Maagang gumising si Agatha para maghanda sa pag-alis niya. Habang tinitingnan ang maletang may tatak ng LV ay hindi niya napigilang mapanguso dahil labis na niyang nami-miss ang dating buhay. Hindi na siya makapaghintay na p-um-arty at mag-travel around the world ulit. Mas tumindi ang determinasyon niyang tapusin ang proyekto sa lalong madaling panahon.
"Fighting, Agatha girl," sambit niya sa sarili sabay sara ng zipper ng maleta. "To getting your life back," bulong niya sabay pihit ng door knob.
Napangisi pa siya nang makitang papasikat pa lang ang araw. Parang gusto niyang mag-celebrate lalo na't bihira lang siyang magising nang ganito kaaga. Kapag talaga may goal siyang gustong i-achieve ay nakakagawa siya ng mga bagay na hindi niya lubos akalaing magagawa niya.
Pagkababa niya sa living room ay naroon ang kanyang ina at sumisimsim ng kape habang nagbabasa ng fashion magazine. Hanggang ngayon ay hilig pa rin nito ang fashion kahit na matagal na itong tumigil sa pagtatahi ng damit.
"Morning, mum," bati niya rito nang marating niya ang huling hakbang ng hagdan. Nang tumingin ito sa kanya ay matamis niya itong nginitian. "I'm leaving."
"Where?" nagtatakang tanong ng ina niya sa kanya. Bahagya pang kumunot ang noo nito habang pinapasadahan siya ng tingin. "Based on the size of your luggage, it seems like you will be away for a while."
"I will be heading to a province to have some documents signed," sagot niya sa ina sabay ngiti nang malapad. "After I get it done, I will get my life back as told by father and kuya," dagdag niya at hindi napigilang kiligin dahil sa labis na kasabikang nararamdaman.
"Oh, so they gave you one project to accomplish then you're done?" tugon ng ina niya bago ito tumayo at lumapit sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. "I don't think they will let you have your life back that easy, honey. I'm sure that project will be difficult," sambit nito bago ipinatong ang mga kamay sa magkabilang dulo ng balikat niya.
Nginitian niya ang ina para kahit paano ay mapanatag ang loob nito. "Mum, I know. I already conditioned myself. I had my preparations already," paninigurado niya rito. "This is the fastest way to have my life back so I will do whatever it takes to accomplish this project. You know the corporate world doesn't suit me," makahulugang dagdag niya. Alam kasi ng ina niya ang gusto niyang gawin—at 'yon ay ang makapasok sa fashion industry.
Marahang tumango ang kanyang ina. "Okay. Tell me when you need something, okay? I will do my best to help you," sambit nito at niyakap ang anak. "Please take care of yourself. Don't be too hasty."
"I won't, mum. I may look like I am rushing, but I am very careful with my actions," sagot niya sa ina. "I don't want to piss my father and brother or else I will be trapped in the corporate world."
Tumango lamang ang kanyang ina bago ito tuluyang kumawala sa yakap. "Okay. Let me walk you out."
"No need, mum. Kuya Lando is already waiting for me outside. He'll drive me to the airport," paliwanag niya sa ina bago niya hinalikan ang pisngi nito. "I'll be off then. Just tell papa and kuya that I left early," pahabol niya bago nilagpasan ang ina habang ikinakaway ang kamay.
---
Mabilis na hinawakan ni Agatha ang malaking sumbrero nang umihip ang preskong hangin ng probinsiya pagkababa na pagkababa niya ng taxi. Inilibot niya ang tingin at marahang napatango.
'Pasado na,' sa isip-isip niya habang tinitingnan ang paligid. Ibang-iba sa naisip niya ang lugar. Highly urbanized na ito at walang masyadong pinagkaiba sa siyudad na kinagisnan niya. Siguro'y malapit nang maging siyudad ang probinsiya.
"So this is the province of San Miguel. Not bad," aniya bago hinila ang maleta. Tiningnan niya ang cellphone para kunin ang address ng napili niyang hotel. "Time to get started."
Isang mahabang ungol ang kumawala sa bibig niya nang sa wakas ay makahiga na siya sa malambot na kama ng five-star hotel na tinutuluyan niya.
Napatingin siya sa kisame at binalikan ang mga planong binuo niya. Pagkatapos ay marahan siyang bumangon at agad na hinalungkat ang mga gamit. Una niyang kinuha ang pekeng ID na ipinagawa niya dahil sinunod niya ang sinabi sa kanya na huwag gagamitin ang Consunji bilang apelyido niya. Hindi niya alam kung bakit, pero ginawa niya pa rin. Sa isip-isip niya ay wala namang mawawala kung susundin niya ang payo ng kuya niya.
Tiningnan niya ang oras. Malapit nang mag-lunch kaya tuluyan na siyang tumayo mula sa kama at hinalungkat ang laman ng maleta niya. Isa-isa niyang inilabas ang mga damit at pumili siya ng babagay sa lakad niya mamaya.
Puro designer clothes ang mayroon siya kaya pinili na lang niya ang hindi gaanong mahal tingnan. She wore a custom white Dior dress and paired it with nùde stilettos. Pinalitan din niya ang earrings at kwintas na suot. Kinuha niya ang isang set ng jewelry na gawa sa white pearl para bumagay sa suot. Pagkatapos ay binitbit niya ang puting Birkin purse bago humarap sa salamin.
"Perfect," nakangiti niyang sabi at nagpaikot-ikot pa sa harap ng salamin. "Such a gorgeous woman," dagdag niya. "This is one of the reasons why I travel the world—to let every kind of man see my incomparable beauty." Napahagikhik siya sa sinabi. "That's why I need to get this job done as soon as possible. Foreign men are waiting to see this beauty."
Kinuha na niya ang folder at mabilis na lumabas ng kwarto niya. Dumaan muna siya sa isang Italian restaurant para kumain ng pananghalian. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa opisina ng gobernador.
Bumungad sa kanya ang tipikal na gusali ng mga government office. Pansin niya agad ang tingin sa kanya ng mga tao, lalo na ang mga guard na nakabantay sa entrance.
Matamis niyang nginitian ang mga ito. "Good afternoon, dear guards. Where is the governor's office?" malambing niyang tanong bago marahang inilagay ang iilang hibla ng buhon sa likod ng kanyang tainga.
"Up there, Ma'am," sagot ng isang guwardiya na tila nabighani sa ganda niya. "I will show you there," sagot nito bago naunang maglakad.
Napangiti na lang siya sa nakita. Asset niya talaga ang ganda niya. She can entice any man with her charms. At base sa mga pangalan ng mga nasa dokumento ay pawang mga kalalakihan ang pipirma, kaya ganoon na lang siya kasigurado na matatapos niya agad ang ibinigay na trabaho sa kanya.
Nang makapasok siya sa provincial building ay naging sentro siya ng atensyon. Lahat ay napapatingin sa kanya lalo na't purong puti ang suot niya na bagay na bagay sa balat niyang mala-gatas sa puti. Binabati rin siya ng mga nakakasalubong niya.
"What is your purpose here, ma'am?" tanong ng guard.
"I need to get these signed," sagot niya bago ibinigay sa guwardiya ang mga dokumento. "Do you know where I can find their offices?"
Tiningnan ng guwardiya ang dokumento at binasa ito. "Nako, ma'am, kailangan n'yong unahin itong mga nasa taas bago si Gov," sambit nito. "Make them sign before the governor," dagdag nito bago itinuro ang mga pangalan.
"Oh..." Marahang tumango si Agatha. Hindi niya akalain na may order pala ang pagpapapirma. "Can you lead me to their offices?"
Mabilis na tumango ang guwardiya at ginabayan si Agatha sa mga opisina ng mga taong paipirmahin niya. Ni hindi na niya kinailangang ipakita ang ID niya at ipaliwanag ang purpose ng nga dokumento. Nadaan niya ang lahat sa matatamis niyang salita at siyempre sa angkin niyang ganda.
"Now, all that's left is the governor," aniya at hindi napigilang mapangisi. Agad niyang kinuha ang cellphone at kinuhanan ng litrato ang mga pirmang nakuha niya at s-in-end ito sa kapatid na may kasamang mensahe na, 'I'm almost done brother. Don't you ever take your words back.'
"Ma'am, may meeting pa si Gov. You wait for 10 minutes, okay?" sabi ng guard.
Tumango lamang si Agatha bago tumayo at hinawakan ang kamay ng guwardiya. "Thank you so much for you help, dear guard." Pinisil niya ang kamay nito at matamis na nginitian.
"W-Wala 'yon, ma'am," namumulang sagot nito at hindi magawang makatingin sa babae. "Sige po, balik na ako sa duty. You wait for Gov na lang."
Tumango lang ang babae bago prenteng umupo sa waiting area. Pansin niya ang titig sa kanya ng mga kasabayan pero hindi na niya ito binigyang pansin dahil hindi naman niya sila kailangan. Wala naman siyang makukuha sa kanila.
Nilibang na lang niya ang sarili sa paglalaro ng games sa cellphone niya.
"Sino 'yong may appointment kay Gov? Tapos na ang meeting," announce ng isang babaeng nasa mid-30s.
Mabilis na tumayo si Agatha at lumapit dito. "I do," sagot niya sabay pakita ng mga dokumento. "I have to get these papers signed."
"May pila ho," matigas na sambit ng babae bago siya nilagpasan. "Hindi gagana ang pretty privilege mo rito," bulong nito bago tuluyang lumapit sa mga kasama niyang naghintay kanina.
Napairap siya sa hangin. Gusto niya sanang sagutin ang malditang babae pero hinayaan na lang niya. "Sa ugali na lang sana babawi," bulong niya bago umupo at naghintay na tawagin siya.
Matapos ang halos kalahating oras ay tinawag na rin siya. Lukot na ang mukha niya dahil sa pagkainip. Nagsimula na rin siyang magpawis dahil hindi maganda ang ventilation sa lugar. Pero nang makapasok siya sa loob ng opisina ng gobernador ay napapikit siya sa sarap nang maramdaman ang lamig ng aircon.
"This way," masungit na sambit ng babae bago siya ginabayan sa isang pinto.
"Thank you," malambing niyang sambit dito at matamis niyang nginitian kahit sa kaloob-looban niya ay gusto na niya itong awayin.
Kumatok siya nang tatlong beses bago binuksan ang pinto. Unang bumungad sa kanya ay ang maskuladong halimuyak ng isang mamahaling pabango. Hindi niya tuloy maiwasang mapaisip na baka ka-edad lang ng kuya niya ang gobernador.
"Good after—" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang makita ang gobernador. Holy shìt! Hindi niya napigilang mapatitig dito. He looks so young and masculine. Malayong-malayo sa mga tipikal na gobernador na nakikita niya sa bansa. Sa tingin niya ay nasa mid-30s pa ito. Lalaking-lalaki ang dating ng gobernador.
Agad na bumaba ang mga mata niya sa nameplate nito sa mesa. Hon. Alfonso Manuel Villaruel.
"Yes?" Tumingin sa kanya ang gobernador at halos matunaw siya sa titig nito. Tumayo ito kaya nakita ni Agatha kung gaano ito katangkad.
Ang gwapo!
Kahinaan ni Agatha ang isang tall, dark, and handsome na lalaki at lahat nang 'yon ay katangian ng lalaking nasa harapan niya.
Mura siya nang mura sa isipan dahil hindi sinabi sa kanya ng kuya niya na ganto pala kaguwapo ang gobernador ng San Miguel. Kung alam niya lang e 'di sana ay sinuot na niya ang pinakamagandang damit na mayroon siya.
"Miss?"
Napakurap siya nang marinig ang malalim na boses ng gobernador. Oh God, hindi niya mapigilang maisip kung ano ang boses nito sa kama. Sigurado siyang ang sexy nitong pakinggan; na ang sarap nito sa tainga.
Napailing siya bago pilit na ngumiti. "O-Oh, good morning, I mean afternoon," sambit niya at inilahad ang kamay niya. "I'm Agatha Mendez and I am a representative from the Consunji Estates, and I am here to have these documents signed," maligalig niyang pagpapakilala. Todo ngiti pa siya habang kinukurap-kurap ang mata, nagbabakasakali na baka hindi lang sa dokumento niya makukumbinsi ang gobernador.
"Consunji Estates you say?" pagkaklaro nito.
Mabilis na tumango ang babae. "Yes, a—"
"Get out," putol nito sa sinasabi niya. Kitang-kita ni Agatha kung paano nawala ang ngiti sa labi ng gobernador. Pagkatapos ay matalim itong tumingin sa kanya dahilan para bahagya siyang mapaatras. "Get out of my office. I won't be signing those documents," matigas nitong sabi.
"M-May I ask why?" tanong niya.
"I believe I already sent a letter to your company," may riin nitong sambit. "I hope you're not stùpid enough to not to know of it. Now leave."
Mabilis na umiling si Agatha. Hindi. Hindi siya pwedeng umalis. Isang pirma na lang. Ilang minuto lang ang itatagal no'n at matatapos na niya ang ibinigay sa kanyang trabaho. Makakabalik na siya sa dati niyang buhay.
"I won't leave not unless you sign these," pagmamatigas niya. "It won't cost you half an hour to sign these a—"
"Hindi ka aalis? Then I will," sagot ng gobernador bago siya mabilis na nilagpasan. Napaigtad pa siya nang marinig ang marahas na pagsara ng pinto.
Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan. Napatanong tuloy siya kung alam ba ng kuya niya na ganoon ang magiging reaksyon ng gobernador; na kung iyon ba ang rason kung bakit pinayuhan siya nito na huwag gamitin ang pangalang Consunji.
"Just what the hell is going on?" naibulong na lang niya bago lumingon sa nakasarang pinto.
Naghintay pa siya ng ilang minuto, nagbabakasakali na bumalik ang gobernador pero halos isang oras na siya roon ngunit hindi pa rin ito nagpapakita, kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumayo at umalis na lang. Pero hindi ibig sabihin no'n ay susuko na siya. Hindi pwede!
She's so close to getting her old life back. Just one more signature and she's free. Kaya hindi siya susuko. Hindi siya aatras. If she has to visit his office for days, then gagawin niya. Papipirmahin niya ang gobernador kahit na anong mangyari.
She will do everything to have his signature. Everything!