“It’s really happening...” naibulalas na lang ni Agatha habang nakatingin sa exterior ng mansion na palaki nang palaki sa paningin niya mula sa salamin ng sinasakyang kotse. Napahigpit ang hawak niya sa kanyang shoulder bag na naglalaman ng iilang gamit na hindi nagkasya sa maletang dala niya. “Titira na talaga ako kasama ang gobernador ng San Miguel,” bulong niya sa hangin bago tumingin sa driver’s seat kung saan naroon si Riguel na siyang nagmamaneho ng kotse. “We’ll be home probably by 6:00 PM,” sambit nito nang makita siyang nakatitig dito mula sa salamin ng sasakyan. “Habang hindi pa kami umuuwi, pwede kang mag-fieldtrip muna sa buong mansyon kung wala kang ibang gagawin,” dagdag nito. Napatitig lang si Agatha sa lalaki. Hindi niya pa rin alam kung paano ito pakikitunguhan lalo na’t