Kapwa napatingin ang dalawa kay Nia. Isang beses lang karaniwang nakakakain ang mga taga loob kaya naman ninamanman nilang sa tuwing makakakuha ng pagkain.
"Pwede bang mamaya nalang natin pag usapan `yan. Lumalamig ang pagkain."
Mahinahon kung kumain si Eliza. Hirap na siya sa maliit na espasyo roon lalo na at malaki na ang tiyan niya. Napansin iyon ni Leo. Inayos niya ang nakahalukipkip na paa at inilagay sa likod ni Eliza nang may masandalan ito. Tahimik man ay ngumiti si Eliza bilang pasasalamat. Pasulyap sulyap lang ang nagagawa ni Nia sa nakikitang nangyayari sa harap niya. Halos hindi siya makatingin nang diretso dahil sa pag aalalang mapatitig na na naman katulad nang pagtitig niya sa tiyan ni Eliza.
Pinili nalamg niyang ituon ang atensyon sa pagkain. Napapansin niyang nakailang kuha na siya sa pagkain habang ang dalawa niyang kasama ay sobrang bagal kung kumain. Nahiya siya kaya naman binitawan niya ang kutsara.
"Salamat sa pagkain. Nabusog ako." Gumapang si Nia para makalayo sa dalawa. Kinuha na rin niya ang badang damit para gawin dahilan sa paglayo niya da mga kasama. "Isasampay ko lang to sandali sa hagdan." Nagkunwari siyang ngumiti kahit naasiwa siya sa lambingan ng dalawa sa kanyang harapan. Ayaw niyang makaistorbo sa dalawang naglalambingan.
Napansin niya sa ibaba ng hagdan ay mabilis na naglalakad ang mga tao. Dala pa nila ang mga tinda mula sa merkado. Bakas sa mukha nila ang pag aalala. Hindi nagtagal ay narinig ni Leo ang kaguluhan sa ibaba. Bagamat alam na niya ang nangyayari ay lumapit pa rin siya para tignan ito.
"Malapit na ang hatol. Huwag kang bababa. Dito lang kayo ni Eliza." Bahagyang inusog ni Leo si Nia para makadaan siya sa hagdan.
"Sasama ako. Gusto kong makita ang hatol na sinasabi mo." Sandaling hinarap ni Nia si Eliza. "Babalik rin ako agad. Gusto ko lamg makita. Baka nandoon si Kapitan na sinasabig pwede kong makausap." Nagulat si Eliza. Nais pa sana niyang kausapin si Nia at kumbinsihing huwag ng sumama ngunit mabilis itong nakalabas at nakababa.
Sa dami ng taong umiiwas at tumatakbo palayo sa merkado ay nahirap si Nia na mahabol si Leo. Sinubukan niyang tinawag ang pangalan niti ngunit hindi na tin narinig ni Leo dahil sa dami ng tao.
Nang maubos ang mga tao ay doon lamang nakalakad ng maayos si Nia pabalik sa merkado. Sinigurado niyang tama ang daan na tinatahak niya at maingat siya sa bawat hakbang niya.
Nang tanaw na niya sa dulo ng dinaraanang pasilyo ay bigla na lamang siyang nakarinig na manipis at nakakabinging tinig. Kasabay nito ang pag init ng palawit sa kanyang kwintas. Hinawakan niya ito. Bagamat mainit ay hindi ito nakakapaso hindi katulad nang may kinakarapan na panganib si Nia. Sa pagkakataong iyon ay mainit init lamang ang medalya. May kung anong nagsasabi kay Nia na pumunta na sa malawak na lugar. Doon niya makikita ang hinahanap niya.
Habang papalapit siya ay lalong umiinit ang medalya. Hindi nagtagal ay nakarating na rin siya sa lugar. Maraming kallakihan doon na pawang naghahanda para sa labanan. Hindi maintindihan ni Nia kung bakit sila nandoon at kung bakit may labanan, para saan?
