HINDI maigalaw nang malaya ni Agatha ang kanyang mga kamay dahil sa leather cuffs na isinuot ni Alfonso sa kanya. Hindi rin niya alam kung ano na ang nangyayari sa paligid dahil sa telang nakaharang sa mga mata niya. Pero hindi ‘yon ang inaalala niya, kundi ang biglaang pagbabago ng pakikitungo ng lalaki sa kaniya. It was so sudden. Wala siyang makitang dahilan para umakto ito nang gano’n. Wala siyang natatandaang ginawa niya para magbago nang gano’n kabilis ang ugali nito sa kanya. “Alfonso...” kalmado niyang tawag sa pangalan nito. Kahit hindi niya nakikita ang lalaki ay ramdam niyang nasa harapan niya lang ito at nakatitig sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang titig nito na tila nanunuot sa kanyang balat. “Ano bang nangyari?” “Nothing,” maikli nitong sagot bago niya naramdaman ang maini