Napalunok na lang si Agatha sa narinig. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa lalaki—kung aayaw ba siya o bibigay. Napapikit na lang siya at hinintay ang susunod na gagawin nito, pero lumipas ang ilang segundo ay walang nangyari kaya iminulat niya ang mga mata at nakita ang mukha ng lalaki na unti-unting lumalayo sa kanya. “You made a good face,” sambit nito at ngumisi. “I liked it. Hindi na ako makapaghintay na makita ang ganoong reaksyon pagkatapos ng isang linggo,” dagdag nito bago siya tinalikuran. “Let’s go. I will show you the most important part of my house.” Nakahinga na lang siya nang maluwag nang tuluyang lumayo ang lalaki. Hindi niya napigilan ang mamula dahil sa hiyang nararamdaman. Hiyang-hiya siya sa sarili niya dahil may parte sa kanya na umasang may mangyayari sa kani