Chapter 6

1422 Words
Malakas ang dagundong na naririnig sa barkong sinasakyan ni Nia. Habang papalapit sila sa Zhaffis ay palakas na rin nang palakas ang alon at hangin. Wala siyang ideya kung anong klasing lugar ang Zhaffis. Ang alam lamang niya ay doon ipinapatapon ang mga kriminal na may mabibigat na kasalanan sa lipunan. Maingay ang balita na mas nanaisin ng sinumang kriminal ang mamatay kasya ipatapon sa Zhaffis. Kinalampag ng isang kawal ang selda kung saan tahimik na nakaupo si Nia. Sumuko na siya at pagod na pagod na rin sa pagpapaliwanag. Nahatulan na siya. Malapit na siya sa lugar kung saan mas mapapalapit ang sarili niya sa kamatayan. "Tumayo ka na! Kung ayaw mong kaladkarin ulit kita palabas!" Pinilit ni Nia na makatayo. Nagtamo siya ng mga pasa at gasgas dahil sa ginawa ng mga kawal bago pa man ang paglilitis. Kahit masakit pa ang katawan ay tumayo siya at agad na sumunod sa kawal. Wala ng buhay ang mga mata ni Nia. Natutulala na lamang sa kawalan at tuluyan ng sumuko sa laban. Naluluha na lamang siya sa tuwing maiisip na napakabata palang niya para makulong sa krimeng hindi naman niya ginawa. Lalong nanlulumo si Nia sa tuwing maiisip ang kanyang lola. Paniguradong malalaman niya ang sinapit ng apo. Bagamat alam niyang siya pa rin ang paniniwalaan nito ngunit inaalala ni Nia na baka wala ng tumulong at magtiwala sa matanda. "Bilisan mong maglakad!" Tinutusok ng kawal ang likod ni Nia para palakarin ito papasok sa malaking gusaling pinapalibutan ng malalaki at matataas na pader. Sa bawat hampas ng naglalakihang alon ay siya ring pag ihip ng galit na hangin. Pilitin mang makatayo nang tuwid ni Nia ay tinatangay siya ng hangin. Sa muling paghampas ng alon ay sabay na umupo si Nia. Kung hindi niya ginawa iyon ay tiyak na tatangayin siya ng hangin papunta sa dagat. Pumasok na sa isip niya ang magpatangay nalang. Kamatayan din naman iyon katulad ng kahaharapin niya sa loob. Ngunit hindi kaya ng dibdib niya ang lusungin ang galit na mga alon. Ayaw niyang mamatay ng mag isa. "Tumayo kana riyan!" Imbes na tulungan ay pinagsisipa pa ng kawal ang nakabalukot na katawan ni Nia. Dala ng panginginig ng katawan niya ay hindi na siya nakatayo pa. Labis labis ang tumutulong hula sa kanyang mga mata habang gumagapang siya papasok sa gusali. Napansin ng kawal ang kwintas ni Nia na kumikinang sa kanyang mata sa tuwing sasapulin ito ng hangin. "Sandali!" Lumapit ang kawal kay Nia. Nanginginig sa takot si Nia na pagaakalang sasaktan na naman siya nito. Gamit ang baril na ginamit din ng kawal sa pagtusok kay Nia ay tinignan niya ang kwintas. "Ano `yan? May halaga ba `yan?" Hindi nakasagot si Nia na binabalot ng takot. Sandaling lumapit ang kawal para hablutin sana ang kwintas ngunit nang madampi ito sa kanyang palad ay mag init ito at nabitawan niya. Nang tignan ng kawal ang kamay niya ay nagkaroon ito ng sugat na para bang napaso siya ng apoy. Dala ng galit ay hahambalusin sana niya ito gamit ang baril ngunit natigilan siya nang sumigaw ang kasamahan niya. "Huwag mo ng patagalin `yan dito! Sipain mo na papasok!" Nang dahil hindi naituloy ng kawal ang p*******t sana kay Nia ay dinuraan niya nalang ito saka sinipa papasok sa gusali. Wala ng nagawa si Nic kundi ang hawakan ang palawit sa kwintas na siyang tanging nagbibigay lakas loob siya kanya. Ang lola niya ang nagbigay ng kwintas na tanging alaalang panghahawakan niya. Nang sumara ang malaking pinto ay pinilit makaupo ni Nia. Pinunasan niya ang mga luha sa kanyang pisngi at sinubukang tumayo. Dinatnan niya ang iilang tao sa loob na wala na ring pag asa sa mga mata. Payat na payat na ang iilan sa kanila na parang wala ng ganang kumain at mabuhay pa. Lahat ng mata nila ay nakatutok kay Nia. Naaawa ang ilan sa nakikitang kalagayan niya. Napaka ganda sana ng suot niya ngunit punit-punit na iyon at marungis na. Wala rin siyang sapin sa paa at sugatan ang kanyang katawan. Nagpatuloy sa paglakad si Nia kahit wala itong malinaw na pupuntahan. Maraming daan ang lugar ngunit hindi makita kung saan papunta ang mga iyon. Umaasa nalang siya na sana may tumulong sa kanya. "Siya ang pumatay sa prinsesa." "Nagpanggal siyang susunod na prinsesa para magawa ang krimen." "Matapang