ORAS ang inabot bago tuluyang natapos si Agatha sa paglinis sa kusina at sa paghugas sa mga ginamit niya. Basang-basa ang kanyang damit mula sa paghuhugas kaya nagmadali siyang lumabas ng kusina para kunin ang mga bagahe niya para dalhin sa kuwarto ng lalaki. Nang makarating sa tapat ng pinto ay doon lang muling sumiksik sa isip niya na makakasama niya sa isang kuwarto ang lalaki. Napalunok siya nang bahain siya ng mga mahahalay na imahe sa kanyang isipan. Hindi niya mapigilang mapaisip sa mga posibleng mangyari sa kanilang dalawa habang magkatabi sa kama. Nakagat niya ang labi nang unti-unting umakyat ang dugo niya sa kanyang magkabilang pisngi. Napahawak siya rito at marahang bumuga ng hangin. Makailang beses niyang umiling bago kumatok. Ilang beses pa niya ‘yong ginawa pero wala siyan