Hindi nagtagal ay bumalik si Leo na walang kabayo. Bakas sa mukha niya ang inis dahil ayaw ipambayad ng may ari ang kabayo sa trabahong alok ni Leo na gawin ang barung barong niya. "Bakit hindi mo nalang gamitin ang Karisma mo?" "Mararamdaman ng mga kusai ang kapangyarihan nito. Siguradong mahuhuli tayo." "May mga kusai na nandito?" May takot na si Nia sa mga Kusai na inakala niyang mga tagapangalaga ng prinsesa ang sinasabi ni Leo. "Maraming mga kusai ang naninirahan dito, mula sila sa ikatlo at huling saktong ng mga tao nangangalaga sa mga Karisma. Mas mababa ang lakas at kapangyarihan nila kumpara sa akin pero kung mag isa lang ako ay hindi ko sila kakayanin." Alam ni Nia na malayo pa ang Ilmis mula sa Daes at wala ng iba pang bayan na pwede nilang puntahan kung sakali mang lakarin