Amaya
Tatlong buwan ang bakasyon ni Aarush,sa tatlong buwan na iyon puro saya ang hatid niya sa akin.
Minsan doon na siya natutulog sa bahay,ngayon ang balik niya sa Manila maghihiwalay na naman kami.
Nalungkot ako,matagal ko na naman siyang makasama.
Sa madaling salita ito na ang huling pag kikita namin.
Mahal!
Tawag ni Aarush sa akin,nakahiga siya sa hita ko.
Nag paalam na aalis na siya mamayang hapon.
Ready na ang mga gamit nya,hinintay niya si Aaron,siya kasi ang magsusundo.
Huwag ka mag alala palagi tayong mag vediocall,huwag ka ng malungkot diyan.
Hinahalikan niya ang kamay ko,sa totoo lang hindi ko pinahalata sa kanya na malungkot ako.
Huwag ka mag pagud,kumain ka sa tamang oras lagi mong tandaan mahirap magkasakit.
Ilang saglit lang dumating si Aaron,ng paalis na sila hindi ko mapigilang mapaluha.
Nagpaalam na sila kay Mama at Papa,gustong gusto nila si Aarush para sa akin.
Salamat po sa inyo!
A-alis na si Kuya ,magpakabait kayo at mag-aral ng mabuti.
Opo Kuya Aarush,salamat sa tulong mo,
mag-iingat po kayo palagi.
Mahal a-alis na ako huwag ka ng umiyak please.
Namula na kasi ang mata ni Aarush,alam kong naiiyak na rin siya.
Niyakap niya ako ng mahigpit,ang hirap pala mag paalam sa taong mahal mo.
Mamimis kita mag ingat ka!
Kumalas ng siya ng yakap,hinalikan niya ako sa noo at kamay,bago siya bumitaw.
Ilang oras na naka alis sila Aarush nakatulala pa rin ako sa kawalan.
Feeling ko nandito pa siya sa tabi ko,naiwan pa kasi ang amoy niya.
Nasa balkonahe ako nakatanaw sa labas,makulimlim ang kalangitan,mukhang u-ulan.
Ate Amaya!
Nagulat ako kay Aila bigla nalang kasi itong sumulpot.
Huwag ka ng malungkot babalik naman si Kuya Aarush.
Yumakap pa ito ng mahigpit sa akin,matuling lumipas ang buwan at araw.
Masaya pa rin ako,dahil hindi nakaligtaan ni Aarush na kumustahin ako.
Palagi kasi siyang tumatawag,panay ang tanong kung okay lang ako.
Ang kulit lagi niya akong inaasar baka raw may manliligaw na sa akin.
Hindi alam ni Aarush na tumigil na ako sa pag-aaral kaya minsan pag tinatanong niya ang tungkol doon iniba ko na lang ang usapan.
Ayaw kong magduda siya na may sakit ako,ang mga kapatid ko hindi rin nila alam ang kalagayan ko.
Si Mama lang ang nakaka-alam,lumipas pa ang ilang buwan malaki na ang pinayat ng katawan ko.
Hindi na rin ako makaka-alis ng bahay dahil lagi akong pagud.
Hindi na rin ako makakatulong sa gawaing bahay.
Isang araw,napansin ng mga kapatid ko na matamlay ako.
Ang sabi nila huwag raw ako mag pagud,nag taka rin sila kong bakit ako tumigil sa pag-aaral.
Ate Amaya puwidi ba tayo mag usap?
Nandito ako sa kuwarto namin ni Aila nakahiga.
Lumapit ang kapatid ko at niyakap ako ng mahigpit.
Ate sabihin mo nga sa akin ang totoo, may sakit ka ba?
Hinawakan niya ang aking mukha,umiling ako hindi ko a-aminin sa kanya ang kalagayan ko.
Pero kilala ko si Aila,hindi ito titigil hanggang hindi niya malalaman ang totoo.
Ate please naman,huwag mo ng itago,alam kong may nararamdaman ka.
Ayaw mo lang sabihin sa akin,dahil ayaw mo akong mag alala.
Sa tingin mo ba masaya ako sa ginagawa mo?"Bakit hindi ka nag tapat sa akin?
Nangako ka na hindi tayo maglilihim sa isa't isa.
Humahagulgol na siya ng iyak!
Shh..
Tama na yan,huwag ka na mag tampo kay Ate.
Gusto mo bang malaman ang totoo?Tumango si Aila umupo narin siya sa tabi ko.
Mag sasalita sana ako,ngunit napahawak ako sa aking dibdib
Hindi ako makahinga ramdam ko ang kirot.
Hinampas ko ng malakas ang dibdib ko,nataranta si Aila kaya tinawagan niya si mama.
Ma! Mama! "Tulong si Ate Amaya.
Nagulat rin si Mama.
