Napahingap ng hangin si Zenon saka ito humiga sa kama. Sa sobrang lakas ng t***k ng puso ay para na itong sasabog. Hinawakan niya ito. Kaiba sa kanya ang pakiramdam na iyon. Alam niyang kadalasan, kapag hinawakan siya ng isang mgandang babae ay susungab ito agad ngunit iba ang naramdaman niya kay Nia. Hindi niya kaya. Tumayo si Nia para muling kausapin si Zenon. Hindi man siya sigurado kung namukhaan nga siya nito bilang ang taong pumatay sa prinsesa ay muli itong nagpaliwanag. "Sobrang dami na ng nangyari sa akin. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ginulat lang din kasi ako ng lola ko sa reponsibilidad." Umupong muli si Nia sa kama. "Hindi ako handa pero sinuong ko dahil nakiusap siya." "Ginawa mo kahit hindi mo gusto para sa pamilya mo?" Seryosong tanong ni Zenon na umupo na ri