Tinignan ni Nia ang mukha ng mga lalaki para hanapin si Leo. Nasipat niya ang hinahanap na medyo may kalayuan. Alam ni Nia na delikado siya sa lugar na iyon. Tila ba binubulong ng medalya iyon sa kanya. Naging maingat siya sa paglalakad at hanggat maaari ay hindi siya gumagawa ng ingay upang hindi makuha ang atensyon ng mga lalaking kating kati sa pakikipag away.
Bago pa man nakapunta si Nia sa kinaroroonan ni Leo ay natigil siya sa dumating. Mula sa itaas ng sentro ng malawak na lugar ay bumaba ang malaki at makapal na kodradong bato. Sa gitna niyon ay isang matanda na may mahabang balbas. Matikas ang tindig niya kahit may katandaan niya. Nagtago si Nia sa madilim na parte. Naramdaman niyang kailangan niyang gawin iyon. Mahigpit siyang humawak sa medalyang lalong nag iinit.
Hindi nagtagal ay sumugod ang mga lalaki sa matanda na mag isa niyang nilabanan. Isang mahabang espada ang gamit niya habang sa kabilang kamay naman ay makinang na latigo. Natatakot man ay namangha si Nia sa paraan ng pakikipag laban ng matanda. Kayang kaya niyang gamitin ang dalawang magka ibang armas nang sabay.
Hindi maiwasan mapapikit ni Nia dahil sa bawat saksak na gawin at pagsugod na ginagawa nila ay bumabalik sa isip niya ang nnagyari sa prinsesa. Ngunit sa tuwing makakarinig siya ng ungol ay muli itong tumitingin, sa isip niya ay baka si Leo iyon. Hindi pa maaaring matalo si Leo. Kailangan pa niya ang tulong nito.
Isa isa man o magkakasabay ay hindi umuubra ang maraming kalalakihang sumusugod sa matanda. Kayang kaya niya patayin ang mga iot sa isang saksak ng espada at isang waswas ng latigo. Sa loob lang ng ilang minuto ay naubos ang mga kalalakihan. Hindi na makita ni Nia kung nasaan si Leo, nawala na siya sa kanyang paningin.
Nanatiling tahimik kahit pa may takot sa dibdib si Nia. Alam niyang maaari siyang patayin ng matanda sa oras na makita siya nito. Ngunit hindi alam ni Nia ay alam na alam ng matanda na nadoon siya. Nararamdaman niya ang Karismang hawak ng dalaga
Naglakad ang matanda papunta sa direksyon ni Nia. Halos isiksik na ni Nia ang sarili para lang mapunta sa mas madilim na parte ng dingding ngunit nagsalit ang matanda.
"Tama ba itong hinala ko, isang Karisma ba ang hawak mo?" May kung ano sa boses niya na takot ang gumapang sa kalaman ni Nia. Hindi siya sumagot. Wala siyang lakas loob na sumagot..
Nang akmang itataas at hahawakan ng matanda ang dilim kung saan niya nararamdaman ang lakas ng Karisma ay sumugod sa kanya si Leo. Naaninag ni Leo mula sa malayo ang damit ni Nia. Ngunit nakatalikod man ang matanda ay hindi naging dahilan iyon upang hindi niya masangga ang pagsugod sa kanya ni Leo.
"Takbo!" Sumigaw si Leo para kay Nia ngunit napako ang mga paa ni Nia roon.
Mag isang kinalaban ni Leo ang matanda na kanilang tinatawag na Kapitan. Lahat inaasam na matalo ang Kapitan at kung hindi man, kahit manatiling lang na buhay at nakikipaglaban sa kanya sa loob ng tatlong minuto. Kung magtagumpay ay magkakaroon ng pagkakataon ang kriminal na makapasok sa gintong pinto na sinasabing lugar sa lahat ng kasagutan.