Chapter 10

1218 Words
Sinugod ni Leo ang matanda gamit ang mahabang bakal. Putol iyon at may kalawang na na kanyang binunot sa dingding na nawasak na. Magaling umilag ang matanda na kahit maliit lang ang pangangatawan niya ay nagagawa niyang napaurong ang malaking katawan ni Leo. Gamit ang espada ay winaswas niyo na nagawang masangga ni Leo ngunit sabay namang pumalupot ang latigo sa katawan ni Leo dahilan para mabitawan niya ang bakal na patpat. "Nakailang subok ka na ba, bata? Hindi ka pa rin sumusuko?" Nakangising sabi ng kapitan na lalong hinihigpitan ang pagkakapalupot ng latigo. Hindi nagtagal ay nakaramdam ng hapdi si Leo sa balat niyang nakadikit sa latigo. Naglabas iyon ng maliit na talim na bumaon at nagpadugo sa katawan niya. "H-hindi ako susuko. I-ibalik mo ang ninakaw mo!" Nagawa napakawalan ni Leo ang kamay niyang nagpakawala ng suntok sa matanda. Tumama iyon sa mukha niya. Hindi inaaasahan ng matanda na magagawang makawala ng kanyang kalaban sa latigo. Lalong lumalim ang sugat sa kamay ni Leo na tiniis ang pagkasugat nang pilitin niyang maalis ito sa pagkakatali sa latigo. Umurong ang matanda at pinakawalan si Leo mula sa latigo. "Kahit paulit ulit kang sumubok, wala ng maibabalik pa sa `yo. Katulad ng sinabi ko, sinira ko na ang Karisma mo." Gumapang ang galit ni Leo dahilan para muli itong sumugod. Wala siyang armas kundi lamang ang kanyang mga kamao. Sa bawat hakbang niya ay dumadagundong ang sahig sa pwersang lumalabas sa kanyang katawan. Galit na namuo sa tagal ng panahong paghahanap niya sa kanyang Karisma na kinuha ng Kapitan nang madiskubri nitong isang Kusai si Leo. Ngunit naging tuso ang matanda at ginamit ang kanyang Karisma para lumaban. Hindi man patas ay nasisiyahan ito sa lakas ng loob ni Leo na makipaglaban sa kanya. Humigop ng hangin ang espada na bawat segundo ay lalo pa itong lumalakas. Hindi nagtagal ay maging ang mga bato sa dingding ay nabubuwal at nahihigop ng kanyang Karisma. Sumuntok si Leo sa sahig upang magkaroon ng kakapitan. Alam niya ang kapangyarihan ng Karisamang iyon. Lahat ng mahigop ng Karisma ay mawawala na lamang at napupunta sa kawalan. Nakatakbo man si Nia ay hindi niya magawang iwan nalamang si Leo roon. Kitang kita niya ang paghihirap ng binata sa pagpigil niyang mahigop sa malakas na hangin. Yumakap si Nia sa pintuang papasok sa lugar ng labanan. Kahit pa gustuhin niyang lumayo ay hindi na niya magawa dahil hinihigop na rin siya ng hangin. "Ibalik mo ang Karisma ko. Pantayin natin ang laban. Huwag kang duwag!" Agresibong sabi ni Leo na lalong nagpagalit sa matanda. "Walang patas rito, bata! Baka nakakalimutan mo, isa kang kriminal! Pinatay mo ang mga magulang mo. Pinatay mo lahat ng taong bayan sa sinilangan mo! Pinatay mo ang taong mahal mo!" Ang galit ay lalong nadagdagan nang marinig ni Leo ang nakaraang pilit niyang kinakalimutan. Nagdilim ang paningin ni Leo. Ngumisi ang matanda nang magtagumpay ang balak niya. Alam niyang ang nakaraan ni Leo ang magpapapanalo sa kanya. Bumitaw si Leo sa pagkakahawak niya sa sahig at hinayaan ang katawan na higupin ng hangin. Matagal ng nais ng matanda na matalo si Leo na kahit na wala siyang Karisma ay pumapantay ito sa galing niya na siyang tunay niyang ikinakagalit. Nang makalapit si Leo sa espada ay hinawakan niya ito para maging kapit niya para hilain ang sariling katawan at makalundag sa matanda. Hindi inaasahan ng Kapitan na makakayang gawin iyon ni Leo. Nagawang makakapit ni Leo sa espada sa kabila ng paghigop nito sa kanya. Nahila ni Leo ang katawan niya at nakaapak sa espada. Lumundag ito at nang muling hihigupin ng espada ay nakaabang na ang kamao niyang direkta sa mukha ng matanda. Nang tumama ang kamao niya sa mukha ng matanda ay humina ang paghigop ng hangin ng espada dahilan upang nakasuntok muli si Leo, hindi lang isa kundi paulit ulit. Hindi nakabawi ang matanda. Hindi siya nakaganti ng kahit man lang isang suntok. Binitawan ng kapitan ang dalawang armas para mapigilan ang mga kamao ni Leo na walang humpay na sumusuntok sa kanya. Nakita ni Nia na wala na sa sarili si Leo. Alam niyang maaari niyang mapatay ang Kapitan kung hindi ito mapipigilan. Bumitaw si Nia sa pagkakakapit sa pintuan at tumakbo patungo sa dalawang naglalabanan. Mahigpit na niyakap ni Nia si Leo na pilit pinipigilan sa ginagawa. Ngunit wala ng naririnig at nararamdam si Leo kundi matinding galit. Tangging nakikita niya ang araw na nawalan siya ng kontrol sa kanyang Karisma dahilan upang makapaglabas ito ng kakaibang lakas na kumitil sa buhay ng lahat ng tao sa bayang sinilangan niya. "Leo, tama na." Umiiyak na sabi ni Nia na nanatilig nakayakap sa likod ng binata. "Huwag mo ng ulitin ang nangyari dati. Tama na." Hindi inaasahan ni Nia na napapatig niya si Leo. Sa pandinig ni Leo ay iba ang boses ni Nia. Tanging naririnig niya ang boses ng babaeng pinakamamahal niya. "A-anong sabi mo?" May panginginig sa boses niya. Pag iyak ng isang lalaking nagmamahal at sabik makita at maramdamang muli ang minamahal. "Itigil mo na `yan. Nawawala ka na sa sarili mo. Hindi na ikaw `yan, Leo." Humigop ng hangin si Leo at hindi nagtagal ay itinigil niya ang pagsuntok sa matandang nakahandusay sa sahig. Humihinga pa ang matanda ngunit kitang kita ang panghihina ng katawan nito. Hinawakan ni Nia ang mga kamao ni Leo para makasigurado. Sa mata ni Leo ay suot ng mga kamay na humawak sa kanya ang pamilyar na purselas na siya mismo ang may gawa. Espesyal na purselas na ginawa niya ng buong pagmamahal para kay Cerina. Walang anu ano'y hinila niya ang kamay ni Nia at niyakap niya iyon sa kanyang malalaking bisig. Tahimik na umiyak si Leo sa balikat ni Nia na sa kanyang isip ay si Cerina. Maging ang amoy at lambot ng katawan ay si Cerina ang kanyang nararamdaman. "Patawad. Cerina. Patawad." Wala ng iba pang nasabi si Leo hanggang sa nabitawan niya si Nia at tuluyang bumagsak sa sahig. Lumabas ang iba pang nais makatalo sa matanda para samantalahin ang kalagayan ng Kapitan ngunit gumalaw ang sahig at tuluyang nasira ang parteng kinahihigaan ng matanda at hinigop nito pababa ang matanda hanggang sa mawala sa kadiliman. "Tulungan n`yo ako! Tulungan n`yo si Leo!" Bumalik sa isipan ni Nia ang pagkakataon humingi rin siya ng tulong para kay Prinsesa Ifri. Ngunit walang lumalapit para magbigay ng tulong. Wala man lang tumitingin sa kanilang dalawa. Hindi na hinahayaan ni Nia na maulit ang nangyari noon. Palak man ang laki ni Leo sa kanya ay pinilit niya mabuhat ang katawan nito at hilain siya palabas sa lugar na iyon. Pinagtitinginan siya ng mga tao roon pero hindi awa ang mga nakabakas sa kanilang mukha kundi mga walang pakialam. Pabor sa kanila ang mamatay si Leo bilang isa siya sa pinakamalakas sa loob na kanila ring itinuturing na kalaban sa pagpatay sa Kapitan. Balak dalhin ni Nia si Leo sa mainit na tubig kung saan niya ito dinala roon. Alam niya mawawala ang mga sugat at p*******t ng katawan ng binata kung magbababad siya roon. Ngunit nang dahil sa bigat ni Leo ay hindi man lang sila umabot doon. Sa isang silid lamang sila napadpad. Silid na walang laman na tanging maliit na butas lamang ang nagbibigay na maliit na liwanag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD