Natigil si Nia sa pag urong nang marinig ang sinabi ng lalaki. "Sino ka? Anong alam mo sa Karisma?"
Hindi man niya gustong makipag usapan ay kailangan niya ng makikilala para matuto sa mga pasikot sikot ng Zhaffis.
"Huwag tayo rito mag usap." Minata ng lalaki ang mga nagbubulong bulungan nang dumating si Nia.
Ayaw man magtiwala ay sumama si Nia ngunit nanatili siyang nakatingin sa lalaki, handa sa kung ano man ang maaari nitong gawin.
Napansin ng lalaki ang pag iwas ni Nia na nakasunod man ay may distansya ito sa kanya. Hindi na siya nagtaka. Sa sinapit niya sa dalawang barumbado ay natural lang na maging mainggat siya. Tumigil ang lalaki sa isang maliit na eskinita. Mainit init ang lugar na iyon kumpara sa bungad ng papasok sa Zaffhis.
Nakaramdam ng ginhawa si Nia nang dahil doon. Kanina pa niya nararamdaman ang lamig sa katawan niya dahil basa ang kanyang damit.
"Hindi ko sasabihing pagkatiwalaan mo ako. Wala kang dapat pagkatiwalaan sa lugar na `to. Pero dinala kita rito para maibsan yang pangangatog ng katawan mo." Minata ng lalaki ang umuusok na tubig sa bandang likuran niya.
Noong una ay hindi malaman ni Nia ang gustong sabihin ng lalaki. Pero nang tumingin ito sa palagid ay may mga nakasabit na damit sa hindi kalayuang bakal na tubo na para bang pinapatuyo ang mga damit nila roon.
"Kung gusto mong magbabad d'yan gawin mo na habang wala pang tao rito."
Umurong si Nia. "Gusto mo akong maghubad rito at magbabad d'yan habang nandito ka?" Umiling siya. Hindi maaari. Hindi niya kilala ang lalaki. At kahit kilala pa niya ito at hindi siya magtitiwala nang ganoon ganoon nalang.
"Tulong itong binibigay ko. Dahil may kailangan akong malaman mula sa `yo. Ikaw ang bahala, kung pipiliin mong mamatay ngayon, wala namang problema sa akin." Tumalikod ang lalaki at humakbang palayo.
"S-sandali." Pinigilan siya ni Nia. Wala na siyang makitang ibang paraan para matuto sa pamumuhay sa Zhaffis. Naisip niyang kung isa ring Kusai ang lalaki ay papanig siya sa kanya dahil pareho sila.
"Ano bang pangalan mo at anong gusto mong malaman mula sa akin?"
Ngumisi ang lalaki bago ito muling humarap sa dalaga. "Leo ang pangalan ko. Naramdaman kong sa pagpasok mo ang lakas na tanging mga Kusai lang ang nagtataglay. Isa ka bang Kusai?"
Hindi agad nakasagot si Nia. Hindi rin siya sigurado kung isa nga bang Karisma ang hawak niya at kung tama bang sabihin na isa siyang Kusai. "Hindi ko alam."
Nakaramdam ng inis si Leo dahil para sa kanya ay nagpapanggap lang si Nia. "Nakita ko ang kwintas mo. Doon ko naramdaman ang lakas na sinasabi ko. Ikakaila mo pa talaga. Ginagawa mo pa akong tanga."
Hindi nagustuhan ni Nia ang paraan ng pakikipag usap ng lalaki. Kaya naman naghanap ito ng kapirasong bato ay hinagis ito sa kanya na tumama sa noo niya. "Bastos ka ah! Anong magagawa mo kung hindi ko nga alam? Hindi ako sigurado kung Kusai nga ba akong matatawag. Wala akong alam sa mga Karisma. Wala akong naiintindihan!"
Mabilis na tinakpan ng binata ang bibig ni Nia. "Huwag ka ngang sumigaw. Maraming tainga ang katutok sa 'yo. Magkamali ka lang ng sasabihin siguradong laslas yang leeg mo."
Tumango si Nia na agad rin namang binitawan ng lalaki. "Bakit ako? Wala silang mapapala sa akin."
"Iyan din ang iniisip ko. Wala namang kakaiba sa `yo. Wala kang kakayahang ipagtanggol ang sarili mo kahit may hawak kapang Karisma. Hindi ka rin naman kagandahan pero maugong ang balita na kapag napatay ka nila maaari silang bigyan ng pabor ng ni Kapitan para makalaya."
"S-sinong Kapitan?"
Napakamot sa ulo si Leo. "Ang dami mong tanong. Maligo ka na muna at patuyuin mo ang damit mo roon. Saka ko ipapaliwanag sa `yo lahat." Muling tumalikod si Leo. "Magbabantay ako."
Hindi na nakatiis si Nia sa alok ng lalaki. Maging ang sikmura niya ay nanlalamig na na pakiramdam niya ay mahihimatay na siya sa sobrang lamig.
"Huwag ka sisilip!" Paalala niya.
""Hindi ako sa `yo interesado. Huwag kang mag ambisyon d'yan."
Sa unang pagbabad ni Nia sa katawan niya sa mainit na tubig ay nakaramdam siya ng labis na init ngunit nang tumagal ay guminhawa na rin ito. Mahapdi man ang mga sugat ay tiniis ni Nia ang lahat. Kailangan niya ang init ng tubig para umayos ang pakiramdam niya. Nanatiling nakatalikod si Leo na pinagmamasdan niya mula sa malayo. Lakad nang lakad ang lalaki na halatang naiinip sa pagtayo niya roon.
"Ikaw ang tumalikod!" Utos niya sabay sa pagharap niya kay Nia.
Mabilis na tumalikod si Nia at mas ibinabad pa ang katawan sa tubig. "Sabihin mo nga, pinatay mo ba talaga ang prinsesa?" Mata sa mata tumingin si Leo kay Nia.
Umiling si Nia. Hindi siya makasagot dahil maging ang bibig niya ay nakalublob sa tubig. "Pinagbintangan ka lang?" Tumango siya sa pagkakataong iyon. "At naniwala ang hukom?" Muli siyang tumango.
"Bali na nga talaga ang batas. Naniwala sila na isang tulad mo ang makakapatay sa prinsesa gayong pinapalibutan siya ng mga tagapangala niyang Kusai." Muling inisip ni Leo ang mga sinabi niya. Pinagdugtong dugtong ang mga posibleng nangyari at muling tumingin kay Nia.
"Sila?"
Tumitig si Nia sa mga mata ni Leo. Naintindihan niya ang nais na iparating ng binata. Bahagya siyang tumango.
Hindi man direktang sinabi ni Nia ay nalaman ni Leo na ang mga tagapangalaga ng prinsesa ang may gawa ng krimen. Mabilis niyang nabasa ang mukha ni Nia.
At nang akmang magtatanong si Nia tungkol kay Leo ay biglang tumingin ang binata sa lugar na pinanggalingan nila. Gulat ang nakabakas sa mukha niya. Imakto si Leo na para bang bubunutin ang mahabang kalbeng nakalaylay sa pader.
"Huwag na kayong magtangka. Sa akin siya." Tuluyang hinablot ni Leo ang kable ng kuryente at iwinaswas iyon na para bang gagamitin bilang sandata.
"Umahon ka na d`yan. May bisita ka." Hindi tumitingin si Leo ay Nia. Nanatili ang tingin niya sa mga kaaway na dumating at nagtatangkang patayin ang dalaga.
Lumakad si Nia sa tubig para abutin ang mga damit niya na hindi pa tuluyang natutuyo. Mabilis niya isinuot ang mga iyon habang si Leo ay naghihintay sa unang pag atake ng mga lalaking nasa harap niya.
"Pwede naman nating pag usapan ang hatian, Leo. Para naman wala tayong pinagsamahan dito." Usal ng isa sa limang lalaking handang handa ng makipag p*****n sa kanya. Lahat sila ay may hawak na armas na gawa lamang sa mga sira sirang gamit doon. "Huwag mong solohin ang premyo."
"Makasarili ako. Alam n`yo `yan. Huwag n`yo ng ipilit. Malalagay kayo sa alanganin." Muling winaswas ni Leo ang kamble na kanyang ipinatama pa sa sahig dahilan para gumawa ito ng ingay.
"Wla kayong mapapala sa akin. Kahit mapatay n`yo pa ako!" Hindi na napigilan ni Nia ang magsalita.
"Pag usapan natin `to binibini. Sa amin ka sumama. Huwag kang magtiwala r'yan." Nakilala ni Nia ang nagsalita. Isa siya sa mga kaninang sumubok na pagnakawan siya.
"Pasensya ka na sa nangyari kanina. Mahirap lang talagang mamatay ang nakagawian." Humalakhak silang lahat na inikinais ni Leo.
"Tama na ang satsat!" Humakbang si Leo para makasugod sa kanina. Nagulat ang mga lalaki sa biglaang pagsugod ni Leo na ang isa sa kanila ay agad nahuli sa kable at naibalabag ni Leo sa malayo.
Nakita naman iyon na pagkakataon ng iba para sugurin si Nia. Ngunit hindi papayag si Leo na masaktan ang tanging pag asa niya para mahanap ang Kusai niya na hawak ni Kapitan.
Humabol si Leo sa dalawang lalaking papalapit na kay Nia. Sabay niyang nahablot ang dalawa gamit ang kable at itinapon niya sa umuusok na tubig.
Dalawa pa ang natira sa mga lalaki na nagdadalawang isip na sa paglaban kay Leo. Nagmakaawa na ang isa sa kanya at binitawan ang hawak nitong sandata. "Sinabi ko naman sa inyo, magsisisi kayo." Ngunit walang balak si Leo na patakasin sila. Alam na niya ang halukyan ng sikmura ng mga ito. Hindi sila titigil hangga't hindi sila nasasaktan nang husto.
Napasigaw si Nia nang hindi mapansin ni Leo na nakalapit na pala sa dalaga ang isa pang lalaki. Hawak na niya ang kamay ng dalaga na nagpupumiglas. Winaswas ni Leo ang kable at iniwang nakatali sa lalaking nagmakaawa. Mabilis siyang nakatakbo papunta sa lalaki na agad niyang hinablot na para bang papel lang ang lalaki para sa kanya. Itinaas niya ito sa ere. "Huwag mo siyang hahawakan."
"Pasensya na. Napag utusan lang ako." Nagmakaawa ang lalaki na pakawalan nalang siya ni Leo. Pero parang walang naririnig si Leo. Ibinalabag niya ang lalaki na tumama sa pader at agad na nawalan ng malay.
"Asahan mo pang mas darami ang bisita mo sa mga susunod na oras."