"Ano klasing lugar ito?" Sa dulo ng gubat dinatnan ng grupo ang dalawang malaking puno na nakapalupot sa isa't isa na animo'y ayaw magpapasok ng bisita. Base sa mapa sa libro ay iyon ang lagusan patungo sa ilog ng Tsuna. "Sigurado ka bang ito ang daan, Vexx?" tanong ni Zenon na nakatingala pa rin sa dalawang punong. Pamilyar si Vexx sa gubat na isa sa mga teritoryo ng palasyo. Ngunit simula nang mailuklok si Prinsesa Ifri ay napabayaan na ang dating saganang gubat. "Hindi ako pwedeng magkamali." Sinubukan ng tatlo na hawiin ang mga maliliit na sanga sa pagbabakasakali na natabunan lamang ng mga ito ang lagusan. Sa kalagitnaan ng kanilang pagpuputol ay bumaba si Nia. Lumupit ito sa puno saka tumulong. "Huwag na, Nia. Kaya na namin ito." Hinugot ni Leo ang kanyang karisma na nakatago s