Anak Amaya,Aila,tubig bilisan mo,Amaya anak huminga ka ng malalim.
Napasigaw na si Mama,dahil nahihirapan na ako sa paghinga.
Naramdaman ko na lang ang maligamgam na tubig sa aking bibig.
Guminhawa ang pakiramdam ko,sobrang bilis rin ang t***k ng puso ko.
Ang lamig ng kamay mo anak?
Aila tulungan mo ako isandal natin ang Ate mo.
Nang makasandal na ako saka pa bumalik sa normal ang aking paghinga.
Mama ma-ayos na ako huwag na po kayong umiyak.
Panay punas ni Mama sa kanyang luha,lahat ng mga kapatid ko nakatayo sa gilid.
Nandito na rin pala si Papa,nakatingin kay Mama at nag tatanong kung ano ang nangyayari.
Tahimik ang lahat walang gustong magsalita.
May sakit ang Ate Amaya ninyo.
Nagkatinginan silang lahat si Papa umupo sa tabi ko.
Ma?"Bakit ngayon n'yo lang sinabi ito?
Mga anak naki-usap ang ate ninyo na huwag ipaalam muna sa inyo.
Nilihim ni Ate Amaya dahil ayaw niyang mag alala kayo.
Mama naman,bakit po ganito?"Bakit hinayaan natin na lumala ang sakit niya?Ano po ba kasi ang sakit ni Ate?"Si Kuya umiiyak habang nag sasalita.
Blood Cancer,ang sakit ng ate ninyo.
Napasinghap silang lahat,hindi makapaniwala sa sinasabi ni Mama.
Tahimik ang boung bahay hindi na maingay.
Simula ng inatake ako hindi na ako kumilos mahirap na tumayo.
Lumaki na rin kasi ang tiyan ko,naglalagas na ang aking buhok.
Kahit mahirap,tahimik ko na lang ipinapanalangin na sana huwag akong pahirapan.
Nasasaktan ako,dahil nahihirapan ang pamilya ko.
Dumaan pa ang buwan,halos hindi ko na makilala ang sarili ko.
Sobrang payat ko na,marami na rin ang nagbago sa bahay.
Wala na akong maririnig na ingay at tawanan.
Nakapikit ako pero gising ang isipan ko,narinig kung bumukas ang pinto.
Ate Amaya,pupunasan muna kita,ilang araw ka ng hindi naliligo.
Gusto kong dumilat,pero ayokong makita ni Aila ang malungkot kong mata.
Simula ng nakaratay ako siya na ang nag a-alaga sa akin.
Ate Amaya gusto mo bang kumain? Gumising ka na,lalabas tayo mamaya para ma-arawan ka.
Inabot niya ang kamay ko at hinalikan,umiyak na ako dahil ayoko ng ganito.
Nasanay na ako sa kanila na laging nakangiti at masaya.
Kahit may problema kami palagi kaming masaya.
Mahal na mahal kita Ate Amaya umiiyak niyang saad.
Mangako ka sa akin na huwag mo kaming i-iwan.
Mag a-aral ako ng mabuti,palagi kong tatandaan ang mga bilin mo.
Tahimik akong umiyak,habang nakikinig sa kanya.
Kung darating ang panahon na may makilala na akong lalaki gusto ko iyong katulad ni Kuya Aarush.
Niyakap ko siya ng mahigpit,Aila sapat na sakin na maabot mo ang pangarap sa buhay.
Tama ka piliin mo ang lalaking kaya kang panindigan.
Mamahalin ka ng boung bou,hanggang sa huli.
Ayokong umiyak ka,sa bandang huli,palagi mong tandaan mahal na mahal kita.
Opo Ate,pangako yan!
Iniisip ko ang sumpaan nila ni Kuya Aarush.
Sa tagal nilang mag kasintahan nauwe sa wala ang lahat.
Sinubokan kung kausapin si Ate na ipaalam kay Kuya.
Ngunit nakiusap siya na huwag raw siya abalahin.
Magtatapos na raw siya sa pag aaral,kaya ayaw niyang magulo ang utak nito.
Hindi ko alam kong tama ba ito,na itinago namin kay Kuya Arrush ang lahat.
May karapatan rin siyang malaman ito kaya naka buo ako ng plano.
Tatawagan ko si Kuya at ipaalam sa kanya.
Maaga akong nagising dahil may pasok pa ako,may lakad rin ako ngayon.
Mag paalam ako kay Mama na may bibilhin sandali sa bayan.
Kaya pinakain ko si Ate Amaya,pinaligo ko siya at binihisan.
Pagkatapos tinulongan ko rin si Mama, maghanda ng almusal.
Naka alis na si Aila,ako na lang mag isa dito sa loob ng kuwarto.
Kapag wala siya,sinisikap kong makatayo ng sa ganun may silbi naman ako sa bahay na ito.