"Calm down, gorgeous," bulong ni Agatha sa sarili niya habang inililibot ang tingin sa opisina ng gobernador. Kalahating oras na siyang naghihintay na bumalik ito.
"Ma'am, balik na lang po kayo bukas. Mukhang hindi na po kasi babalik si gov, eh," sambit sa kanya ng isang staff.
Umiling siya at ngumiti. "No. I'll wait 'til he comes back," giit niya. Hindi siya aalis hangga't hindi niya napapapirmahan ang mga dokumento.
"Basta po sinabihan ko na kayo," sambit ng babae bago bumalik sa cubicle nito.
Tumango lang si Agatha bago tiningnan ang cellphone niya. Napanguso siya nang makita ang posts ng mga kaibigan sa social media na kasalukuyang nasa Paris.
"Kasama sana ako rito," bulong niya at hinaplos-haplos ang screen ng cellphone. "Don't worry, guys. I'll be joining you soon," dagdag niya bago pinatay ang cellphone at muling tumingin sa pinto para hintaying bumalik ang gobernador. "Come on, nasaan ka na ba, Mr. Governor?"
Lumipas ang oras at hindi na talaga bumalik ang gobernador. Pumipintig-pintig na ang mga ugat sa ulo ni Agatha habang pinipilit niya ang sariling ngumiti dahil maraming makakakita sa kanya kapag sumabog siya sa galit.
She gracefully stood up while keeping her sweet smile. Pagkatapos ay lumapit siya sa babaeng kumausap sa kanya. "Excuse me," malambing niyang tawag rito. "I guess you're right; mukhang hindi na talaga babalik si Governor Alfonso. I guess I'll have to come back tomorrow," dagdag niya bago may iniabot na piraso ng papel sa babae. "This is my calling card. Can you contact me when he's here?"
Tumingin sa kanya ang babae at ngumiti. "Sure, ma'am. I'll contact you right away."
Ngumiti nang matamis si Agatha bago nagpasalamat at nagpaalam na aalis na siya. She kept her smile until she left the place. Nang makasakay siya ng taxi pauwi sa hotel niya ay doon na kumunot ang noo niya at tuluyang napasimangot.
Madiin niyang ikinuyom ang magkabila niyang kamay para pigilan ang sarili. She held her anger until she reached her hotel. Dali-dali siyang nagtungo sa kwarto niya at ibinagsak ang sarili sa kanyang kama sabay sipa sa hangin. "Dàmn that man!" Tumili siya nang pagkalakas-lakas habang sumisipa at sumusuntok sa hangin.
Gumulong-gulong siya sa kama habang tumtiili sa inis.
Bumangon siya at pinaghahampas ang unan. "Who does he think he is?! He serves the people, so why the hell did he walk out on me?!"
Walang pagsidlan ang inis na nararamdaman niya. She was expecting to have the documents signed today pero sinira ng gobernador na 'yon. Makukuha na sana niya ang mana niya at makakabalik sa dating buhay.
Napabuga na lang siya ng hangin bago tumayo at kumuha ng face mask para maging fresh ulit ang mukha niya. Sobra-sobra ang stress na nakuha niya ngayon araw kaya kailangan niyang mag-skincare nang bongga.
---
KINABUKASAN ay maaga siyang gumising para maghandang muli. She made sure to wake up before the sun rises. Kahit na alas-otso pa nang umaga ang bukas ng opisina ng gobernador ay kailangang stand-by na siya para kapag tumawag or nag-text ang staff doon ay makakapunta siya agad.
Matapos niyang maligo ay agad niyang pinatuyo ang buhok niya gawin ang blower. Tumingin siya sa salamin at nag-isip ng magandang hairstyle at ng magandang susuotin.
"A fresh-looking outfit will do," bulong niya sa hangin bago hinawakan ang mahaba at tuwid na tuwid niyang kulay kapeng buhok. "Maybe a wavy hair would suit my style today," dagdag niya bago sinimulang ayusin ang buhok.
Nang matapos ay nanghalungkat siya ng mga damit hanggang sa makapili ng light yellow dress na may manipis at breathable na tela. Bagay na bagay sa klima ng lugar. Sinuot na niya 'yon at sinimulang ayusin at hanapan ng babagay na accessories. Dahil sa nipis at lambot ng tela ay tila sumasayaw ito sa hangin sa tuwing gumagalaw siya. Pinarisan niya ito ng white stilettos at isang set ng white gold jewelry.
