Chapter 30: Mischievous Smirk

1855 Words
Victoria's Point of View " Focus! Ano ba Salamander!" Sigaw ko nang matamaan ko ulit ang mukha nito. Tsk tsk tsk. Nag eensayo ngayon ang mga death knights para sa c*****e. Balik ensayo din kami ng mga Commando pero unlike sa mga death knights. Kami mismo ang nag eensayo sakanila. " Strike one Python!" Sigaw din ni Zulu nang matamaan nya si Python ng kanyang crescent kick. " Time out muna Delta. I'm out of breathe." Sabi ni Salamander " Sa c*****e walang time out. " " Pero- " Do you want to Spar with Anthracosauria instead?" Nakangisi kong sabi. Bigla naman syang nanigas sa sinabi ko nang marinig nya ang champion ng Amphibian sa nakaraang c*****e. Harpy remained the Champion sa Winged. King Cobra and Black Mamba in Venom. Sa Reptilian naman ang infamous na Komodo Dragon. Ewan ko kung nasaan sya ngayon. He's stealthily in a very important mission right now galing kay Alpha. Sa Mammalian naman ay ang fearless na si Lioness. At hindi magpapahuli ang isa sa hindi ko inaasahang mananalo sa mga Marines. Barracuda became the champion. " Release that strength Salamander. Do you want to win the c*****e right? Ilabas mo!" Sigaw ko kay salamander. Sumeryoso na ang mukha nya. Pagkatapos ay umatake na. Salamander is strong. Hindi lang nya alam kung paano gamitin ang lakas na iyon kaya I'm here to trigger his full strength. " Ganyan!" Cheer ko sakanya habang patuloy din syang inaatake. Tumagal pa ng ilang minuto ang sparring namin bago nya ako tuluyang matamaan sa balakang dahil nabigla ako sa biglaang pag divert nya ng atake. He's so good at that at hindi ko inaasahan na gagamitin nya iyon saakin. " Oh my gosh Delta I'm so sorry!" Hinging paumanhin nya sakin. Tumawa lang ako at tinapik ang balikat nya " You did great! Magpahinga kana. Be ready for the last battle kasi hinding hindi mo matatakasan si Anthracosauria. But as you can see. You are able to hit me already. After resting, continue ka sa endurance training. " Sabi ko kay Salamander at saka kumuha ng tubig para uminom. Pagpasok ko sa kitchen ng underground training center namin ay nakaramdam ako ng pananakit sa bandang puson ko. Is it the time of the month? Namimilipit ako sa sakit at napasigaw ako. " Delta! Delta are you okay?" Hindi ako makasagot dahil parang may laman na kung ano man sa loob ang pumipintig. " Dinudugo ka!" Sigaw ng ibang Death knights. Naramdaman ko nalang na may bumuhat sakin bago ako mawalan ng malay. Valentine's Point of View Hikab ako ng hikab dito sa veranda kahit kakagising ko lang at uminom ng sangkaterbang kape. " Buntis ka talaga siguro Valentina. Seryoso? Avocado sa umaga na may yogurt at bacon? " Bungad sa akin ni ate nang makita nya ako. " Tigilan mo nga ako. Hindi ako buntis ano!" Sigaw ko sakanya habang patuloy na kumakain. " It's 6 am! Go get something decent to eat! Goodness me." Bulyaw sakin ni ate " Bakit ba? Eh sa ito gusto kong kainin eh. " Sabi ko Ilang araw na din akong ganito Ewan ko ba bakit. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Skyler dahil magpapabili ako ng pagkain. Nagdial muna ako bago itutok sa tenga ko. Narinig ko pang may humikab sa kabilang linya bago magsalita. (" Goodmorning Love. Napatawag ka?" ) Bungad sakin ni Skyler Ewan ko ba. Recently hindi na ako naaasar sa mukha nya. Parang hinahanap ko pa nga. Ewan nakakainis na yung ganito. " Ahm goodmorning Sky. Pwede ba ako magpabili sayo ng grapes? Saka burger, fries, donuts, pizza at saka yung spaghetti na lutong bahay. " Sabi ko (" Right now? Wala pang bukas na store mahal. Pwedeng mamaya nalang?") Sabi nya sakin sa kabilang linya Ewan ko ba kung bakit ako naiiyak . Ang babaw ko ba? " Ayaw mo?" Humihikbi kong sabi (" s**t don't cry. Okay okay magbibihis na ako. Maghahanap ako. ") " Nakakaistorbo ba ako sayo? Sige sorry." Umiiyak kong sabi (" No, no, palabas na nga ako ng bahay. Hintayin mo ako jan.") Sabi nya. Narinig ko pang may kumalabog sa kabilang linya at may umaray. (" I'll call you back. I love you.") Sabi nya bago pinatay ang tawag. Umupo lang ako dun habang tinatapos ang pagkain. " Buntis ka nga." Komento ulit ni ate Kitania habang bitbit yung kape sa kaliwang kamay at gatas ni Kania sa kanang kamay. " Hindi ako buntis, bakit ba." Singhal ko " Sinong matinong tao ang tatawag sa jowa nya ng ganito kaaga para bumili ng fastfood? Siraulo kaba Valentina? Wala pang bukas ngayon." Ngumuso lang ako. Eh sa hindi naman talaga ako buntis eh. " Hindi ko yun boyfriend ate. At lalo nang hindi ako buntis. Walang nangyari samin." Depensa ko " Ganyan ako nang magbuntis ako kay Kania. Ikaw lang makakasagot nyan. Ngayong hindi pa natin alam kung saan tinangay si Victoria ni Mr. Azreal. Wag mo munang dagdagan sana ang problema natin." Dagdag ni ate Kania. " Alam ko naman yun ate. Kaya nga naghahanao din ako ng paraan para macontact sya." Sabi ko. So far si Louis, Viandre, Skyler at ang Magpinsan na Aubrium ang nakakausap ko tungkol dito. Maski sila ay walang lead. Ilang araw din bago makabalik ang Magpinsan na Aubrium dahil sa misteryoso nilang pagkawala. Wala silang sinabi pero kahina hinala na nawala sila at nakabalik nang walang galos at ayaw din sabihin kung anong nangyari. Gulong gulo ako. •Dingdong!• •Dingdong!• •Dingdong!• " Hoy buksan mo muna! Nagpapadede ako sa pamangkin mo!" Sigaw ni ate Dali dali naman akong tumayo at saka pumunta sa pinto. Pagbukas ko ay bumungad sakin ang mukha ng lalaking hindi ko inaasahan na nakadamit pantulog pa at may eye cover pa na nasa ulo nya at saka naka tsinelas panloob pa. " Goodmorning." Ngumiti sya sakin at saka hinalikan ako sa noo. " G- goodmorning." May pag utal ko pang sabi. " Pasok ka." Sabi ko Pumasok sya. Amoy na amoy ko ang mabangong pagkain na dala nya. " Kumain naba mga kasama mo dito? Bumili ako para sa lahat." Sabi nya habang nilalapag sa mesa ang mga pagkain. Sakto din na lumabas si ate Kitania habang bitbit ang pamangkin ko. " Kita mo yang kagagawan ng kapatid ko. Hindi na nakabihis yang boyfriend mo. " Parinig nya sakin. " Goodmorning po." Bati sakanya ni Skyler " Goodmorning sayo! Pagpasensyahan mo na yang si Valentina ha. Naglilihi siguro. " Natatawang sabi nya " Sinabing hindi ako buntis ate." Sabi ko habang nakabusangot. " Lagi namang naglilihi tong mahal ko Ma'am haha" sagot ni Skyler " Oh please, call me ate future brother in law!" " Ignore her. Kumain kana rin. Sabay na tayo." Sabi ko at saka binuksan ang box ng pizza at saka sumubo ng fries at sumubo ng spaghetti. " Slow down. I'll buy you again kapag naubos." Saway ni Skyler sakin. Natatawa lang sya sakin habang kumakain din. " This is my brother's clothes. Saka ito ying underwear nya na hindi pa nya nagagamit." Sabi ko sakanya habang pinipilian sya ng damit pagkatapos naming kumain. Uuwi sana sya pero ayaw ko syang pauwiin. Gusto ko na dito lang sya sa bahay. " Hindi ba pwedeng bumalik nalang ako mamaya?" " May iba kabang gagawin?" Tanong ko " Wala naman pero- " Edi dito ka nalang. May mga damit naman dito sa bahay. Ayaw mo ba? Maghanap ka nalang ng ibang babae mo bwisit!" Sabi ko saka lumabas ng kwarto ni kuya. " Oo na, maliligo na. Nasaan ang banyo?" Kakamot kamot syang nagtatanong sakin. Ngumiti naman ako at saka tinuro ang Bathroom sa may dulo. Pasipol sipol akong bumalik sa kwarto ko at naligo din. May sarili akong banyo. Victoria's Point of View Napamulat ako nang maramdaman na may humahaplos sa buhok ko. " Ayos ka lang ba Tori?" Tanong sakin na kung hindi ako nagkakamali ay si Mavericht. " Anong ginagawa ko dito?" Tanong ko " Nawalan ka ng malay kaya dinala ka dito. Ako na muna ang nagbantay sayo kasi iniwan ka ng magaling na nagbabantay sayo kanina." Sagot nya " Anong sabi ng doctor? May mali ba sakin? " Tanong ko " Hindi ko gusto na saakin manggaling ito Tori, mas mabuti siguro na Doctor nalang ang makakapagsabi sayo nyan. Teka tatawagin ko lang." Sabi nya at saka pinindot ang button para tumawag ng Doctor. Ilang minuto lang ay may pumasok na na doctor sa loob. " Miss Melendez?" Tanong nya sakin habang binabasa ang chart. " Ako po Doc. Ano pong findings?" " Buti nalang nadala ka kaagad dito sa Hospital. Any minute na nadelay ay posibleng malagay sa peligro ang buhay mo at ang dinadala mo." Sabi ng doktor Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya. " Hindi ko po kayo naintindihan doc. Dinadala?" " You are 6 weeks pregnant miss Melendez. Congratulations. Pero maselan ang pagbubuntis mo. Is the Father coming here?" Ako? Buntis? Napahawak ako sa bibig ko. " Hindi!" Sigaw ko." Run another test Doc. Imposible na mabuntis ako." Sabi ko dahil isang beses lang namin ginawa yon. " The test is clear. We have your ultrasound here and the fetus is inside your womb. There's nothing we can do about that miss Melendez. You are clearly 6 weeks pregnant." Sabi ng Doctor. " If there's any more questions you can call me again later or if not. I'll still be back after 2 hours." Sabi nya bago lumabas Napatulala ako habang tumutulo ang luha ko. " Sinong ama Tori?" Hinawakan ni Mav ang balikat ko. " Si Mr. Azreal ba?" Tuluyan na akong humagulhol dahil sa sinabi nya. Nabuo sakin ang pagmamahalan namin na hindi dapat. " Kelangan malaman nina Alpha na Buntis ka." Sabi ni Mav " Wag! Wag ngayon, please Mav. Baka tanggalin ako sa posisyon ko. " Sabi ko " Commando Delta! This child is innocent. Kung anong mangyari sayo. Ay ganun din ang sasapitin ng bata. Think about it. " Sabi nya " Paano na ang mga bata sa Organization na under ko? Hindi ko din sila pwedeng pabayaan." Sabi ko Ngumiti lang sya sakin. " I'm not that I am now kung hindi dahil sayo. Wag kang mag alala. Ako na ang bahala." Sabi nya. Iniabot nya sakin ang cellphone na sa tingin ko ay pag aari ko dahil sa pamilyar na case. " I brought this after I crept into your house the last time I called the false abduction. " Sabi nya at saka inilahad ang phone.. " You did what?" Gulat kong tanong. Tumawa lang sya. " I did that to track you at ibigay kina Falcon. Besides. Helfeim is also making a move sa loob ng Empire." Sabi nya " She's in danger! Hindi nya alam kung anong ginagawa nya." " Relax she's in good hands." Sabi nya. " For now, just go with the flow." Tinignan ko sya ng matiim. Pero I get nothing but her infamous and Mischievous smirk. I'm getting nervous. Nasisiguro ko na nasa leeg ko na ang kutsilyo na papatay sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD