Chapter 11

1217 Words
Tinapik tapik ni Nia ang mukha ni Leo. Umuungol sa sakit ang binata, pinagpapawisan ng malagkit na para bang binabangungot. Hindi mawari ni Nia kung bangungot nga ba iyon o iniinda niya ang sakit ng katawan dulot ng labanan. Bahagyang nabukas ni Leo ang mga mata. Ngunit nang makita niya si Nia ay umiwas ito ng tingin at bahagya niyang itinaas ang kamay para paalisin ang dalaga. "A-anong gusto mo? A-anong kailangan mo?" Labis ang pag aalala ni Nia sa kaawa awang itsura ng binata. Duguan ang mukha nito, lumalabas pa rin ang dugo mula sa kamay niya, at halos buong katawan niya ay tama. Sinubukan umiling ni Leo. Sinubukan niya muling paalisin si Nia ngunit agad niya itong pinagsisihan nang sa kanyang pag iling ay tila may nagalaw siyang ugat na nagpapilit sa kanya sa sakit. Rinig na rinig ang sigaw ni Leo na umalingawngaw sa silid. "S-sandali. Hihingi ako ng tulong." Nang makalabas si Nia ay sinubukang tumayo ni Leo. Ayaw niya ng tulong. Kahit kailan ay hindi siya humingi ng tulong lalo sa mga oras na hinang hina siya dahil sa labanan. Ngunit nangangatog ang mga paa niya. Lumampas siya sa limitasyon ng lakas niya. Alam niyang kung natagal pa ang laban ay siguradong mamatay siya. Kung hindi lang dahil kay Nia ay baka tuluyan na siyang nawala sa sarili. Hindi siya makapaniwala na kahit alam niyang si Nia ang nandoon at pumigil sa kanya ay si Cerina ang kanyang nakikita. Napahawak siya sa kwintas niyang may isang pirasong bato na tangging natira mula sa purselas na suot ni Cerina. Paulit ulit siyang humingi ng tawad sa isip. Kahit ilang beses niyang subukang kalimutan ang nangyari ay pilit itong bumabalik sa kanya. Muling bumagsak ang katawan ni Leo. Tumigil siya sa paglaban para sa kanyang buhay. Sa isip niya ay mas makabubuting mamatay siya roon nang mag isa. Iyon ang karapatdapat para sa isang kriminal na tulad niya. Aligaga si Nia sa paghanap sa daan kung saan nananatili si Eliza. Nagpabalik balik siya. Hindi niya makita ang daan. Halos maiyak na siya ngunit pilit itong pinipigilan dahil alam niyang kailangan ni Leo ang tulong niya. Ilang tao ang nakita niya at pinagtangungan ngunit iba iba ang sinasabi nila. Hindi maintindihan ni Nia kung bakit sila ganoon. Kung bakit ayaw nilang nagbigay ng tulong. Nagdesisyon si Nia na huwag ng humingi ng tulong sa kanila. Wala rin naman siyang mapapala. Matulin na tumakbo pabalik si Nia. Bawat sulok, bawat kanto dinaanan niya. Nawala na sa isip niya ang babala ni Leo na mag ingat sa pag apak. Nabuhayan ng loob si Nia nang makita ang hagdan papasok sa tinutuluyan ni Eliza. Mabilis siyang tumakbo patungo rito ngunit nang nasa kalagitnaan na siya ay nasira ang sahig na inapakan niya. Tuluyang nahulog si Nia. Paliit na nang paliit ang liwanag mula sa kinahulugan niya. Walang katapusang kadiliman ang tanging nakita niya habang palalim na nang palalim ang kinahuhulugan niya. Umiling siya. Hindi siya maaaring mamatay nang ganon ganoon na lamang. Kailangan niyang mabuhay para matulungan si Leo. Hinawakan ni Nia ang palawit sa kanyang kwintas. Taimtim siyang nakiusap na tulungan siya nito. Hindi nagtagal ay umilaw ang araw na palawit. Bumalot ang liwanag sa katawan ni Nia na imbes na mahulog at muling umanggat para makalabas sa butas na iyon. Naramdaman ni Nia ang pag angat ng kanyang katawan. Lumawak ang ngiti nito nang imulat niya ang mga mata at nakitang lumilipad siya at hindi magtatagal ay makakalabas sa butas na iyon. Muli siyang nagdasal at nagpasalamat. Nang malapit na siyang makalabas ay nakarinig siya ng mga taong nag uusap. Hindi maliwanag sa