"Perfect!" Napangisiya siya habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. "Tingnan lang natin kung hindi ka pa maakit sa akin mamaya," dagdag niya na tila ba kausap ang gobernador.
Nag-breakfast muna siya bago dumiretso sa kapitolyo. Todo ngisi pa sa kanya ang guard na naghatid sa kanya kahapon kaya nginitian niya rin ito pabalik para siguradong gumanda ang araw nito.
Napagdesisyunan niyang sa main lobby na lang siya tumambay muna habang hinihintay ang text or tawag sa kanya ng staff. Sa gitna talaga siya umupo at nang makita siya ng lahat.
"Mama, ang ganda; parang fairy," dinig niyang sabi ng isang bata habang hila-hila ito ng ina nito.
Napangiti na lang siya at nasuklay ang buhok sa may tainga. "Ako lang 'to," bulong niya at mas lumapad pa ang ngiti. Pati nga bata nasabing mukha siyang diwata, paano na lang kaya ang mga matatanda? Paniguradong lahat sila mahuhumaling sa kanya sa oras na siya ay masilayan nila.
Habang naghihintay na i-contact ay binuksan niya ang cellphone at tiningnan ang updates ng mga kaibigan sa social media. Napanguso siyang muli nang makita ang mga p-in-ost nitong mga picture.
"Hahabol ako, promise," bulong niya sa hangin bago pinatay ang cellphone at itinago. Pagkatapos ay nagpalinga-linga siya sa paligid. Alas-otso na at anumang oras ay darating na ang gobernador na 'yon kaya nagsimula na siyang mag-ayos ng sarili.
"Ang tagal naman," reklamo niya nang lumipas ang 15 minutes pero hindi pa rin dumarating ang gobernador. Nang maalala niyang baka mag-walk out na naman ito kapag makita siya ay agad siyang naghanap ng pwesto kung saan hindi siya agad makikita ng gobernador kung sakali mang pumasok ito sa kapitolyo.
At matapos nga ang halos kalahating oras na paghihintay ay sa wakas dumating na rin ang gobernador. Napatitig na lang siya rito nang makitang nakasuot ito ng barong. Matikas na matikas ang tindig nito. Lalaking-lalaki. Bagay na bagay ang kutis nito sa kasuotan.
Napalunok siya dahil kahinaan niya talaga ang mga pisikal na katangiang mayroon ang gobernador. Gusto sana niya itong salubungin, but that would be inappropriate of her. Kahit na wala siyang interes sa corporate world ay alam niya pa rin kung ano ang kalakaran kapag nagpapapirma ng mga importanteng dokumento—and it should be done in offices or at least in formal and comfortable places.
Hinintay niya munang lumagpas ang gobernador bago siya tumayo at sumunod. Sinigurado niya talagang papasok ito sa opisina at nang hindi na ito makatakas pa. She will corner him if she must para lang mapirmahan ang mga dokumentong dala niya. Atat na atat na siyang makabalik sa dati niyang buhay kaya gagawin niya ang lahat matapos lang ang proyektong ibinigay sa kanya. Desperada na siya.
Nang makitang pumasok ang gobernador sa opisina nito ay naghintay siya ng limang minuto bago sumunod. Pagkapasok niya ay agad niyang pinuntahan ang staff na nakausap niya kahapon. Binasa niya ang pangalan nito na nakadikit sa cubicle.
"Good morning, Ma'am Lisa," bati niya at todo ngiti pa siya.
"Good morning," bati nito pabalik. "Iti-text ko na po sana kayo."
Ngumiti lang si Agatha bago saglit na nilingon ang pinto ng opisina ng gobernador. "Pwede na bang i-meet si Governor Alfonso?"
Ngumiti ang babae at tumango. "Yes po. Mabuti nga ho at maaga kayo dahil aalis na 'yan si Gov mamayang mga 9:00 AM dahil may dadaluhan 'yang event."
Napatango siya sa sinabi ng babae. 'That explains his get-up,' sa isip niya.
Nagpaalam na siya sa staff at mabilis na kumatok sa pinto ng gobernador. Ilang beses pa siyang lumunok para makapag-ipon ng lakas ng loob dahil medyo natatakot siya na baka ganoon pa rin ang reaksyon nito sa kanya.
