Nakataas man ang kilay ay may guhit ng ngiti sa mga labi ni Viola nang makabalik sina Zenon at Nia sa kanyang barko. Basang basa ang dalawa nang maabutan ng along nangalit na humampas sa isla. Gayunpaman ay nagawang maprotektahan ni Nia ang bulaklak na siyang susi niya para mapabilang sa mga pirata. Inabot niya ang puting bulaklak kay Viola na malugod itong tinanggap. "Hindi ko inaasahan na magagawa mo." Pagkukunwari niya. Sa loob loob niya ay may tiwala ito na magtatagumpay ang dalaga. "Pasado ka na." Lumawak ang ngiti sa mga labi ni Nia. "Maraming salamat po." Muli siyang bumaling ng tingin kay Zenon na siyang tumulong sa kanyang makabalik ng barko. Ngumiti siya rito na sinagot din ng malambing na ngiti ng binata. Ginala ni Nia ang tingin sa paligid para hanapin si Leo ngunit wala it