Chapter 31: Victoria

1580 Words
Victoria's Point of View " Mav, may hindi ba ako nalalaman?" Nangangatal ang lalamunan ko sa tanong ko Tinignan lang nya ako bago sumagot. " Una palang alam ko nang ikaw yung gusto ni Mr. Azreal. Sa una ayaw ko pang maniwala. Pero nang araw na nawala ka. Saka ko na realize na ikaw pala talaga ang sinasabi nyang mahal nya." Malungkot nyang sabi. " Saka nung araw na nawala ka ay kasabay ng pagkawala din namin ni Helfeim." Dagdag nya " Anong nangyari sainyo? Sabihin mo Mav. Anong ginawa nila Azithere sainyo? Nalaman nya din ba na isa kayo samahan?" Nag aalala kong tanong Umiling lang sya at ngumiti. " Alam ni Tyronne. Pinadampot nya kami sa tauhan nya para usisain. Kaya nakipagsabwatan ako in advance na nawawala kami ni Helfeim dahil ayoko na hanapin kami ng organisasyon. Pero nalaman ito ng iba sa kasamahan natin kaya pinilit namin ni Helfeim si Tyronne na pakawalan kami sa Torturers room. Hindi naging madali yon dahil isa kami sa traidor ng parehong organisasyon. Nasayo na Delta kung pagkakatiwalaan mo pa ako." Nakayuko nyang sabi Huminga ako ng malalim. Ilang taon din kaming naging magkaibigan ni Mav. Di hamak na mas matagal ko din na naging kaibigan si Helfeim at ang namayapa nyang kapatid na si Vivienne. " Magkwento ka Mav. Nang maintihan ko kung bakit mo nagawa ito." Sabi ko Mavericht's Point of View " Magkwento ka Mav. Nang maintihan ko kung bakit mo nagawa ito." Sabi ni Victoria Napangiti ako ng mapait. Napakabait mo Victoria. Nuon pa man, kahit anong kapintasan ang hanapin sayo ay wala silang makita. " Isa kaming Associate ni Helfeim sa Empire. Yun ang tawag sa sibilisasyon ng mga Mafia at Yakuza na nasa pangangalaga ni Azithere. Nakapasok kami dahil sa kagustuhan na malaman ang mga galaw ng mga mafia. Sa kasamaang palad, nahulog ang loob ni Helfeim sa Emperor. Si Mr. Azreal. Pinapatahan ko non si Helfeim Dahil may mahal nang iba si Mr. Azreal. Hindi nya matatanggap kung sino man ang babaeng kinababaliwan nya. Naaawa ako sa tanga na pinsan kong yun. Labag man sa kalooban namin na kalabanin si Mr. Azreal pero kinakaylangan at saka sinusubukan din ni Helfeim na ibahin ang isip ni Mr. Azreal na itigil na ang hindi magandang gawain lalo na at madaming tao na ang inaapakan ng Mafia. Pero wala kaming magawa ni Helfeim dahil kahit ginawa na namin ang lahat, hanggang ngayon hindi parin bumabaliktad ang lamesa." Sabi ko. " Nang mamatay si Vivienne ay kumalat kaagad ang balita na nawawala sya. At nang panahon na iyon ay desidido din si Helfeim na kumpirmahin kung sino ang babaeng mahal ni Azithere kaya nakipagsabwatan ulit kaming dalawa sa tauhan ni Tyronne. Pero sa bibig na mismo nanggaling ni Tyronne na ikaw yon. Ang nangyari ay nadamay kapa sa kabaliwan ni Helfeim. Na expose ka sa mata ng Mafia pagkatapos mong patayin ang tauhan ni Tyronne. Nakita ka rin ni Alexander sa Labas dahil palagi ka nyang sinusundan. Nang pakasalan ka ni Azithere ay dun na kami nagduda na may iba pang dahilan kung bakit ka nya pinakasalan. Nag file kami kaagad ng fake abduction para sundan ka pero hindi paman kami nakakalayo ay mga tauhan na kaagad ni Tyronne ang pumigil samin. Ilang araw kaming naka confine sa Torturers room pang blackmail sayo pero duon din nagsimula ang interrogation. Ilang araw kaming nagdusa ni Helfeim. Wala kaming dapat sabihin. Dahil nakasalalay ang buong organisasyon sa maaaring malaman nila. Nitong huli ay pinakawalan din kami ni Tyronne dulot din sa pinakitang pekeng katapatan ni Helfeim. Ilang araw bago kami makatakas ay syang pag anunsyo ni Alpha ng c*****e. Patawad Delta kung isa kami sa mga tao na hindi mapagkakatiwalaan. Sana mapatawad mo din si Helfeim" Hinging paumanhin ko kay Victoria Niyakap kong mahigpit si Victoria. Alam ko na nagdudusa sya sa kamay ni Mr. Azithere. Pinasok namin ang Mafia para lang malaman ang mga sikreto nila. Hindi din lingid siguro sa kaalaman ni Delta na madalas sa amin nanggagalimg ang mga lead kaya. Ngayon malinaw na siguro sakanya kung paano namin nakukuha ang mga impormasyon na iyon. " Hindi ako galit. Pero salamat at naging matapat ka Mav. " Sabi ni Victoria at yumakap din saki. " Pero anong gagawin ko? Buntis ako sa anak ni Mr. Azreal. " Hinawakan ko ang kamay nyapagkatapos ng yakap. " Walang kasalanan ang bata sa tyan mo. Hindi natin alam. Baka ang batang yan ang susi sa pagbagsak ng mga mafia at makumbinse si Mr. Azreal na bumaba sa trono." Sabi ko. " Kamusta si Valentine?" Speaking of Valentine. Bantay sarado sya palagi ni Skyler Azamiko. Ibang klase din magmahal ang abnormal na yon. " Ayon palaging nakadikit kay Skyler. Ewan ko ba dati galit na galit naman yan kay Skyler. Tapos ngayon hindi mapaghiwalay." Sabi ko habang nakabusangot " Pwede mo ba akong ihatid sa bahay? " " Uuwi ka?" Tumango lang sya. Skyler's Point of View " Wag ka munang umuwi!" Sigaw ni Valentine sakin habang hinihigit yung Kwelyo ng Tshirt ko. Ilang araw na akong pabalik dito sa bahay nila dahil tawag sya ng tawag. Minsan hatinggabi. " May kukunin lang ako sa bahay Babalik naman ako dito." Sabi ko Agad nangilid ang luha nya at bigla naman akong nahabag nang makita syang umiiyak. Ano ba tong pinasok ko. Lord, mahal na mahal ko po anak nyo pero ibalik nyo na ang dating Valentine. Akma na akong lalabas sana nang binato nya ako ng tsinelas. " Sige lumayas ka hindi kana babalik dito!" Sigaw nya Napakamot kamot lang ako ng ulo ko. Mahal ko sya. Mahal ko sya. Pilit kong kinukumbinse ang sarili ko na mahal ko ang babaeng to dahil kung hindi iiyak nalang din ako dito. " Sigurado kaba talaga na hindi mo nabuntis ang kapatid ko Skyler? Naglilihi oh! Pinaglilihian ka." Sabi ni ate Kitania habang bitbit ang cute nyang anak Napakamot ako ng ulo. Paano ko naman mabubuntis to eh napaka amazona nito dati at saka wala pa sa plano ko na magkaanak hanggang hindi ko sya napapakasalan. " Hindi po talaga ate. Ewan ko sakanya. Please Love pauwiin mo muna ako madali lang ako dun tapos babalik ulit ako. " Sabi ko Kukuha lang talaga ako ng maleta ko dahil talagang titira ako dito sa bahay nila. Hindi ko na kaya ang ilang gabi at umaga na bigla akong mabubulabog. Flashback Kakauwi ko lang galing sa bahay nila valentine. Pinatulog ko lang bago umuwi. Mga mag aalas onse na siguro bago ako makauwi nang may tumawag. Napatampal ako dahil sya ang tumatawag. (" Nasaan ka! Bat wala ka dito!") " Diba sabi ko aalis ako kapag nakatulog kana?" Sagot ko (" Wala akong natatandaang ganon. Bumalik ka dito gusto kong kumain ng strawberry na may yogurt at avocado.") Anak ng saan naman ako kukuha ng ganitong oras? " Gabi na Love bukas nalang." Sabi ko (" Ayaw mo?") Ay s**t Eto nanaman. Aabutin ako ng sakit sa puso nito eh " Eto na eto na hahanap na." Sabi ko Nagdial ako ng numero dahil may kilala akong adik sa strawberry at yogurt. Ilang ring pa bago sumagot ang nasa kabilang linya. (" Hello? Mav speaking thank you for calling Miss Aubrium's line how may I help you?") " Hello Mav?" (" Oh Skyler! Napatawag ka? Anong meron?") " Diba may Strawberry ka jan at Yogurt na stock?" Tanong ko (" Yes of Course") " Pahingi ako. Nagpapabili kasi si Valentine. Himdi ko alam kung saan pa bibili mg ganitong oras.") (" Oh my! Naglilihi naba si Val! Ang bilis mo!") " Hindi ano kaba. Hindi sya buntis." Depensa ko (" Okay sabi mo eh. Kuha kalang dito gising pa naman ako hanggang madaling araw." ) " Salamat. I'll be there. May avocado ka?" (" Cravings of her also? I heard may bunga ang avocados nila Viandre. Tawagan ko na ba?") " Yes please. Thank you." Dali dali akong sumakay sa sasakyan para kuhanin ang pinapahanap ni Valentine. Pagdating ko sa bahay ni Mav ay nakangisi na syang nakatayo sa veranda nya habang hawak ang supot ng Strawberry at Yogurt. " Sayo na yan haha. Enjoy kayo. Tinawagan ko na din si Viandre. Sabi nya kumuha kanalang daw sa puno dahil timatamad sya. Nagpaalam lang ako kay Mav at saka tumungo na sa bahay ni Viandre. Tama nga sya may bunga ang avocado. At saka hindi ito gaanong mataas kaya madali lang sungkitin kahit sa labas lang ng gate. Nang ma satisfy ako ay saka nag drive ako papunta sa bahay nila. Pagpasok ko ay sinalubong nya ako ng yakap pagpasok ko. " Nagawa mo! Salamat!" Masaya nyang sabi sakin. Hindi ko naman mapigil ang malakas na t***k ng puso ko dahil sa ngiti nya. Talagang timamaan ako sayo Valentine. End of Flashback " Sige ito nalang. Sumama kanalang sakin sigurado akong magugulat at matutuwa si Mommy kapag sinama kita." " Nasusuka ako at nahihilo. Dito ka nalang." " May pregnancy test kit ako dito Valentina. Sabihin mo lang bibigyan kita." Singit ni ate Kitania " Sinabing hindi ako buntis ano ba!" " Then pauwiin mo muna si Skyler! Nakaka abala ka sa tao!" Bulyaw ni ate Kitania Napakamot nalang ako ng ulo ko. Maya maya pa ay nakarinig kami ng busina sa labas. At maya maya pa ay may kumatok. Binuksan ko na dahil nagbabangayan pa ang magkapatid. Bumungad sakin ang magkaparehong mukha ng mahal ko at ang taong nasa harapan ko. " Victoria."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD