Chapter 29: Tagos sa Epiglottis

1613 Words
Victoria's Point of View Ilang araw na akong nagsisignal sa Organisasyon gamit ang nadekwat kong cellphone ng mga maids ni Azithere. Morse code ang pinapadala ko thru vibration signals para hindi masyadong halata. " Mistress, may kakainin ka po ba ngayon?" Tanong sakin ni Cazen bago lumabas ng silid ko. Umiling lang ako dahil wala akong gana. Gusto ko ng lumpia. " Lumpia parin ba ang hinihingi mo? Hindi ko naman kasi alam kung saan kukuha ng wrapper." Sabi nya sakin " Wag mo nang intindihin yon. Makakaalis kana Cazen." Sabi ko Tumango lang sya bago lumabas. Pumasok din si Alexander para siguraduhin na nandito lang ako bago lumabas at i lock ang pinto pati ang mismong mga bintana gamit. " Azithere wants you to know that he'll be back later. " Tumango lang ulit. Masama talaga pakiramdam ko. " Masama parin ba ang pakiramdam mo?" Umiling lang ako at saka sya pinalabas. Habang natutulog ang lahat ay hinay hinay akong bumangon sa hinihigaan ko to sneak and send another series of morse codes. " What are you doing?" Sabi ng boses lalaki na hindi ko inaasahan na maririnig ko. " Falcon." Bigla kong sambit " Delta." Hinay hinay syang lumapit sakin. Nakamaskara parin sya. " Anong ginagawa mo dito Falcon?" Bulong ko at saka hinila sya para hindi sya marinig sa bugs na ipinunla dito ni Azithere. " I came to save you. The venoms are outside waiting for us. They put toxic fumes outside para ma knock out sila." Sagot nya sakin. " Did you receive my morse codes?" Tanong ko Umiling sya. " Thank you for sending Ava and Yaz here." Sabi ko " Ava and Yaz?" Nagtatakang tanong nya " You did not?" Nagulat kami nang biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa nito ang dalawang babaeng pinaguusapan lang namin. " He didn't know Delta. Si Yankee ang nagpadala samin dito. Sya ang nakareceive ng morse codes mo " Sabi ni Yaz, AKA Commando Zulu. " Alexander almost hit my face your highness!" Sigaw ni Ava nang makapasok nang tuluyan sa silid. She's Death Knight Python. " We need to get out of here. Nasaan na ang mga Venom?" Tanong ko " They're outside. Let's go habang umeepekto pa ang toxic fumes ng mga venom. " Sabi ni Python and she just slithered out of the windowpane. " Snakes." Commento ni Zulu at saka lumabas din. Napatawa lang ako dahil hindi ko akalain na pupunta pa talaga sila dito just to save me. " The c*****e is in 15 days. We have to rescue you." Sabi ni Falcon at saka hinila na ako palabas. Patawad Azithere. If you won't give up on hunting my Organization. I won't give up on hunting yours also. Paglabas ko ng Palasyo ni Azithere ay nakita kong nagfoformation na ang mga venom sa labas. " We only have few more minutes before the fumes subside." Sabi ko. " You all did great!" " The Empress is commiting treason. Would that be punishable by death?" Natatawang sabi ni Sandra AKA Death Knight Black Mamba ng Venom. " Welcome back to DWE Commando Delta." Sabi naman ni DK King Cobra ang leader ng Venom na si Mitz. " IT'S AN HONOR TO SAVE YOU COMMANDO DELTA!" Chorus ng Two Headed Sea Snake na sila May Ann. They're my VENOM SQUADS. Napangiti lang ako dahil isa sila sa mga inensayo ko. They're older than me but they're willing to be trained. " The honor is mine Mitz, May Ann, Sandra,Ava and My good friends." Nagagalak kong sabi. " I may be a little bit incapable and already disappointed you and I'm sorry for that." Sabi ko " The drama can Wait. We have to leave the vicinity. The chopper is here. Let's go." Singit ni Falcon. Minsan talaga may pagkabastos tong si Falcon. May dalawang chopper na nagladlad ng harness at isa isa kaming umakyat. Nang makaakyat kaming lahat ay lumipad na kami papunta sa Airbase kung saan nandoon ang Combat Plane namin. " Ilang araw na kayong nasa England?" Nagtataka kong tanong. " I just got here. The Venoms and the Mischievous duo were here a week ago to plan and execute it." Sagot ni Falcon. " You look fine to me Delta." Sabi ni Mitz sakin habang tinitignan ako ng maayos. " You did grow some cheeks." Sabat naman ni Sandra habang sinisipad din ang mukha ko Medyo tumaba nga talaga ako. Paano ay lagi nalang pagkain ang pinapadala sakin sa kwarto. Para yatang papatayin ako sa busog. " Did they torture you with Some inflammation drugs?" Tanong ni Falcon " No! Goodness gracious No. I sure hope not. Alam kong tumataba ako." Sabi ko. " Just shut it. So we can join the carnage." Sabi ko Nang dumating kami sa airbase ay binati kami ng mga Amphibians. " Sierra!" Sigaw ko nang makita ko sila Diane at Dianne pagkababa ko ng chopper. " Delta! Oh I'm so glad to finally see you!." Bungad sakin ni Diane. " Tumaba ka yata . Masarap ba pagkain dito sa England?" Sabat ni Dianne " Tumahimik ka Precious." " Sabing Dianne lng itawag mo sakin eh!" Kamot kamot lang yung ulo ko. Ibang klase pero nang makaupo na ako sa upuan ng Aircraft ay may gumuhit na sakit sa dibdib ko. Parang ang bigat. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. "Delta is crying." Anas ni Yaz nang makita nya akong tumatangis. " Are you okay?" In unison habang nahahabag na tanong sakin ng dalawang Sierra. Tuluyan na akong humagulhol. Nabigla ako nang biglaan nalang akong niyakap ni Falcon. " It's okay. You're safe now. Hindi kana ulit nila makukuha." Sabi nya You're wrong Falcon. Leaving Azithere means leaving my love and heart behind. Ewan ko kung sa huling pagkakataong pagkikita natin ay kung mahal mo pa ako. If not, then I just hope we die in each other's arms. THIRD PERSON'S POINT OF VIEW. Habang lulan ng Aircraft ang myembro ng DWE ay isang anino ang sumakay pabalik sa kanyang sasakyan at nagmaneho palayo. DWE PHILIPPINE AIRBASE. After several hours of direct flight from England to Philippines ay sa wakas nakarating na sila Victoria sa Airbase ng pilipinas. " Do you want to go home muna?" Tanong sakin ni Falcon Umiling lang ako. I better sleep sa headquarters muna. " How's Valentine?" Tanong ko " She's completely fine. The Mafias are surprisingly quiet here since your husband abducted you." Sagot ni Falcon. " He's not my hus- Napatigil ako sa isasagot ko. " That's okay, alam namin na ikinasal ka kay Mr. Azreal. So anong plano mo? Do you still want to continue being the Delta?" " Of course gusto ko. Hindi magiging sagabal ang relasyon namin ni Azithere sa Organization. Alexander's Point of View Isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha ko. " Where's my wife! " Sigaw nya sakin " I don't know! She was taken. We're all knocked out by some Fumes na biglang umalingasaw." " How can you be so careless!" Bulyaw sa akin ni Azithere nang makarating ito. " I'm sorry Your Highness." Hinging paumanhin ni Alexander. Napasinghal si Azithere habang hinihilot ang sentido nya. " I've been thinking about these a very long time ago. I might step down in my position as the Emperor." Nabigla kami pareho ni Tyronne sa sinabi nya at parehong umalma. " Hindi mo pwedeng gawin yan. " Sabat ni Tyronne " At bakit hindi? I served long enough in the industry of mafias. Nakakapagod. " " We don't want anyone except you. Sure, we have differences and disagreements sometimes pero hindi ako papayag na bumaba ka sa pwesto mo. The empire raised you and you raised the empire even more. You are making the Empire organized." " I agree with Tyronne your highness." Pagsang ayon ko habang hinihilot hilot yung panga ko na akala ko ay nadislocate na sa kanyang suntok. Ibang klase talaga sumuntok si Bossing. Tagos sa epiglottis. Hindi naman kasi pwede na basta basta syang manaog ng trono nya. " Tyronne and you are very welcome to have the Throne Alexander. Why would you ever want me to be the Emperor? I always wanted to have a wife and nothing else!" Sigaw nya sa amin. " Ayokong kumuha ng hindi sakin." Sabi ko " Ayokong maging si Dominic." Pumipitong sabi ni Tyronne. " Sorry for punching you." Hinging paumanhin ni Azithere sakin. Tumawa lang ako ng mahina. " Ano kaba. I misplaced your wife. Natural lang na masuntok ako. Malay ko ba na madami silang paandar. Damn! Now I understand why the Mafia Laboratories are going crazy of hunting them down." Sabi ko. I really don't wonder why the mafia laboratory is persuading Azithere to annihilate Victoria's Group. I also know na hindi lang ang grupo ni Victoria ang kumakalaban sa Lab. Natuklasan namin na ang HGP ng Laboratory ang responsable sa pagkamatay ni Vivienne. Dahil kasapi nila Victoria si Vivienne. We also need to do something with these tyrants. That's why we need Victoria to surrender her group to Azithere. Ewan ko ba kung masasabi ko din kay Azithere ang ibang impormasyon na alam ko at hinala ko. Mas mabuting itago ko muna ito bago makumpirma. Mahirap na baka imbes na suntok lang ang matanggap ko baka magsabunutan kami dahil sa mga tamang hinala ko. Valentine's Point of View Ang sama ng pakiramdam ko. Napamulat ako ngayong alas dose dahil nasusuka ako. " Are you perhaps pregnant Valentine?" bungad sakin ni ate Kitania nang makita nya akonh nagsusuka. " Goodness gracious ate hindi!" Sigaw ko pagkatapos kong ilabas lahat ng beer na ininom ko. Kelan kaya kita mahahanap Victoria?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD