Tahimik na ang Circe nang bumalik ang dalawa. Malinis na ang lahat at wala ng bakas ng kaguluhan ng labanan. "Normal lang ba sa ibang bayan ang ganoong p*****n?" "Ganito talaga sa labas ng Ilmis, Nia. Maliliit na giyera na kailangan para manatili ang kapayapaan sa mga bayan. Kung hindi ka lalaban, ikaw ang mapapahamak." "Walang ganito sa Ilmis. Tahimik ang lugar namin. Sobrang tahimik." "Masanay ka na. Iyong nakita mong ginawa ni Leo, karaniwan lang ang ganoong sa mga pinuno." Natigil ang dalawa nang bumukas ang pinto sa kanilang likod na iniluwa si Leo na kunot ang mga kilay. "Saan kayo galing?" Nag aalalang sabi ni Leo. Buong akala nito ay tuluyan nang umalis ang dalawa. "Dinala ako ni Zenon sa bukal. Nakapunta ka na rin ba roon? Makakabuti para sa `yo na magbababad roon." Sinap