Pagmulat palang ng mga mata ni Nia ay agad itong napapapikita dahil sa pagtibog ng ulo niya. Halos hindi na siya nakakain nang dahil muli na naman siyang uminom sa alak ni Kumar at muli na namang nalasing. Matagal na niyang gustong tumikim ng alak ngunit palaging nakabantay ang kanyang lola sa mga alak nito sa kanilang kubol. Pinilit umupo ni Nia dahil nararamdaman niya ang pamamalat ng kanyang lalamunan. Mag isa na lamang siya sa loob ng bahay ng mag asawa. Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng tawanan mula sa labas kaya naman pinilit nitong tumayo para lumabas. Kasalukuyang nagkukwentuhan ang magkakaibigang sina Kumar, Perla, at si Leo. Maganda ang kapahon doon kumpara sa mga islang dinaanan nila. Mataas man ang sikat ng araw ay natatakpan iyon sa mga puno at tabing na animo'y bubong par