Hindi makapaniwala si Nia sa nakitang paraan ng paglaban ni Leo. Malayo ito sa pakikipaglaban na nasaksihan niya sa Zaffhis. Nagmamadaling bumaba si Nia na hindi na hinintay pa si Zenon. Dinatnan niya si Leo sa kusina na naghuhugas ng kamay. Hindi man nagsasalita ay ramdam ni Nia ang mabigat na aurang bumabalot sa binata. Naramdaman ng binata na nasa likuran niya si Nia. "Maghanda ka na. Aalis na tayo at ihahatid na kita sa Ilmis." Seryong sabi ni Leo na hindi man nililingon si Nia. "H-huwag na. Huwag mo na akong ihatid." Napaharap si Leo sa kanya. Nanlaki ito ng mata sa narinig na magandang balita. "Hindi ka na aalis?" Umiling si Nia. "Si Zenon nalang ang maghahatid sa akin. Kahit nga hindi na. Kaya ko ng maglakabay mag isa pero nagpupumilit siya." Nang marinig ni Leo ang pangalan