kanya kung ano ang pinag uusapan nila pero narinig niya ang kanyang pangalan. Nagulat ang nga ito nang tuluyang nakalabas si Nia sa butas. Maayos na nailapag ni Nia ang dalawang paa sa sahig. Muli siyang nagpasalamat bago bitawan ang kanyang kwintas. Wala ng panahon si Nia para pansinin pa ang mga taong nandodoon. Sila ang taong sinubukan siyang iligaw at wala na siyang dapat pang sabihin sa kanila. Muling tumakbo si Nia at umakyat sa hagdan. Bumaling ng tingin Eliza nang makita niyang may papaakyat sa kanyang tinutuluyan. Nananalangin siyang sana si Leo iyon ngunit si Nia ang nakita niya. Pawisan si Eliza na iniinda ang paghilab ng kanyang tiyan. "S-si Leo. Kailangan niya ng tulong." Alam ni Eliza na lumabang muli si Leo. Maraming pagkakataon ng nangyari iyon at tuwing matatapos iyon ay makakabalik naman si Leo nang maayos. "A-anong nangyari?" Sinubukan ipaliwanag ni Nia ngunit maging siya ay hindi sigurado sa nangyari kay Leo. "Parang nawala siya sa sarili niya. H-hindi ko rin maintindihan pero kailangan ko ng panggamot. Babalikan ko siya." Hinila ni Eliza ay maliit na lalagyang gawa sa tela at ibinigay iyon kay Nia. "Gamitin mo 'to. Dalhin mo na rin ito." Ibinigay ni Eliza ang maliit na lalagyan ng tubig at malinis na tela. "Puntahan n`yo ako kapag kaya na niya." Tumango si Nia at agad ring umalis. Bago bumalik siya sa silid kung saan niya iniwan si Leo ay kumuha muna iti ng mainit na tubig. Maingat na tumakbo si Nia pabalik, maliit lang ang lalagyan at iniiwasan ng tumapon ito. Nakahandusay si Leo nang datnan niya. Agad niyang hinawakan ang pulso nito. Tumitibok ang puso niya. Nakahinga nang maayos si Nia. Inakala niyang patay na ang binata. Inayos niya ito ng higa at inumpisahang linisan ang mukha at mga sugat niya. "Hindi ka pa pwedeng mamatay, Leo. Tutulungan mo pa ako. Ikaw lang ang nagpakita ng kabutihan sa akin dito. Kayo ni Eliza. Gumising ka na." May luha na pumapatak sa mga mata ni Nia. Hindi niya alam kung lungkot ba iyon o pagod o pag aalala. Nang matapos linisin at ibalot ng gasa ang sugat ni Leo sa kamay ay umaliwalas ang mukha ng binata. Nanantili mang tulog ay nakita ni Nia na umaayos na ang pakiramdam niya. "Maghahanap lang ako sandali ng tubig. Huwag kang aalis." Muling sinulyapan ni Nia ang binata bago ito tuluyang lumabas. Muling bumalik si Nia sa lugar ng merkado. Animo'y walang nangyari, muling nagbalik ang mga nagtitinda roon. Tubig na maiinom ang agad na hinanap ni Nia. Habang naghahanap siya ay sinusundan siya ng tingin ng mga tao at pinag uusapan. Rinig na rinig ni Nia na pinag uuspan ang pagkahulog niya at pagbalik sa tulong ng kwintas niya. Hindi na niya pinansin ang mga ito. Wala sa isip niyang kausapin ang mga taong makasarili. Sa hindi kalayuan ay nakakita siya ng ibinebentang tubig. Dali-dali niya itong pinuntahan at kinuha. "Manong, wala akong gamit na ipampapalit dito. Pero babalik ako. Maghahanap ako ng maipambabayad sa `yo." "Iyang kwintas mo. Pwede na sa akin `yan." Hindi man nakalabas ang kwintas ni Nia pero kalat na buong merkado ang kakayahan ng kwintas niya at lahat gusto itong makuha. "Hindi ko ho ito ibinibenta. Pero pangako po, babalik ako. Papalita ko po itong tubig." Tumalikod si Nia na hindi na hinintay ang sagot ng matanda. Ngunit nang humakbang ito ay sumigaw ang matanda na nagnanakaw siya. Pinagtinginan nila si Nia. Muling nagpaliwanag si Nia ngunit walang nakikinig sa kanya. Alam ni Nia na hindi maganda ang lagay niya roon. Hindi ang tubig o kapalit noon ang kailangan nila, kundi ang kwintas niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD