aila Nagising ako sa kalabit ni Mama."Anak lumipat ka sa higaan mo,bakit dito ka natulog?"Ma,anong oras na po? "Maaga na anak alas singko e medya na ng madaling araw!" Napabangon ako!Ma,dumating na ba si kuya Aarush?"Hindi pa,ngayon ba ang uwi niya?"Malungkot na saad ni Mama. Tumayo na ako inayos ko ang aking sarili.Lumapit ako kay Ate at hinalikan siya sa noo."Good morning Ate, masayang sabi ko."Aila ikaw muna ang bahala dito,pupunta ako sa bayan bibili ng mga kailangan natin,wala na rin kasi tayong bigas."Opo Ma!Nang makalabas na si Mama,napatingin ako kay Ate mahimbing pa itong natutulog.Nakatayo ako sa tabi niya,pinagmamasdan ko siya,ilang saglit Iang iniwan ko muna sandali.Pumasok ako sa banyo para maligo,marami pa akong gagawin ngayon.Mabilis akong natapos,hinanda ko muna ang panlinis ni ate,magluluto pa ako ng almusal niya.Bumaba ako at dumiritso sa kusina.Napangiti ako nakaluto na pala si Mama,mabuti naman para mapakain ko na si ate Amaya. Umakyat ulit ako para pakainin si ate,at ma punasan na rin.Pagkatapos ko siyang punasan nakatulog ulit si ate,binihisan ko siya sa paborito niyang damit.Ito kasi ang sabi niya sa akin,binalot ko rin ang ulo niya,para kahit papano maayos rin siya tingnan.Alas dyes na ng umaga, dumating si Mama,sobrang tahimik ng bahay kinuha ko ang guitara at umupo sa tabi ni ate.Young People kami ni ate sa simbahan,kaya marunong rin akong humawak ng guitara. Sumasali rin kami sa Choire,lumaki kaming may takot sa Diyos.Bata pa lang sinanay na kami ni Papa,Isang pastor si Papa.Si Mama naman tumutulong kay Papa,nag simula na akong kumanta. Seyempre ang paborito ni ate Amaya ang kakantahin ko. I SURRENDER Here i'am down on my knees again. surrendering all! surrendering all! Find me here's Lord as you draw me near. Desparate for you! Desparate for you! I surrender drench my Soul,as Mercy and Grace unfold. I hunger and thirst! I hunger and thirst! With arms stretched wide,i know you hear my cry. Speak to me know! Speak to me know! I surrender,I surrender. I want to know you more i surrender. Like a rushing wind Jesus breath within. Lord have your way! Lord have your way! In me. Like a mighty storm stir within my Soul. Lord have your way! Lord have your way! In me. Matapos kong kantahin ang paborito ni ate,hindi ko namalayan humahagolgul na ako sa iyak.Nakita ko si Mama panay rin ang iyak,lumapit kami kay ate at niyakap siya ng mahigpit.Umiiyak rin pala siya narinig niya ang pagkanta ko.Naputol ang iyakan namin ni Mama ng may narinig kaming ugong ng sasakyan sa labas.Napatayo ako,sumilip ako sa bintana,nakita ko si kuya Aarush at Aaron.Napahinga ako ng malalim,bumaba na pala si Mama sinalubong niya sila kuya.Ang bilis ng t***k ng puso ko,natatakot ako sa sasabihin ni kuya Aarush.Dumating na rin si Papa,pumasok silang lahat dito sa silid.Nakatayo ako sa gilid ni ate,nakita ko ang pamulula ng mukha ni kuya Aarush umiiyak siya. "Amaya,Mahal!" Inilang hakbang niya ang higaan ni ate at niyapos niya ito ng yakap.Nag taas baba ang balikat niya,pero walang lumabas na boses.Lahat kami umiiyak,hindi namin kayang tingnan,alam kong masakit sa part ni kuya ang madatnan si ate ng ganito."Mahal gumising ka nandito na ako,lumaban ka Amaya. Huwag mo akong iiwan,hindi ko kaya, bumangon ka diyan,tuparin natin ang pangako natin sa isa't isa." Panay himas niya sa mukha ni ate Amaya."Mahal bakit?Anong nagawa kong kasalanan,Bakit mo tinago sa akin ito? Bakit Mahal! Tita bakit,ninyo tinago sa akin,Aila akala ko ba mahal na mahal mo ang ate mo?Sa tinagal-tagal na panahaon hindi mo man lang nabanggit sa akin ang sakit ng ate mo?"Galit na sumigaw si kuya habang nasa bisig niya si ate."Hijo huminahon ka muna,makinig ka sa akin.Ayaw niyang ipaalam sa'yo ang sakit niya,ayaw niyang maistorbo ang pag -aaral mo.Kaya naki-usap siya na huwag sabihin sa'yo ang totoo. Kung ako lang ang masusunod Aarush hindi ko hahayaan na mangyari ito. Pero siya na ang sumuko,matagal na niya itong nararamdaman.Bago ko pa lang nalaman na may sakit pala si Amaya."Mahabang paliwanag ni Mama. Boung araw hindi umalis si kuya Aarush sa tabi ni ate.Nakatulala siya,ayaw rin niyang kumain,inayos niya ang higaan ni ate at tumabi sa kanya. Nandito kami sa balkonahi kasama ko si Aaron."Kumusta ka na Aila!"Maayos lang ako,ito hindi ako sanay,pero kailangan ko na talagang masanay ngayon,ikaw kumusta kayo ng kuya Aarush mo? "Okay naman ako,si kuya lang ang hindi, sobrang nagulat siya sa bilis ng mga pangyayari.Hindi ko alam kung kakayanin ni kuya ito,nasaktan at galit siya sa sarili niya."Bumuntong-hininga ako!"Sorry Aaron kung huli na ang lahat, hindi ko rin alam na malala na pala ang sakit ni ate Amaya."Pinahid ko ang luha sa aking pisngi,kasalanan ko rin ito, kung hindi ako nakinig kay ate,baka naagapan pa siya. "Hey!" "Huwag mong sisihin ang sarili mo?Walang may gusto sa nangyayari ngayon."Sana nga ganun kadali iyon,sana ako na lang ang nasa kalagayan ni ate ngayon.Nang sa ganun walang taong masasaktan,napatayo kami ni Aaron,dahil sa malakas na sigaw ni kuya Aarush. "Aaron,Aila!Si Amaya!" Sabay kaming tumakbo papunta sa silid kung saan naroon si ate. "Kuya bakit?"Tanong ni Aaron! "Aila,Tita! Gising na po si Amaya!" Simula kagabi natutulog lang si ate,si Mama halos hindi na alam ang gagawin nakita ko ang saya sa mukha ni ate. Nakangiti siya kay kuya Aarush,napaluha ako sa tagpo nilang dalawa. "Mahal!"Agad hinalikan ni kuya Aarush si ate Amaya sa noo,inabot naman ni ate ang kamay ni Kuya. "M-mahal,n-nandito ka."Na-uutal na wika ni ate.Ngumiti si kuya sabay tango. "Mahal hindi mo na kailangan magtanong ang mahalaga nandito ako."Lumuluhang wika ni kuya."Umuwi ako para sa'yo,diba nangako ako na babalikan kita!" "S-salamat Mahal,hindi na ako mag alala sa'yo."Nahihirapang saad ni ate. Niyakap siya ni kuya,panay ang haplos ni ate sa mukha niya. " Mahal may gusto ka bang kainin,gusto mo bang lumabas tayo?" Tumango si ate,kaya binitawan niya ito,may binulong si ate na hindi namin naririnig.Tango lang ng tango si kuya pero walang katapusan ang luha sa kanyang mga mata. "M-mahal O-okay lang ako,huwag ka mag alala!Gusto ko malaman mo na mahal na mahal kita."Naluluhang wika ni ate Amaya.Nakatayo lang kami umiiyak,alam kong nag papaalam na si ate.Pinipilit niya magsalita,naramdaman ko ang malamig niyang kamay,inabot niya ito at pinisil.Hawak niya ang dalawang kamay namin ni kuya Aarush, walang tigil ang luhang pumapatak sa aking pisngi,halos hindi ko na makita si ate.Nasasaktan ako alam kong nahirapan siya,pinilit niyang maging maayos pinatong niya ang kamay ni kuya sa kamay ko.Mahigpit niya itong hinawakan,hindi ko maintindihan kung anong ibig-sabihin ni ate. "M-mahal ingatan mo si Aila,huwag mo siyang pababayaan,mangako ka sa akin." Tumango si kuya,hindi pa rin niya binitawan ang kamay namin.Parang puputok ang dibdib ko,sobrang sakit na makita mo ang mahal mo sa buhay na nag papaalam na."A-aila ingatan mo ang kuya mo,huwag kayong mag away."Naka ngiti siya habang nahihirapan sa paghinga,nasa tabi ko rin si Mama humahagolgul ng iyak. Opo ate pangako iyan!"M-mama mahal na mahal ko kayo."Wika ni ate,lumuhod ako at inangat ang ulo ni ate,pinahiga ko siya sa hita ko.Niyakap ko siya ng mahigpit,ramdam kong bumitaw na siya sa akin. "Ate Amaya!"Sumigaw narin si kuya Aarush! "Amaya Mahal!"Nabitawan na pala ni ate ang kamay ni kuya,kinapa ko ang dibdib niya,hinawakan ko ang palapulsohan nito.Wala na si ate,mahina kong hikbi, hindi na rin siya humihinga. Mama wala na si ate,wala na siya iniwan na niya tayo,mas domoble ang kirot ng dibdib ko ng makita ko kung paano nagwala si kuya Aarush. Hindi bumitaw si kuya,nakayakap pa rin siya kay ate Amaya.Lumipas ang oras tanggap na namin ang pagkawala ni ate Amaya.Namatay si ate nong dumating si kuya Aarush,siya lang pala ang hinihintay niya.Wala ng sasakit sa nararamdaman namin ngayon,nag-alay kami ng dasal,at boung puso namin tinanggap ang lahat. Ayaw ni ate na malulungkot kami kaya pinilit naming maging matatag. Sumapit ang gabi inayos ni kuya ang lahat ng kailangan dito sa bahay. Hindi na pinatagal ni Mama ang lamay ni ate,dalawang araw lang ang gusto niya. Sumang-ayon kami sa gusto ni Mama marami ang nakiramay at naghinayang sa pagkawala ni ate. Ang bilis ng araw huling lamay na ni Ate ngayon.Ililibing na siya bukas,napansin ko si kuya halos ayaw niya akong kausapin.Hindi ko nalang binigyan ng pansin,naintindihan ko siya.Hindi rin siya nag tanong sa mga kakailanganin, basta na lang dumating ang mga pagkain para sa mga taong nakiramay. Dalawang araw at gabi kaming puyat,si Aaron naka-alalay sa akin.Palagi niya akong sinasamahan kahit sa pagkain, bakita ko si kuya umiiyak,naka upo sa kabaong ni ate. "I miss you ate Amaya!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD