Napatitig na lang si Agatha sa salamin nang makita niya ang maitim na bilog na nakapalibot sa magkabilang mata niya. Hinawakan niya ang kanyang pisngi at umiling-iling. “No, no, not today!” aniya bago mabilis na inabot ang cream na ginagamit niya para kahit papaano ay maagapan niya ang bakas ng puyat sa mga mata niya. Hindi kasi siya nakatulog nnag maayos kagabi dahil sa pag-iisip tungkol sa naging sagot ng gobernador sa kanya.
Hindi niya mapigilang mapaisip kung ano ba ang gusto ng gobernador, kung ano ang ipapagawa nito sa kanya. Pero malakas ang kutob niya na pera ang hihingiin nito. Iyon naman kasi ang karaniwang hinihingi ng ibang mga politiko—pera. Pero ang problema ay ‘yon mismo ang wala siya. Frozen ang bank accounts niya, at tanging savings account niya lang ang nagagamit niya sa kasalukuyan.
"I guess I just have to sell my bags,” bulong niya sa sarili niya pero agad din siyang napailing. "No. No way. I love those bags. They're my babies."
Napabuga na lang siya ng hangin bago tinapos ang paglalagay ng make-up. Plano niyang mag-ayos nang todo at baka madala pa sa ganda ang pirma ng gobernador. Isang simpleng puting dress lang ang isinuot niya at ipinares niya sa itim na bag at white gold set of jewelry.
"Perfect," nakangising sambit niya bago nag-spray ng matamis na pabango. "It's time to go," aniya at kinuha ang cellphone niya para tingnan ang address na s-in-end sa kaniya ng nagpakilalang secretary ng gobernador. "El Caridad, huh," bulong niya bago tumayo at naghanda na.
Kinuha niya ang mga dokumento at inilagay sa magandang lalagyan. Nilagyan din niya ng pabango ang envelop bago siya tuluyang umalis. Nag-book siya ng taxi at sinabi ang address dahil hindi niya alam kung saan ang restaurant na sinabi ng secretary.
Nang makaupo ay hindi na siya mapakali. Parang sinilaban ang puwit niya habang kumakabog nang malakas ang kanyang dibdib. Finally, mapipirmahan na rin ang mga dokumento at matatapos na ang proyekto at makakabalik na siya sa dating buhay niya. Sisiguraduhin niyang matatapos ang proyekto sa araw na ito mismo. She will give whatever that governor will demand and even do whatever he wants.
Umabot ng halos kahalating oras bago siya makarating sa El Caridad. She had low expectations about the place, kaya ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang isang sopistikadang ancestral house na ginawang restaurant. May signage sa itaas ng pinto nito na gawa sa kahoy.
"Welcome to El Caridad, ma'am!" masiglang bati sa kanya ng staff. Nakasuot ito ng tradisyunal na baro't saya. "May reservation po ba or just a walk in customer?"
"I have a reservation with Honorable Alfonso Manuel Villaruel," sagot ko sa kanya. "You can verify it with him. Tell him Agatha Mendez is here," pahabol niya at matamis na ngumiti.
Tumango sa kanya ang staff at matamis ding ngumiti. "Okay, ma'am. This way po," tugon nito bago siya ginabayan papunta sa mini lobby ng restaurant. "Ma'am, kindly wait for a while po, ha? As soon as ma-verify po ang reservation ninyo, we will guide you to your table."
"Sure, no worries," sambit niya.
Tumango lang at nag-excuse ang staff sa kanya. At habang hinihintay niya ito ay inilibot niya ang tingin sa paligid. Makaluma ang ambiance ng lugar. Para kang bumalik sa panahon ng mga kastila. Maging ang mga kagamitan ay makaluma.
Marahan siyang napatango at ngumiti. Unang beses niyang makapunta sa ganitong klaseng restaurant at hindi niya ipagkakailang nagustuhan niya ito dahil bagong-bago ito sa panlasa niya.
"Ms. Agatha..." Agad siyang napatingin sa unahan nang may tumawag sa kanya. Nakita niya ang staff na lumalapit sa kanya habang matamis na nakangiti. "This way po."
Tumayo na siya at agad na sumunod sa staff. Bawat hakbang niya ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit, pero hindi siya mapakali. Siguro dahil naiisip na niyang makakabalik na siya sa dati niyang buhay pagkatapos ng araw na ito. Handang-handa na siyang tawagan ang kapatid at ibalitang tapos na ang proyekto.
"We're here po." Napatingin siya sa pinto kung saan sila huminto.
"A private room?" bulalas niya at hindi napigilang mapataas ang dalawang kilay.
Tumango ang staff sa kanya. "Yes, ma'am. We do offer private rooms for important meetings," sagot niya bago tuluyang binuksan ang pinto.
Bumungad kay Agatha ang isang round, wooden table na may dalawang upuan lang. Naroon nakaupo si Alfonso sa isang upuan at sumisimsim ng tsaa. Kitang-kita ni Agatha kung paano ito tumitig sa kanya mula ulo hanggang paa.
