TAHIMIK na napamura si Alfonso matapos niyang tumalikod sa babae. Kanina pa siya nagpipigil na gawin ‘yon, pero hindi na talaga niya nagawa lalo na nang manuot sa kanyang ilong ang mala-rosas na halimuyak ng katawan nito. Bihira lang sa kanya ang mag-init nang gano’n-gano’n lalo na’t sanay na siya sa mga babae at kayang-kaya niyang kontrolin ang katawan niya, kaya hindi niya talaga inasahan na magiging ganoon ang reaksyon ng katawan niya. Siguro dahil ilang buwan na rin ang lumipas mula nang huli siyang makatikim ng babae. Naging abala kasi siya sa trabaho at nawalan na ng panahon para sa personal na buhay. Kaya ganoon na lang din siguro ang naging reaksyon ng katawan niya. Mukhang na-miss nito ang pakiramdam ng isang babae. Pero wala siyang magawa kundi ang pigilan ang sarili. They had a