ang batang ito. Babae pa naman. Ang lakas ng loob niya." Walang preno ang bibig ng iilan sa kanilang mukhang malakas pa't nakikipag laban pa sa buhay nila sa loob ng Zhaffis. Balitang balita na rin sa loob ang krimeng nangyari sa prinsesa nila at alam nilang darating siya anumang oras. Narinig nila ang balita sa mga kawal na mabilis na kumalat sa mga taong nasa Zhaffis. Sa hindi kalayuan ay nakatayo at nakatago sa madilim na parte ng silid ang isang matikas na lalaki. Malaki ang pangangatawan niya at higit na mas matangkad kay Nia. Pinagmamasdan niya ang dalaga. Ngunit hindi awa ang nasa isip niya. Inuusisa niya si Nia sa kakaibang lakas na kanyang nararamdam mula sa dalaga. Hindi nagtagal ay may dalawang lalaking lumapit kay Nia ngunit hindi para tumulong kundi para pagnakawan siya. Lahat ng bagong kriminal na pumapasok sa loob ay sinasalubong nila para pagnakawan. Kunwaring magbibay tulong para linlangin ang mga bagong salta na walang alam. Ang buong akala ni Nia ay nakahanap na siya ng mga taong tutulong sa kanya. Marahan siyang inakay ng isa sa mga lalaki para tulungang sa paglakad. "Sa lahat ng pumasok rito, ikaw lang ang ganyan ang itsura. Ano bang nangyari sa `yo?" "Siguradong sinaktan siya ng mga kawal dahil mabigat ang krimeng ginawa niya." Sa kalapit na malaking bato pinaupo si Nia, na kanila ring tinabihan. "W-wala akong pinapatay. Wala akong kasalanan." Hindi alam ni Nia at kinakapa na ang mga bulsa sa damit at tagiliran niya. Magaan ang kanilang kamay na hindi napansin ni Nia ang nangyayari. "Kawawa ka naman kung ganon. Napagbintangan ka sa mabigat na krimen." "Tulungan n`yo akong makalabas rito. Sino bang pwede kong makausap?" Nagsusumamo si Nia. Hindi niya kayang tanggapin na makukulong siya roon. "Ano naman ang sasabihin mo?" Sumenyas ang isang lalaki sa kasama niya na wala silang nakukuhang kahit na anong gamit. "Ipapaliwanag ko na wala akong kasalanan." "At sa palagay mo ba paniniwalaan ka nila?" Tumayo si Nia dahilan para itago ng dalawa ang mga kamay sa kanilang mga likod para iwasang makahalata ang dalaga. "Alam ko ang nangyari. Sasabihin ko kung sino talaga ang may gawa ng krimen. Mapapaniwala ko siya. Inosente ako!" Nakita ng dalawang lalaki ang kwintas na agad nilang pinag interesan. Sabay na tumayo ang dalawa at inakbayan si Nia. "Maupo ka muna. Makikita mo rin ang taong pwede mong kausapin." Kunwaring ipinadaan ng lalaki ang kamay niya sa batok ni Nia para kapain ang susian ng kwintas ngunit wala iyon. Walang susian ang kwintas ni Nia. Pumiglas ni Nia. "Hindi. Hindi na ako makakapag hintay. Dalhin nyo na ako sa kanya!" Nawalan na ng pasensya ang isa sa mga lalaki at tuluyang hinablot ang kwintas. Napigtas ito. Hindi inaasahan ni Nia ang tunay na pakay ng dalawa. Ngunit bago pa man makapagsalita si Nia para kunin ang kwintas ay binitawan ito ng lalaki. Sa higpit ng pagkakahawak niya ay nalapnos ang kamay niya. Habang mamimilipit siya sa sakit ay pinulot naman ng kasama niya ang kwintas ngunit agad rin niya itong binitawan nang maramdaman ang init nito. "Anong klasing kwintas `yan? Parang galing sa pugon!" Reklamo nila. Agad pinulot ni Nia ang kwintas. Laking gulat nila na hindi man lang napapaso ni Nia. Walang maramdamang init si Nia sa kwintas na siyang kinikilala niyang nagmamay ari sa kanya. "B-balak n`yo akong pagnakawan?" "Ano ba sa palagay mo? Nasa kuta ka ng mga kriminal. Wala kang magpakakatiwalaan dito." Kumikirot ang sugat nila sa kamay na sa pagdaan ng mga segundo ay lalong pumipitik sa hapdi. "Hindi pa tayo tapos. Babalikan ka namin." Dali-dali silang umalis at naghanap ng tubig para subukan ilublob ang mga kamay nila. Itinukop ni Nia ang palawit na araw sa kanyang dibdib at tahimik na nagpasalamat dito. Lumabas mula sa madilim na pinagtataguan ang lalaking kanina pa nagmamasid kay Nia. Nakita na niya ang kailangan para mapatunayan ang haka haka niya. Lumapit ang lalaki kay Nia na kanyang tinignan. Bahagyang umurong si Nia. Hindi na dapat siya magtiwala sa kahit na sino roon. Brusko hindi lang pangangatawan ng lalaki kundi maging ang mukha niya. "Ngayon lang ako nakakita ng babaeng... nagmamay ari ng isang Karisma."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD