Hindi na makapaghintay si Nia na umalis sa pinagtataguan para maghanap ng apoy. Makakalayo ang barko kung maghihintay pa siya. Lakas loob siyang umalis sa dilim kahit pa kita niya sa hindi kalayuan ang dalawang pirata. Sa pagsuong ni Nia sa palibot ng barko ay padilim na nang padilim ang napupuntahan niya. Kinakapa na lamang ni Nia ang kanyang dinaraanan. Hindi nagtagal ay may nakapa itong mahabang kahoy. Kinuha niya ito upang may magamit kung sakaling mahuli siya ng mga kawal. Sa dulo ng napuntahang pasilyo ay nakapa nito ang tila ba pintuan. Hindi man sigurado sa mapupuntahan ay tahimik na binuksan ni Nia ang pinto. Dilim pa rin ang bumati sa kanyang mga mata ngunit may narinig itong paggalaw. Bahagya mang napaurong sa takot ay muli nitong sumuog para pumasok. Nakagawa ng tunog si Nia