"So, what's your decision?"
Ilang beses na kumurap si Agatha nang tanungin siya ng gobernador. Hindi niya maiwasang ma-pressure lalo na't mukhang naiinip na ang gobernador sa magiging sagot niya. Pero kasi, hindi basta-basta ang gusto nito. Hindi naman sa nagpapakipot siya—oo gusto niya ang gobernador, pero hindi rin naman niya agad-agad na ibibigay ang katawan niya sa kanya.
Humugot siya ng malalim na hininga para pakalmahin ang nagririgodon niyang puso. Gulong-gulo ang sistema niya kaya hindi siya makapagdesisyon.
"C-Can you give me some time to think about it, Mr. Governor?" tanong niya at hilaw na ngumiti. "It's something I can't just decide right now."
Inabangan niya ang magiging reaksyon ng lalaki, at nakahinga siya nanf maluwag nang marahan itong tumango, "Alright. I will give you a week to decide."
Napangiti siya sa narinig. "Thank you."
"But since we're here already, hayaan mo akong ilatag ang detalye ng kondisyon ko," sambit nito. Seryoso ang boses nito kahit na bakas ang mumunti at mapaglarong ngisi nito. "I need to be specific of what I want, right? Para naman alam mo rin kung ano ang ibibigay mo," paliwanag nito.
"R-Right," pagsang-ayon niya. Hindi niya napigilang mautal dahil kanina pa kumakabog nang malakas ang dibdib niya. Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman. There's something in him that makes her heart thump in uneasiness. Hindi niya lang matukoy kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. "So, what exactly do you want from me?" Sinubukan niyang maging kaswal para itago ang kabang nararamdaman.
Napalunok siya nang makita itong ngumisi at lumapit sa kaniya. "I want you to be my sèx slave, Ms. Agatha."
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Nawindang siya at hindi makapaniwala. She just heard the most shocking offer of her life. Ni minsan ay walang nag-alok nang ganoon sa kaniya. She had received indecent proposals before, but this one is the most extreme and unexpectedly shocking.
"S-Sorry?" kunot-noo niyang tanong. Her mind refuses to understand what she just heard.
"Be my sèx slave," ulit ng gobernador. "But don't worry, it won't be forever. Maybe a month will do," dagdag nito sabay ngisi. Bakas na bakas sa mukha nito ang pagkaaliw.
Hindi na napigilan ni Agatha na itaas ang dalawang palad niya sa ere. "Wait. Saglit lang, Mr. Governor," pigil niya rito bago niya inabot ang isang baso ng tubig at nilagok ito nang isahan lang. Mariin siyang pumikit at dinama ang lamig ng tubig na kumakalat sa sistema niya. Pagmulat ng mga mata niya ay sinalubong niyang muli ang titig ng lalaki. "Sèx slave? Like alipin sa kama?"
"Yes," mabilis nitong sagot. "You will do everything I ask you to. No complaining," paglilinaw nito. "But of course there will be rules to follow and boundaries to observe."
Mariin siyang napailing. "Wait, wait, wait. Saglit lang talaga." Napaawang na lang ang bibig niya sa naririnig. She couldn't believe she's hearing it from someone who's respected and adored by a lot of people; for someone who has honorable before his name. "Are you sure that's what you want, Mr. Governor?" ulit niya. Ayaw paniwalaan ng isip niya ang mga salitang namutawi sa bibig ng lalaki. Hindi niya talaga inasahan 'yon. She was shocked as hell.
"Yes," madiin nitong sagot. "So, I will give you a week to decide about it. That's the longest time I can ever give you. Kapag wala ka pang desisyon pagkatapos ng pitong araw, then consider this agreement void and forget about having your project approved," dagdag nito bago tumayo. Inayos nito ang suot na damit bago muling tumingin sa kanya. "I have to go now. I still have a number of errands to do."
"O-Okay." Iyon na lang ang lumabas sa bibig ni Agatha habang nakatingin sa lalaki. Hanggang ngayon ay nasa gulat na estado pa rin ang isip niya.
"Here's my contact number. If ever you come up witj a decision before a week, don't hesitate to contact me," sambit nito bago inilapag ang isang piraso ng papel. "Once you agree with my condition, I will lay out the whole details about it."
Kinuha niya ang papel at isang tango lang ang naging sagot niya. She couldn't believe it's happening. Akala niya sa mga palabas lang 'yon nangyayari.
Pinagmasdan niya lang umalis ang lalaki hanggang sa maglaho ito sa paningin niya. Nang tuluyan itong makalayo ay doon niya lang napansin na pigil pala ang paghinga niya kanina pa.
"W-What was that?" naibulalas niya na lang bago muling uminom ng tubig.
Gusto niyang kumbinsihin ang sarili niya na hindi seryoso ang gobernador sa alok nito, pero hindi maalis-alis sa isipan niya ang mukha nito habang sinasabi ang mga salitang 'yon. There is no way he is joking.
Nakagat na lang niya ang labi niya bago nasabunutan ang sarili. "Paano na 'to? What should I do?"
---
NAKATITIG lamang sa kisame si Agatha habang hawak-hawak ang calling card ng gobernador. Kanina pa siya nakauwi galing sa El Caridad pero parang nandoon pa rin siya dahil sariwang-sariwa pa rin ang naging pag-uusap nila ng lalaki.
Pilit niyang tinitimbang ang mga bagay-bagay upang matulungan siyang makapagdesisyon nang maayos. Mas naging komplikado kasi ang sitwasyon. Hindi rin naman siya basta-bastang papayag na lang sa alok nito. She knows there's more to it at hindi pa lang nito sinasabi sa kanya.
'That guy is clever,' sa isip ni Agatha. Sa tingin niya kasi ay sinadya nitong hindi sabihin ang iba pang detalye ng kondisyon nito dahil paniguradong makakaapekto ito sa magiging desisyon niya.
Iyon ang isa sa mga rason kung bakit hindi siya agad-agad na um-oo sa gusto nito. She doesn't know what awaits her once she says yes.
Napabuga na lang siya ng hangin bago gumulong papunta sa gilid ng kaba sabay abot ng cellphone na nasa ibaba ng lampshade. Agad siyang nag-dial ng numero saka ito tinawagan.
"Come on, pick it up," bulong niya sa hangin nang matapos ang ilang ring ay hindi pa rin ito sinasagot. Nagsisismula na siyang mainip pero kinokontrol niya lang ang sarili. "Salamat naman at sinagot mo!" bulalas niya nang marinig ang boses ng kapatid sa kabilang linya.
"You know I'm busy, Agatha," masungit na sagot nito.
"Well, I called to ask you one thing. This is really important so answer me with all honesty," panimula niya bago humugot ng hininga. "What will happen if I fail to get these documents signed?"
Nakagat niya ang ibabang labi at hindi napigilan ang pagkabog ng dibdid habang inaabangan ang magiging sagot ng kapatid.
"Kuya..." Napanguso siya nang hindi ito agad sumagot. Mas lalo lang siyang kinabahan. "Answer me, please!"
"Isn't it obvious? Your accounts will remain frozen and your inheritance will remain at risk," simpleng sagot nito. "If you fail this project, then you will have to go back and work in our company again. But with your skills right now, I doubt if you can convince me and our parents to let you have your life back," dagdag nito.
Nakagat niya ang labi dahil bawat salitang binitiwan ng kapatid ay tila kutsilyong tumusok sa kanyang dibdib. "A-Ang sakit no'n, ha," angal niya at muling ngumuso kahit hindi naman ito makikita ni Sullivan. "Well, ayoko rin namang bumalik diyan sa kompanya mo!" pasigaw niyang sabi. "Maghintay ka lang, kayo. Papatunayan ko sa inyo na kaya kong i-accomplish ang project na ibinigay n'yo sa akin. I will prove you all wrong for doubting me!"
"Let your results speak, Agatha. Show me progress and I will believe you," sagot ng kapatid bago ibinaba ang tawag.
Napatili na lang sa galit ang babae bago nagsisisipa sa ere. "Bwisit! Bwisit!" Mariin niyang hinawakan ang cellphone niya bago ito inihagis sa kama. "Makikita n'yo!"
Napabangon siya at inayos ang buhaghag niyang buhok. Hindi niya maitago ang inis na nararamdaman sa kapatid. Parang wala itong awang nararamdaman para sa kanya.
Muli siyang napatili sa inis at pinagsusuntok ang unan.
Hindi niya mapigilan ang sariling ma-frustrate. Tinawagan niya kasi ang kapatid para sana kausapin at baka makatulong ito sa pagdedesisyon niya, pero nagsisi at nabwisit lang siya dahil dumagdag lang ito sa kaguluhan ng isip niya.
Gusto niya sanang tawagan ang ina para konsultahin ito tungkol sa gusto ng gobernador, pero hindi na niya itinuloy dahil alam na niya agad ang magiging sagot nito.
Alam niyang hindi papayag ang ina niya; na mas gugustuhin pa nitong magtrabaho siya sa kompanya kahit pa ilang taon kaysa ang isuko niya ang katawan niya sa isang lalaki.
Napabuga na lang siya ng hangin bago hinayaan ang katawang bumagsak sa kama. Napatitig siya sa blangkong kisame.
Hindi niya talaga maintindihan kung bakit ginawa sa kanya ito ng pamilya niya. Well, aware naman siyang may kasalanan siya; na naging pabaya siya sa pera at sa career niya, pero hindi niya talaga deserve ang tratuhin nang ganito. Parang ang dating sa kanya ay walang tiwala ang pamilya niya sa kakayahan niya, dahil kailangan pa niyang may patunayan sa kanila.
"Well, if that's what they want, then I'll give it to them," bulong niya sa hangin bago muling inabot ang cellphone at kinuha ang calling card ng gobernador.
Nakapagdesisyon na siya. Susugal na lang siya sa kondisyon nito kaysa patuloy niyang patunayan ang sarili niya sa pamilya niya. Sisiguraduhin niyang ipapamukha niya sa kanila na nagkamali sila sa pagkuwestiyon sa kanya. Sisiguraduhin niyang mawiwindang sila sa gulat sa oras na malaman nilang nakuha niya ang pirma ng gobernador na ilang beses nang tumanggi na aprubahan ang proyekto ng kompanya nila.
"Who's this?" rinig niyang sagot ng gobernador sa kabilang linya. Brusko ang boses nito at kaysarap pakinggan.
"It's me, Agatha Mendez," sagot niya. At bago pa man makapagsalita ang lalaki ay nagpatuloy siya, "I made up my mind."
"Oh, Ms. Agatha," tugon nito. Kahit hindi niya nakikita ang lalaki ay alam niyang nakangisi ito ngayon. "So, what's your decision?"
"I'll surrender myself to you. I'll be your slave, Mr. Governor," matapang niyang sambit. Wala nang atrasan 'to. Nakapagsimula na siyang humakbang kaya hindi na siya titigil hangga't sa marating niya ang dulo ng daang tinahak niya. It's now or never.
Sa isip niya ay isang maliit na sakripisyo lamang ang gagawin niya, dahil sa oras na makuha niya ang pirma ng gobernador ay babalik na siya sa dati niyang buhay at sisiguraduhin niyang mas sasakit pa ang ulo ng mga magulang at ng kuya niya sa kanya. She will prove them wrong and make them pay for doubting her, even if she has to be the governor's slave!