Matuling tumakbo palayo sina Nia at Leo. Nakalayo sila bago bumagsak ang harang na gawa ni Kumar. Hangos hangos si Nia nang makabalik sila sa bahay para kunin ang pana. "A-ano bang kailangan ng lalaking `yon? Kilala mo siya?" Nang makuha na ni Leo ang pana ay agad rin siyang lumabas na sinundan din ni Nia. "Isa siya sa tagapangala ni Prinsesa Ifri." Naalala ni Nia ang malalim at malamig niyang boses. "Kaya pala pamilyar ang boses niya sa akin. Nandoon din nang subukang patayin ang prinsesa." "Subukan?" "Hindi ko pa ba nasabi sa `yo? Buhay pa ang prinsesa pero mahina ang katawan niya. Ipinakita siya sa lahat nang hatulan ako." "Buhay pa si Prinsesa Ifri?" Gulat na tanong ni Leo. Ang buong akala niya ay wala na ang prinsesa. "Hindi ko masasabing buhay pa, ang sabi kasi nasa pagitan