"Matulog ka kaya." Dinatnan ni Zenon si Leo na mag isa at nakatulala sa isla. Limang oras palang ang nakalilipas nang ihatid ni Zenon si Nia. "Hindi ko kailangan ng tulog." Sandaling nilingon ni Leo ang kausap. Kapansin pansin din ang inaantok niyang mga mata. "Hindi ka rin makatulog?" Initaas ni Zenon ang mga kamay at inilagay sa kanyang ulo. "Nakakabilid ang katapangan na ipinapakita ni Nia pero inaalala ko rin siya." "Hindi ko rin inaasahan na gagawin niya `to. Malayo sa Nia na una kong nakilala. Takot na takot na siya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Nakita ko ngayon sa mga mata niya ang determinasyong lumaban," ani Leo. "Wala pa akong babaeng nakilala na tulad niya. Hindi ko na siya pakakawala, Leo." Alam ni Leo ang ibig sabihin ni Zenon. Ngumisi ito upang iparating na