Binuhat na ni Leo si Nia na nakatulog na sa paghihintay sa mga pirata. Ilang oras nalang ay lilitaw na ang araw. Nawawalan na ng pasensya si Zenon sa pagpapa usok sa mga kahoy at paubos na rin ang mga ito. "Sigurado ka bang makikita ka nila? Baka naman maunahan pa tayo ng mga taga Circe. Napakalinaw ng usok mo mula roon." Malayo man ay tanaw pa rin nila ang Circe na animo'y isang butil ng bigas ngunit abot pa rin ng mata ang usok lalo na sa kapal niyon. "Darating sila. Nagtitiwala akong darating sila." Nararamdaman na ni Leo ang antok kaya nan bahagya itong sumandal sa puno at ipinilit ang mga mata. "Siguraduhin mo. Baka mapahiya ka kay Nia." Muli pinaypay ni Zenon ang mga kahoy upang mapausok pa itong muli. Hindi niya kaya ang naiisip na mapapahiya siya kay Nia. Na mababaliwala lahat n