Mula sa pagbisita sa puntod ni Aurelia ay nakatanggap ng balita si Vexx sa kaguluhang nangyari sa bayan ni Murdon. Walang oras na sinayang si Vexx at agad na napunta sa bayan. Karumal dumal ang kanyang nakita. Wala ni isang natirang buhay sa bayan. Nilapitan niya ang matandang babae na nakahiya para tignan ang ikinamatay nito. May maliit na butas ang kanyang noong duguan. May suspetsya si Vexx kung sino ang gumawa niyon ngunit ayaw niyang maniwala. "Imposible." Nag kuyom ng kamay si Vexx matapos iwan ang matanda. Sa paglalakad niya papunta sa bahay ni Murdon ay mas dumarami ang patay na katawan sa kanyang dinaraanan. Napapapikit ito lalo na sa tuwing may bata siyang nakikita. Ilang beses na siyang nakapunta sa lugar na iyon at kadalasan ay masaya siyang sinasalubong ng mga mamamayan. Hin