"Fight ka lang, girl," bulong niya sa sarili niya bago pinihit ang doorknob. Todo ngiti siya kahit hindi pa man siya tuluyang nakakapasok. "Good morning, Governor Alfonso," matamis niyang bati sa lalaki na abala sa pagpirma ng mga papel na nasa mesa nito.
Hindi ito kaagad nag angat ng tingin kaya tumikhim siya para makuha ang atensyon nito. "Good morning, Governor Alf—"
"Why are you here?" matigas nitong putol sa sinasabi niya. "I clearly told you that I won't sign those documents." Matalim itong tumingin sa kanya kaya medyo napaatras siya sa takot.
Scary!
Lumunok ng laway si Agatha bago huminga nang malalim. Nakakatakot man ang gobernador pero mas natatakot siyang hindi makabalik agad sa dating buhay. Mas natatakot siyang manganib ang kanyang mana.
"With all due respect, Governor Alfonso, may I know w—"
"I already sent a letter to your company," mariin nitong sambit sa dalaga pagkatapos ay tumayo na ito at mabilis na naglakad palabas ng opisina.
Nanlaki ang mata ni Agatha at nataranta siya. Mukhang magwo-walk out na naman ito! Mabilis siyang tumayo. "W-Wait!" pasigaw niyang sabi at hinabol ang gobernador palabas.
Wala na siyang pakialam kung pagtinginan siya ng mga tao. She's desperate to have the documents signed!
"Mr. Governor!" sigaw niya. "Wait!" umalingawngaw ang sigaw niya sa buong lobby. Napamura na lang siya nang hindi talaga siya nililingon ng gobernador. Kasama na nito ang mga tauhan nito at pababa na sa ground floor.
Wala siyang nagawa kundi ang patakbong bumaba ng hagdan kahit pa nakasuot siya ng stilettos. Napangiwi siya nang maramdaman ang mahapding sensasyon sa likod ng paa niya, pero wala na siyang pakialam. Kailangan niyang mahabol ang gobernador.
"Mr. Governor!" sigaw niya nang tuluyan itong mahabol sa parking lot ng kapitolyo. Hinarang pa siya ng mga personal bodyguard nito pero hindi siya nagpatinag. "Governor Alfonso Manuel Villaruel!" malakas niyang sigaw gamit ang matinis na boses.
Napangiti siya nang sa wakas ay tumigil sa paglalakad ang gobernador sabay lingon sa kanya. "What?" malamig nitong sagot sabay senyas sa mga bodyguard nito na hayaan si Agatha na makalapit.
"I...I don't know what's stopping you from signing these documents, but please..." Huminga siya nang malalim dahil hiningal siya kakahabol sa bwisit na gobernador na pa-hard to get! Nang bumalik sa dati ang paghinga niya ay tumitig siya sa mga mata ng gobernador bago nagmakaawa, "...please sign these. My life depends on these papers. Parang awa n'yo na," aniya at siniguradong nakakaawa ang tono ng boses niya. Kung kailangan niyang um-acting para lang mapapirmahan ang mga dokumento ay gagawin niya. "I am willing to do anything pirmahan n'yo lang ito," dagdag niya para magtunog desperada siya.
Napatingin sa mga mata niya ang gobernador. Kitang-kita ni Agatha kung paano saglit na umangat ang isang sulok ng mga labi nito. "Anything, you say?"
"Yes," mabilis niyang sagot.
Marahan itong tumango. "I see. I'll think about it. Come and see me again tomorrow and I'll let you know about my decision," sagot nito. "For now, excuse me for I still have to attend an event," dagdag nito bago mabilis na pumasok sa sasakyan.
At bago umandar ang sasakyan ay nakita ni Agatha na tinapunan siya ng tingin ng gobernador mula ulo hanggang paa bago ngumisi sabay taas ng salamin ng sasakyan.
Napangisi na lang si Agatha habang tinitingnan ang papalayong sasakyan ng gobernador. "May chance!" tili niya bago tiningnan ang mga papeles. "I can't wait to have you signed, my babies!"
Ngunit sa kalagitnaan ng pagsasaya niya ay napaisip siya nang maalala ang reaksyon ng gobernador kanina.
Bakit ganoon na lang ito kung makangisi sa kanya?