Muling naglakbay ang grupo papunta sa bayan ng Tahull na nahihimlay sa tabi ng karagatan kung saan masagana ang mga lamang dagat. Hindi maalis sa isip ni Leo ang tungkol sa pagiging dugong bughaw ng dalaga. Kung sakali mang totoo iyon ay mawawala ang kanyang pagdududa sa totoong katauhan ni Nia. Ilang beses luminga si Leo kay Nia na nakasakay sa parehong kabayo. Napansin iyon ng dalaga. "May gusto ka bang itanong? Kanina ka pa tingin nang tingin dito." Ngumisi si Zenon na kanilang kasabay na nakasakay sa isa pang kabayo. "Ang sabi mo kanina, kabilang ka sa pamilya Laurenas, totoo ba `yon?" Napako ang tingin ng dalawang lalaki kay Nia. Sa kanilang tatlo ay si Nia lamang ang hindi alam ang kasaysayan ng pamilya Laurenas. "Ang totoo n`yan, hindi ako naniniwala. Sinabi nalang ng lola ko a