Napamura siya sa kanyang isipan dahil iba kung makatingin ang gobernador. The way he stares at her gives her a funny feeling. She find his eyes sexy and dangerous.
Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili niya. Alam niya sa sarili niyang attracted siya sa gobernador. He's her type. Lahat ng pisikal na katangiang mayroon ito ay ang hinahanap ni Agatha sa isang lalaki. Hindi naman ito ang unang beses na may nakilala si Agatha na matangkad, moreno, maskulado, at guwapong lalaki, pero ito ang unang beses na may nakilala siyang halos perpekto ang kombinasyon ng mga nasabing katangian.
"Good morning, Mr. Governor," magalang niyang sambit bago umupo. Ngumiti siya nang matamis kasabay ng paglapag niya ng bag sa gilid at paglagay ng envelope sa mesa.
"Good morning, Ms. Agathat," magiliw na tugon ng gobernador.
Nanigas ang magkabilang hita niya nang marinig ang baritonong boses ng gobernador. Lalaking-lalaki at ang sexy sa tainga.
"S-So, have you decided to finally sign these documents?" tanong niya. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa dahil hindi naman ilang gobernador ang top priority niya kundi ang mapirmahan ang mga dokumento at nang makabalik na siya sa dating buhay.
Doon na lang niya babalikan ang gobernador para akitin. Her life and inheritance is more important than him:
"Yes," maikling sagot ni Alfonso bago ngumisi. Itinukod nito ang magkabilang siko sa mesa at pinagdaop ang mga palad. Pagkatapos ay diretso itong tumitig kay Agatha.
Hindi kinaya ng babae ang intensidad ng mga mata ng gobernador kaya nagkunwari siyang may kinuha sa bag niya maiwasan lang ang titig nito. He's dangerously tempting. Hindi niya alam kung makakaya niya bang tagalan ang titig ng gobernador nang hindi bumibigay.
"S-So, what is it, Mr. Governor?" sagot niya bago pasimpleng humugot ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili. She did her best to compose herself before meeting his gaze. Pinilit niya ang sariling ngumiti at umaktong normal. "Tell me what dl you want to sign these documents. Name them and I'll give it to you."
Nakita niya kung paano sumilay ang matagumpay na ngiti sa mga labi ng gobernador kaya natigilan siya at hindi napigilang kabahan. Hindi niya rin alam kung bakit 'yon ang naramdaman niya. Pero bahala na. Kung anuman ang hingin ng gobernador ay ibibigay niya ito agad-agad at nang matapos na ang paghihirap niya. Kating-kati na siyang bumalik sa dating buhay.
"I only want one thing, Ms. Agatha," halos pabulong na sambit ng lalaki bago ito senswal na tumingin sa kanya.
Kitang-kita ni Agatha kung paano siya pasadahan ng tingin ng gobernador. Malagkit ang mga tinging ipinukol nito sa kanya. At doon pa lang ay may ideya na siya kung ano ang gusto nito, pero ayaw niya lang pangunahan.
Napalunok siya nang maramdamang may kung anong bumara sa lalamunan niya. Hindi niya mapigilang mag-init sa mga tingin ng gobernador. Parang bumigat ang hangin sa paligid kasabay ng panunuyo ng lalamunan niya.
Ilang beses siyang lumunok ng laway at huminga nang malalim para lang makapag-ipon ng lakas para salubungin ang titig ng lalaki at mapakalma ang sarili. "Tell me, Governor Villaruel," mapanghamong sambit niya.
Nawala ang ngisi ng lalaki. Sumeryoso ang mga mata nito. "Ikaw. I want you, Ms. Agatha," diretsong sambit nito.
Agatha was already expecting it pero nabigla pa rin siya nang marinig ito mula mismo sa bibig ng lalaki. May parte sa kanya na kinilig at natuwa sa narinig, pero may parte ring kinabahan sa hindi niya malamang dahilan.
"W-What do you mean, Mr. Governor?" tanong niya. Nagkunwari siyang hindi naintindihan ang lalaki, pero gusto lang talaga niyang bigyan ang sarili ng panahon para kumalma.
"I know you know what I'm talking about, but in case you don't, then let me simplify it..." Tumitig ito sa mga mata niya kasabay ng pagsilay ng mapaglarong ngisi nito. "Be mine, Ms. Agatha. Surrender yourself to me and I will sign these documents," dagdag niya bago umayos ng upo. "That's my offer. That's what I want. Now, I want you to think about it carefully. Give it enough thought; whether you'll take it or leave it."
Hindi makasagot si Agatha. Maging siya ay hindi alam kung ano ang dapat isagot sa sinabi ng gobernador. Tama ito, kailangan niya nga ng sapat na oras para pag-isipan ang kondisyon nito. She just can't surrender herself to him without giving it enough thought. Kahit na gusto niya ang lalaki ay may pagpapahalaga pa rin siya sa katawan niya at reputasyon niya.
"This is your only chance, Ms. Agatha. There is no other way for you to convince me to sign these documents," dagdag ng lalaki.
Nakagat na lang ng babae ang labi dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin. His offer is quite tempting yet unexplainably dangerous.